Marcos, kumain ka na, kung gusto mo pang madagdagan ang buhay mo." tinanggal ni Savanna ang tali sa kamay nito para makakain ng maayos. "Anong plano mo sa akin Savanna? Bakit mo ako kinukulong rito? Umayos ka Savanna. Wala akong kasalanan sa 'yo." "Anong wala? Marami kang kasalanan sa akin Marcos, kaya nandito ka para pagbayaran mo." "Wala akong matandaan Savanna. Saka gusto ko lang ng katahimikan kaya kita pinakawalan, sinakrapisyo ko si Enzo para sa katahimikan. Gusto mo ba ng ganoon na lagi kayong nag-aaway ni Savanna dahil sa akin?" "Kaya mas pinili mo siya kesa anak mo? Noong meron kang amnesia ay mahal na mahal mo kami ni Enzo. At ang sweet mo sa akin. Marami tayong mga happy memories. Malayong-malayo sa relasyon ninyo ni Vanessa, dito sa islang ito nabuo ang pagmamahalan natin

