Chapter 18 Habang nasa kusina si Alfha ay hindi pa rin maalis-alis sa kanyang isipan ang pinag-usapan nila ni Basyang. Kung siya lang talaga ang tatanungin ay agad-agad pupuntahan niya na si Diego. Gustong-gusto niya na itong makita. Ngunit papaano siya makakaalis nang hindi mag hihinala si Dean. Saglit niya munang iwinaglit sa isip ang plano, kailangan ay maging mabait muna siya rito upang kung sakaling magpapaalam siyang aalis ay payagan siya nito. Dinalhan niya ito ng pagkain sa kuwarto dahil ayaw raw muna nitong lumabas. Hula niya ay may inaayos itong appointment gamit ang laptop nito. Marami na kasi ang naghahabol dito na mga kasusyo nito, dahil daw sa hindi pa naibabalik na pera at isa na nga doon si Mister Lim. "Ito na ang pagkain mo," saad niya ng pumasok sa kwarto. Naabutan ni

