Chapter 7
Hanggang sa pag-uwi ni Alfha ay hindi pa rin maiwaglit sa kanyang isipan ang nangyari sa kanila ni Zara kanina sa department store. Tusok na tusok sa kanyang utak ang mga sinabi nito, at talagang bumaon ng husto sa kanyang puso ang sakit.
Buntis siya, kaya masiyado siyang sensitive. Madaling masaktan.
"Hanggang dito na lang kami sa labas ng bahay niyo. Hindi na lang kami papasok sa loob," saad ni Gretta, matapos siyang ihatid ng mga ito.
"Hindi na lang ba kayo magkakape?" tanong niya.
"Hindi na lang siguro, pupunta na lang kami sa milktea shop ni Amiya. Doon na lang kami magkakape."
"Pareho lang naman ang kape ni Amiya at ang kape ko, bakit kailangan pa kayong pumunta doon," pagtatampo niya sa mga ito.
"Alam mo girl, iniiwasan lang kasi namin iyong asawa mong mas mataas pa sa mount everest ang pride, kaya't pasensya na kung 'di ka namin mapagbibigyan," hinging paumanhin ni Rain.
Walang nagawa si Alfha upang pigilin ang mga kaibigan. Gusto niya pa sana ka-kuwentuhan ang mga ito, ngunit alam niyang hindi na niya mapipilit pa ang mga ito. Matapos tanawin ang sasakyan papalayo ng mga kaibigan ay pumasok na rin siya sa loob, bitbit ang mga pinamili. Nagulat siya ng maabutang nasa sala si Dean, nakauwi na pala ito. Hindi niya inasahan, dahil nasanay siyang sa gabi na ito umuuwi.
"Kanina ka pa ba?" tanong niya habang inaayos sa lalagyan ang mga groceries.
"Kakarating lang din. S'ya nga pala aalis ako ngayon, may pupuntahan akong birthday, baka gabihin ako sa pag-uwi," paalam nito sa kanya.
"S-saan?" kinakabahan n'yang tanong. Hindi n'ya maintindihan ang kabang biglang sumalakay sa kanya.
Hindi ito tumugon, kaya't hindi na siya nagtanong pa ulit. Nakita niyang umakyat na ito sa itaas, marahil ay magbibihis na.
"Aalis na ako. Huwag mo na rin pala akong hintayin umuwi, baka matagalan ako, may susi naman ako ng bahay," anito, habang inaayos ang suit.
Sinipat ni Alfha ang suot ng asawa. Guwapong-guwapo ito sa kasuotan, mukha ngang engrande ang pupuntahan.
"I have to go now, just lock the door and make sure na naka lock din ang mga gate," parating bilin nito sa kanya. Wala man lang goodbye kiss sa kanya.
Tinungo niya muna ang gate at isinara ito matapos makalabas ng sasakyan nito. sinunod ang malaking maindoor.
Katulad ng nakasanayan, nananghalian at naghapunan siyang mag-isa, pagkatapos ay naglinis ng buong bahay.
Kakatapos niya lang mag halfbath nang makatanggap ng message galing kay Dwen. At gano'n na lang ang kirot na lumukop sa kanyang dibdib ng mabasa ang message nito. Nasa bahay pala ni Zara si Dean. Kasunod ng message ni Dwen ay may nag send naman sa kanya ng mga pictures, kung saan magkayakap si Dean at Zara. Sa isang kuha naman ay hinalikan pa ito ni Dean.
Hindi na kinaya pa ni Alfha ang sama ng loob. Dali-dali siyang nagbihis at nagpasyang puntahan si Dean sa bahay ni Zara. Hiningi niya ang adress nito kay Dwen, dahil alam nito kung saan ito nakatira, dahil kaibigan nito ang pamangkin ni Zara.
Dahil alas-sais pa lang ng gabi, marami pang sasakyan at mga tao sa labas ng subdivision. Nagpupuyos ang damdaming nag para siya ng taxi.
"Manong, pakidala po ako sa adress na ito," wika niya sa driver ng makasakay ng taxi.
"Medyo malayo-layo ito, Ma'am, mga kalahating oras pa ang byahe papunta roon."
"Ok lang po, basta po makarating ako sa adress na iyan," pigil ang mga luhang saad niya rito.
Totoo nga ang sabi ng driver. Mahigit kalahating oras nga ang binyahe nila, upang makarating sa bahay ni Zara.
Sa labas pa lang ng gate ay rinig na rinig niya na ang malakas na pa sound system ng mga ito. Mukha ngang may paparty talaga. Humugot muna siya ng isang malalim na paghinga bago mag-doorbell.
Isang katulong ang nagbukas ng gate para sa kanya.
"Sino po sila?" tanong nito sa kanya na unang tiningnan ang malaki niyang t'yan.
"Nar'yan ba si Dean? Asawa niya ako," diretso niyang sabi rito.
"Ah, Ma'am, huwag po kayong mang-gulo rito, marami pong mga kilalang tao ang narito," sa halip ay sabi nito. At talagang inutusan pa siya ng katulong ni Zara. Marahil ay alam nito na may relasyon si Dean at Zara
Walang sabi-sabi na pumasok siya ng gate, kaya naman hindi kaagad siya napigilan ng katulong.
"Ma'am! Bawal po kayo r'yan!" malakas na sambit nito habang nakasunod sa kanya.
Ngunit parang wala s'yang naririnig ng mga oras na iyon, manhid na s'ya sa mga ginagawang panloloko sa kanya ng asawa. Pakiramdam n'ya ay sinasaniban siya ng demonyo ng mga oras na iyon. Walang takot at malakas ang kanyang loob na pumasok sa loob ng bahay ni Zara, kung saan nagkakasiyahan ang lahat.
"Oh! Look who's coming, Beb!" nakataas ang kilay na saad ni Zara kay Dean. Nag-uusap sila nito sa sala.
Ang lahat ay napasulyap kay Alfha.
Walang salitang lumabas mula sa kanyang bibig. Bagkos ay tinitigan niya lang ng masama si Dean, nagbabanta na kapag hindi ito umuwi at sumama sa kanya ay magwawala siya roon.
Tila naman nabasa nito ang nasa isip niya. Halos pakaladkad siya nitong hinila at dinala sa garden. Sa medyo may kadiliman na lugar. Ngunit hindi sapat ang kadiliman, upang hindi sila makaagaw pansin ng mga naroon.
"What the hell are you doing here, Alfha!" galit na sabi ni Dean nang nasa garden na sila. Mahigpit nitong hawak ang kamay n'ya. "Talaga bang nasisiraan ka na ng bait!" muli ay singhal ni Dean.
"Oo! Nasisiraan na ako ng bait, dahil sa 'yo, Dean! Napaka iresponsable mo!" ganting singhal niya rin rito. Wala s'yang pakialam kung nagmumukha s'yang eskandalosa. "Nakakalimutan mo yatang, I am your wife! Kaya't may karapatan akong magwala kung gusto ko! Ginawa ko naman ang lahat, ngunit kung ituring mo ako ay parang katulong mo lang na sunod-sunuran sa lahat ng gusto mo!" Ang tinitimping galit ni Alfha ay parang bulkan na sumabog sa harap ni Dean at ng mga taong nakikiusyoso na rin sa kanila.
"Hindi kita pinilit, Alfha! It's all your fault! Ikaw ang nang-akit sa akin, kaya nagbunga ang lahat at natali ako sa lintik na pagsasama natin!"
"Alam ko at pinagsisisihan ko na iyon! Kung hindi mo ako kayang mahalin! Igalang mo naman sana ako bilang asawa mo!" Unti-unting pumapatak ang mga luha n'ya, awang-awa siya sa sarili, lalo na't nakikita niya ang kasiyahan sa mukha ni Zara, kung paano siya tratuhin ni Dean.
"Then let him go! Kung hindi mo na kaya, tanga!" sabad naman ni Zara na nasa tabi na niya ngayon. Hinarap niya ito at malakas na sinampal.
"Ikaw babae ka ha! Namumuro ka na! Talaga bang makati ka, kaya hindi mo magawang layuan itong si Dean!" galit niyang wika rito.
Marahil ay labis na nagulat si Zara sa ginawa n'ya kaya't hindi nito nagawang manlaban. Sapo ang mukhang nadampian ng mainit na palad ni Alfha at tinitigan lang s'ya nito ng masama.
Buong lakas na hinila ni Dean ang kamay ni Alfha at pakaladkad na dinala sa labas.
Habang panay ang pagpupumiglas ni Alfha.
"Stop it!" malakas na sigaw ni Dean sa kanya, bago siya halos balibagin. Balewala rito ang maunbok n'yang tiyan kung kaladkarin s'ya nito.
"Hindi pa ba sapat ang pang-aalipin mo sa akin, Dean? At sinasaktan mo ako ng ganito? 'di pa ba sapat ang pag-ibig na inalay ko sa 'yo? Upang damdamin ko ay lubusan saktan mo?" umiiyak niya nang sabi.
Ngunit mistulang manhid si Dean sa mga sinasabi n'ya.
"Did i tell you to stay with me? Did i force you to live with me? Hindi di ba? Kaya't wala kang karapatang magsalita ng ganyan sa akin, dahil sa simula pa lang alam mo nang hindi kita mahal."
Pakiramdam ni Alfha ay sinaksak s'yang muli ng sampung beses sa dibdib sa mga sinabing iyon ni Dean.
Ang mga maanghang na salitang iyon ang labis na nagpapahirap sa loob niya, kaya hindi na niya kinaya.
Tinanggal niya ang singsing sa kanyang daliri at ibinato sa mukha nito.
"Iyan ba talaga ang gusto mo? Sige, pagbibigyan kita, para sa iyong ikakatahimik. Simula ngayon bibitawan na kita, Simula ngayon, hinding-hindi mo na ako makikita, at simula ngayon, wala nang Alfha ang magpapa-alipin sayo, your free now and do what you want, Wala na akong pakialam!"
Pagkasabi niyon ay mabilis na umalis si Alfha sa lugar. Napilitan siyang maglakad hanggang makalabas ng subdivision, dahil iniwan na siya ng taxing sinasakyan. Abot ang mga luha at ang kanyang sipon sa labis na pag-iyak. Pakiramdam niya ay ano mang oras ay mawawalan na siya ng malay sa sama ng loob. Hanggang sa makarating siya sa tulay kung saan dumadaan ang maraming sasakyan.
Habang patuloy pa rin sa pagtangis ay naramdaman ni Alfha ang matinding pagsakit ng balakang at t'yan. Huminto muna siya sandali sa paglalakad, ngunit patuloy pa rin sa pagkirot ang kanyang t'yan. Mga ilang minutong makalipas ay bigla siyang nilabasan ng dugo. Nanginig ang kanyang kalamnan nang makita ang dugong umaagos sa kanyang mga binti.
Dahan-dahan siyang napaluhod sa semento, habang sapo ng dalawang kamay ang t'yan. Mukhang manganganak pa yata siya ng wala sa oras. Nagpalinga-linga siya sa paligid. Wala na siyang makitang dumadaan na sasakyan, dahil mag-aalas-dyes na ng gabi. Unti-unti na siyang nanghihina at nanlalabo ang mga matang napasandal sa gilid ng tulay, habang namimilipit sa sakit.
"Boss, mukhang may babaeng hinimatay sa gilid ng tulay," saad ng driver na si Berting.
"Saan?" kunot ang noong tanong ni Diego, habang sumisilip sa bintana ng sasakyan. at nanlaki ang kanyang mga mata ng makilala kung sino ang babaeng tinutukoy ni Berting.
"Stop the car!" agad niyang utos.
"Ho?"
"I said, stop the car!"
Agad niyang tinakbo ang kinaroroonan ni Alfha ng huminto na ang sasakyan.
"Alfha! Oh my god! Anong nangyari sa 'yo?"
"D-Diego! Tu-tulong! Huling nasambit ni Alfha bago mawalan ng ulirat.
"Agad itong binuhat ni Diego at sinakay sa sasakyan.
"Sa ospital tayo Mang Berting! Pakibilisan lang po!" taranta n'yang saad, pinagpawisan s'ya ng malagkit dahil sa mga dugong dumadaloy sa binti ni Alfha.
"Make it fast, Mang Berting!" muli ay sambit n'ya, kalong-kalong n'ya ang ulo ni Alfha. Natatakot s'ya na baka hindi na ito umabot pa sa ospital.