Marcos, anong ginawa mo sa loob ng opisina ni Savanna? Saka bakit ibang-iba ang opisina ni Savanna? Bakit mas malaki ang opisina niya kesa sa atin? tanong nito. "Vanessa, kay mommy ang opisina na iyon. Saka huwag mo nang problemahin iyan." "Anong ginagawa ninyo sa loob? Bakit ka pumasok diyan?! Umayos kayo Marcos sa oras na malaman kong niloloko ninyo akong dalawa ay malilintakan kayo sa akin!" galit nitong sigaw. "Hindi na kailangang pagsabihan mo ako Vanessa dahil alam ko kung ano ang ginagawa ko." "Mabuting naman at alam mo Marcos, dahil ayokong niloloko ako! Kumatok siya sa pinto ni Savanna at nagmamadaling pumasok, nang makita ni Savanna si Vanessa ay nagmamadaling tumayo siya. "Vanessa. Anong kailangan mo? Hinahanap mo ba si Marcos? Wala na siya." Hindi si Marcos ang d

