Pumasok si Marcos sa loob at dumiretso sa kusina upang uminom ng tubig. Malungkot pa rin siya dahil sa nangyayari sa kanila ni Savanna kanina lang. "Marcos, kinakausap kita sagutin mo ako!" "Vanessa, huwag na huwag mong sigawan ang anak ko sa sarili kong pamamahay!" Singhal ni Marcela kay Vanessa. "Tita, hindi ko po siya sinigawan, nag-uusap lang po kami." "Huwag kang mag po sa akin Savanna' hindi bagay sa 'yo. Marcos, bakit hindi na sinasagot ni Savanna ang mga tawag ko sa kaniya. Miss na miss ko na ang apo ko." "Mommy, ayaw niyang magpakita pa sa atin, pinirmahan na po niya ang aming annulment. At ang sabi niya sa akin ay ayaw niyang makita pa ang pagmumukha ko. At ayaw niyang magkaroon pa ng kahit na anong koneksiyon sa pamilya natin." nagulat si Marcela sa sinasabi ni Marcos, h

