"Ang sungit mo naman Savanna, ganiyan na ba kapait ang buhay mo? Simula nang maikasal kami ni Marcos?" “Buhay mo ang mapait Vanessa, hindi sa akin." "Alam mo bang ang lambing ni Marcos, kaya lagi kong pinagbibigyan, kesa naman sa iba niya ito hanapin. Mahirap na, baka masalisihan pa ako.” Ilang beses na napalunok si Savanna dahil sa kaniyang narinig. Gusto niyang sakmalin si Vanessa, ngunit pigil na pigil niya ang sarili. Nasasaktan at nagseselos siya pero pinilit niyang takpan ng tapang ang kaniyang totoong nararamdaman. “Natahamik ka, Savanna? Masakit ba? Masakit bang tanggapin ang katotohanan na ang lalaking pinakamamahal mo ay sa akin na nahuhumaling? Kawawa ka naman. Naagaw mo man ang posisyon ni Marcos, pero nasisiguro ko sa ʼyo na hinding-hindi mo siya maaagaw sa akin!” nang

