Chapter 19 Isang nakakasilaw na liwanag ang gumising kay Alfha. Iyon pala ay nakatayo na si Dean sa harap niya. Nakaramdam siya ng tuwa sa pag-aakalang palayain na siya nito. Ngunit lalong lumala si Dean. Pabagsak nitong inilagay sa harapan niya ang pagkain at ang isang bottled water, pagkatapos ay muli nitong isinarado ang pintuan. Narinig niya na lang ang pag-lock ng kandado nito sa labas. Napaiyak na lang siya sa sobrang habag sa sarili. "Dean! Buksan mo 'to! Palayain mo na ako!" mangiyak-ngiyak niyang sambit!" Isang prisoner slave na lang talaga siya ngayon. Awang-awa na siya sa kanyang sarili. Dahil hindi niya dapat ito nararanasan ngayon. Mali bang magmahal? Ang pagkakamali lang niya naman ay nagpakasal siya sa isang walang pusong lalaki na akala niya ay siyang bubuo ng mga pangar

