"Savanna, I'm sorry. Kung alam mo lang kung gaano kasakit para sa akin na malamang wala ng bisa ang kasal ninyo ni Marcos, gustong-gusto kong sabunutan si Vanessa. Hayaan mo anak sa puso at isip ko ikaw ang gusto naming manugang, hayaan mong turuan natin ng leksiyon si Marcos. Hindi ko hayaang magtagumpay si Vanessa sa plano niyang maikasal sa anak ko." "Tita, kung masaya si Marcos kay Vanessa hayaan mo na lang siya, hindi mabuting hadlangan natin siya sa kaniyang kaligayahan. Alam kong darating ang araw na makalimutan ko siya, pero sa ngayon ay namnamin ko muna ang sakit. Mag-focus na lang ako sa anak ko at kay daddy. Mas mahalaga sila sa buhay ko, at saka ayokong magluluksa nang dahil lang sa maling pag-ibig." "Hindi mali Savanna. Hindi sila kasal nang pumasok ka sa buhay ng anak ko.

