"Hayop ka Savanna, alam kong palusot mo lang iyan na meron kang alam sa mga sekreto ko. Pero alam kong wala kang nalalaman, kasi kung alam mong kami ni Mateo ang pumatay sa ama mo ay dapat pinakulong mo na kami! Ang mahalaga ay nasa akin si Marcos at kahit anong mangyayari ay hindi ako papayag na makuha mo siya sa akin!" sigaw niya habang binuhay ang makina ng kotse at nagmamadaling pinaharurot ang kaniyang sasakyan. Nakita ni Savanna na umalis na si Vanessa, alam niyang pupuntan ito sa opisina ni Marcos. "Sige lang Vanessa, hayaan muna kitang mag-enjoy ngayon. Hintayin mo ang ganti ko sa iyo, sa inyong dalawa ni Marcos actually." "Kinabukasan ay abala ang lahat sa kasal nina Vanessa at Marcos, abot tenga ang ngiti ni Vanessa dahil sa wakas ay maikasal na siya kay Marcos. "Mommy,

