Chapter 6

1851 Words
Chapter 6 Habang hinihimas ang t'yan nang nakapikit ay hindi maiwasang alalahanin ni Alfha ang nangyaring kaganapan sa kanila ni Dean. Noong panahon nang malasing siya sa herbal ni Gretta. Walang hiyang Gretta, nabudol siya sa inumin nito. Buong akala niya ay herbal lang talaga para sa pagda-diet ang ipinainom nito sa kanya, iyon pala ay alak. At noong panahon na nadama niya ang unang halik ni Dean at masuyong pag-angkin nito sa kanya. Victims of love, a broken down the fence, So sad to see the debris! Scattered everywhere!" Umalingawngaw ang boses ng isang broken hearted na si Alfha sa buong lugar na iyon ng bar na kanilang pinasukan. Matapos niyang makita si Dean na kayakap ang long time girlfriend nitong si Zara. Ilang beses siyang nagpapansin dito kanina sa pag-aakalang mapapansin na siya nito. Nag partner pa sila kanina ng sayaw nito, tapos walley pa rin. Aba'y gusto pa yata ng Dean na ito na maghubad siya sa harapan nito para lang mapansin. "Dematrea, akitin mo na kaya si Papa Dean!" sulsol sa kanya ni Amiya." "Hala! Ano 'yun? Magiging akin lang siya, dahil inakit ko gano'n?" "Kaysa naman, para kang tanga r'yan na pakanta-kanta at nakatanaw lang sa dalawang iyon. Tingnan mo naman ang girlfriend niya, parang linta kung makalambitin sa leeg ni Dean." "Oo nga. Buti sana kung maganda 'yung timbre ng boses niya. Pakanta-kanta pa ng victims of love pero 'yung boses parang niyuyupi na lata," Sabad naman ni Dwen. "Mga kaibigan ko ba talaga kayo? Ang sasama niyo naman!" nauutal na niyang saad. Halos tumabingi na ang mga labi niya sa kalasingan. "Look! Sinampal ni Zara si Dean! Mukhang nag-aaway ang dalawa," saad ni Rain, habang nakatingin sa dalawang magkasintahan. Sabay-sabay silang napalingon sa kinaroroonan nang dalawa. Nakita nilang nag walk out na si Zara, habang naiwan si Dean na nakayuko na lang. Ang dalawang kamay nito ay nakahawak sa leeg. "Girl, chance mo na! Lapitan mo na si Dean dali!" pasigaw na utos sa kanya ni Gretta. At dahil lasing na si Alfha ay wala na siyang madamang hiya. Tila isang a-gogo-dancer na lumapit siya sa kinaroroonan ni Dean. Naabutan niya itong nakatulala sa hangin. "Hi Dean, need mo ba ng kausap? free ako," saad niya sa malanding tono. ngunit nakatitig lang ito sa kanya. "Huwag mong pilitin ang ayaw, mahirap na!" tumabi s'ya rito sa pag-upo, naka de-kuwatro, kaya kita ang makikinis niyang hita. "What do you want from me?" tanong nito na pasimpleng sumulyap sa kanyang hita. "Wala lang, gusto lang kitang damayan sa iyong pag-iisa. Tila nang-aakit niyang turan. At tila naman nadadala na ito sa pang- aakit niya. Baka mamaya hingin na nito ang number niya at magiging textmate niya na ito. Ngunit iba ang nangyari. "Masyadong maingay sa lugar na ito. Let's get out of here!" yaya nito sa kanya. Kaya naman ay agad siyang pumayag. Binilatan niya pa ang mga kaibigan habang nakasunod ng tingin ang mga ito sa kanya. Hindi yata akalain ng mga ito na magagawa niyang akitin si Dean. Pagdating nila sa parking lot area ay agad silang pumasok ni Dean sa kotse nito. Pinaliguan siya ng mga halik nito sa mukha, habang ang mga kamay ay malayang naglakbay sa kanyang buong katawan. Ang isa naman ay unti-unting hinuhubad ang kanyang mga saplot. Gustong tumutol ni Alfha, dahil wala naman ito sa plano niya. Ngunit nadadala siya sa mga halik ni Dean at haplos. Hanggang sa tuluyan na siyang mawala sa katinuan. Napayakap siya sa sarili ng maramdaman ang malamig na hangin na biglang umihip mula sa siwang ng bintana. Ngunit agad ding napawi ng maramdaman ang init ng katawan ni Dean. Wala na rin itong saplot. Muli ay sinakop nito ang kanyang mga labi, pababa sa kanyang leeg, hanggang sa dibdib. Habang ang mga kamay ay patuloy na naglalakbay. Napaidtag siya nang maramdaman ang mga hintuturo nito sa kanyang maseselan. Gusto niyang alisin ang kamay nito ngunit wala siyang lakas ng loob. Nagdudulot iyon ng mga sensasyon na bago sa kanyang pandama. Hanggang sa unti-unti na nitong tinawid ang pagitan nilang dalawa. Sa una ay napapapikit at napapasabunot siya sa sobrang sakit, ngunit kalaunan ay nawawala na ito at ibayong sarap na ang kanyang nararamdaman. Hindi alam ni Alfha na ang gabi pa lang iyon ang magiging sanhi at simula ng kanyang pagdurusa sa piling ni Dean. Oo nga't mahal niya ito. Ngunit puro pasakit na lang ang ibinibigay nito sa kanya. Napamulat ng mga mata si Alfha ng marinig ang tila yabag papalapit sa kanyang kinaroroonan. Nang makita niyang papalapit si Dean ay napapikit siya ulit. Ayaw niyang makita nito ang mga luhang nakakubli sa sulok ng kanyang mga mata. Naramdaman ni Alfha ang pag-angat ng katawan. Binuhat siya ni Dean, at ilang sandali lang ay ang malambot na kama na ang hinihigaan niya. Mula sa sofa ay inilipat siya nito sa kama. Nakonsensya marahil sa kanya. Nakatulog na si Alfha sa malalim na pag-iisip, ngunit si Dean ay tinablan yata ng ininom nito na matapang na kape. Sa pagkatitig niya kay Alfha ay unti-unting nadama ang pintig sa puso ni Dean, ngunit ayaw niyang tanggapin. Hindi si Alfha ang pinangarap niyang mahalin kun'di si Zara. Ngunit si Alfha ang unang nagbigay sa kanya ng pagmamahal na tapat. Habang minamasdan niya itong natutulog ay hindi maiwasan ni Dean ang mapaisip. Gusto niya nang mawala ito sa buhay niya dahil natatakot na siya sa maaaring maramdaman at ayaw niyang mangyari iyon. Ngunit makakaya niya bang iwan ito, lalo na't nagdadalang tao. "s**t!" sambit niya, habang napapahilamos sa mukha. Tumayo siya at nagpasyang mag shower, upang maibsan ang pagka-aburido sa nararamdaman. Maaga pa lang ay nagtungo na si Alfha sa department store upang mamili ng kailangan, paubos na ang stock nilang groceries sa bahay, kaya't namili na siya. Tinawagan niya si Gretta at Rain, upang may makasama sa pamimili, dahil seven-months na ang kanyang t'yan ay medyo hirap na siyang maglakad. Madali na rin siyang mapagod. "Sana kasi kumuha na kayo ng katulong at driver, upang hindi ka na mahirapan pa sa pamimili. Paano 'yan kapag nanganak ka na? ganito pa rin ba?" sermon ni Gretta nang dumating ito. Nasa labas pa sila ng department store dahil hinihintay pa nila si Rain dumating, at ilang sandali nga lang ay dumating na ito. "Good morning ladies! Late na ba ako?" "Ay, hindi! Ang aga mo nga, eh!" Nakairap na turan ni Gretta. "Pasensya na, traffic kasi," anito na naka abresyete na sa kanilang dalawa ni Alfha. "Wow ha! Saan ka na-traffic? Eh 'yung bahay mo nasa kabilang kanto lang nitong department store. Ano 'yun? Dumaan ka pa sa kabilang bayan bago nakarating dito?" nanlalaki ang butas ng ilong na saad ni Gretta. Natawa na lang si Alfha sa pag-uusap ng dalawa. Kaya gusto-gusto niyang kasama ang mga kaibigan, dahil kayang pawiin ng mga ito ang dinadala niyang bigat ng kalooban. "Oh, tama na 'yan, baka mamaya mapunta pa 'yan sa baranggay ang pagtatalo n'yong dalawa," awat niya sa mga ito. "Pumasok na nga tayo at ang hot dito sa labas," nakatawang sabi naman ni Rain. Gusto lang yata nitong mag pa-aircon sa loob, dahil hindi naman ito nagbubukas ng aircon sa bahay nito, para daw tipid sa kuryente. "Umandar na naman ang pagka-kuripot mo, Rain! Kaya pala lagi kang nasa mga mall, dahil aircon lang ang habol mo," malakas na sabi naman ni Gretta. "'Wag mo namang isigaw at nakakahiya kay Manong Guard," reklamo nito. "Hindi na talaga kayo matapos-tapos sa mga patutsada niyo. Pumasok na nga tayo." Nasa kalagitnaan na sila ng pamimili nang may bumunggo kay Alfha. "I'm sorry ma___" hindi niya naituloy ang sasabihin nang mapagtantong si Zara pala ang nakabangga niya. "Oh! The girl behind, why Dean decided to broke up with me!" sarkatiskong saad nito ng makilala siya. Sinuyod siya mula ulo hanggang paa. Taas-noo naman niya itong sinalubong ng tingin. "Englishera, Day," bulong ni Gretta sa kanya." "So? Problema mo?" mataray niya namang tanong. "Nothing! I just want to know, kung masaya ka ba sa piling niya?" tila confident nitong tanong. Mukhang may alam sa nangyayari sa kanila ni Dean sa loob ng bahay nito. "Stress na stress ka, Alfha! Napaghahalataang hindi ka masaya with Dean. If i were you, i'll Let him go! And run-away! Very far away! Pang-iinsulto nito sa kanya. "Awatin ninyo ako! Sasambunutan ko 'to!" pigil na pigil na saad ni Rain. "Nagsama ka pa talaga ng mga kaibigan mong mga. . ." Hindi nito itinuloy ang sasabihin. Pinagmasdan lang sila, kaya naman lalong nagpupuyos si Rain. Habang si Alfha naman ay hindi nakapag salita. Tinamaan siya sa sinabi nito, dahil totoo naman. "Alam mo Zara, hindi naman kasalanan ni Alfha kung mas maganda ang matress niya kaysa sa 'yo! Kasalanan ba ni Alfha kung siya ang unang nabiyayaan ng masaganang sperm cells ni Papa Dean at hindi ikaw," nakapamaywang na turan ni Gretta rito. "Oh, s**t! What are you talking about? Lumalabas talaga ang pagiging squater ninyo!" singhal nito, hindi nagustuhan ang sinabi ni Gretta. "Oh, ano? Titigil ka ba sa pang-iinsulto? O ipapakita ko sa 'yo ang ugali ng sinasabi mong squater!" banta ni Gretta rito. Habang si Alfha naman ay hindi na makapagsalita. Nanggagalaiti itong umalis at padabog na binitbit ang mga pinamili nito. "Ok ka lang, Girl? huwag ka nang paapekto sa bruhang iyon. Inggit lang 'yun sa 'yo!" Pang-aalo sa kanya ni Rain. Pilit siyang ngumiti sa mga ito, kahit na parang nabibiyak ang puso sa mga iniwang kataga ni Zara sa kanya. Totoo naman kasi ang mga sinabi nito. "Huwag mo nang isipin 'yun, Alfha. Makakasama sa baby mo kung idadagdag mo pa si Zara sa mga alalahanin mo," saad ni Gretta, talagang nabasa nito ang iniisip n'ya. "Oo nga, gayahin mo kami ni Gretta, chill lang, kahit pa sakit din sa ulo 'yung mga kasintahan namin." ani Rain na niyakap s'ya. Gusto na n'yang umiyak, upang maibsan ang bigat ng dibdib. "Kung masakit na talaga, huwag mong itatago, ilabas mo, Alfha." Ang katagang iyon ni Gretta ang nagpakawala ng mga hikbi n'ya. Agad s'yang dinaluhan ng dalawa nang makitang nag-uunahan na ang kanyang mga luha. "It's ok, ilabas mo," sambit ni Rain, habang hinihimas ang kanyang likod. Nakayupyop s'ya habang yakap ng dalawa. Ilang minuto rin ang lumipas bago s'ya nahimasmasan. "Ok ka na ba?" "Yes, i feel better, salamat sa inyong dalawa," nakangiti n'ya nang sabi, habang nagpupunas ng mga luha. "Tapusin na natin itong drama na 'to at si Manong Guard ay kanina pa nakatingin sa atin," natatawang sabi ni Rain. Saba'y silang napalingon sa entrance at totoo nga ang sinabi nito, titig na titig nga sa kanila ang guwardya, marahil ay nagtataka na ito sa kanila, hindi lang ito, maging ang mga saleslady at cashier ng department store ay nakatingin na rin sa kanila. Nagkatawanan silang tatlo, nakakaagaw pansin na pala sila. "Ang drama n'yo kasi," ani Gretta. "Anong kami! Tayong tatlo!" "Oh, sige, magsisihan kayo r'yan," natatawang awat ni Alfha sa dalawa. "Halina kayo, magbayad na tayo at baka kaladkarin na tayo palabas dito," nakatawang saad n'ya bago binitbit ang basket na may mga pinamili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD