"SURPRISED!!!" Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko nang biglang lumagabog ang pintuan ng opisina ko at pumasok doon ang nakangiting si Pia. Hawak ang isang party popper at agad na pinaputok sa harapan ko. Oh, sh*t! "Pia!" Hindi ko napigilang isigaw. Gulat man sa nangyari ay dali dali ko siyang nilapitan at agad na sinunggaban ng yakap. "What the hell! Paano ka nakapasok dito?" She hugged me back and giggles. "Dumaan ako sa main entrance niyo, obvious ba? Gosh! I can't believe you're a Collins, bruha ka!" Halata ang tuwa sa boses niya. Humiwalay siya sa akin at pinitik ako sa noo. "Ouch!" Maarteng angal ko. "Madami kang ipapaliwanag sa akin, kala mo ha!" Nakita ko ang ilang tinginan ng mga nasa labas kaya naman nakaramdam agad ako ng hiya sa ginawa ng kaibigan ko pero

