"Mateo, sagabal sa mga plano ko ang hayop na iyon! Kanina naririnig ng mga pulis na pinatay ko ang pasyente sa ospital. Mabuti na lang nakalusot ako at sinabi ko na sinisiraan lang nila ako." "Vanessa, huwag kang padalos-dalos dahil hindi madaling makatira sa rehas." "Hindi mangyayari iyon Mateo, si Savanna ang makukulong hindi ako!" Samantalang nakakausap na ni Marcela ang mga magulang na biktima ni Vanessa siya mismo ang nag pursue na kasuhan si Vanessa dahil meron silang nakuhang witness. Nakita raw ito ng isang nurse na, ibang gamot ang nilagay ni Vanessa sa injection na itinurok nito sa biktima. Hindi na lang daw siya nagsasalita pa, dahil mismo ang may-ari ng ospital ay ayaw nitong maglabas ng mga impormasyon dahil ayaw nitong makaladakad sa kahihiyan ang ospital na iyon. Pagdat

