Marcos, bakit nandito ang babaeng iyan? Anong kailangan niya rito?" "Vanessa, hindi ko alam baka meron lang silang mahalagang pinag-uusapan ni mommy." sagot ni Marcos. "Hindi mo alam? Ako ba ay pinagloloko mo Marcos? Umayos kayong dalawa ni Savanna, kapag malaman kong niloloko ninyo ako ay malintikan kayong dalawa sa akin!" galit nitong sinasabi at nagmamadaling lumapit kay Marcela at Savanna. Nagulat si Marcela nang makita si Vanessa na lumapit sa kanila. "Vanessa, anong ginagawa mo rito?" tanong ni Marcela pero nanatiling nakatitig lang ito kay Savanna. Na parang gusto niya itong sakmalin. Tahimik lang si Savanna dahil ayaw niya ng gulo. Lalo na at nasa company siya ni Marcela. "Savanna, bakit nandito ka? Akala ko ba ay pinuputol mo na ang ugnayan mo sa pamilya ni Marcos? Bakit n

