"Esra, hindi muna kami sasabay ngayon sa'yo ng lunch, magde-date kami ni Pia sa labas," paalam sa akin ni Chio nang makatabi ko siya dahil sa groupings na ginawa ni Thadron para sa gagawing activity.
"Saan kayo pupunta?" Curious kong tanong.
"Sa bagong bukas na restaurant dito lang sa malapit, half day naman tsaka may practice ka 'di ba? Babalikan ka nalang namin mamayang hapon."
Hinampas ko siya sa braso, "Baka kung anong kababalaghan gawin niyo, ha?"
He laughed. Mabilis akong lumayo sakanya dahil napalakas ang tawa niya kaya nagsi-lingon ang ibang grupo sa amin.
"Mr. Mendez, what are you laughing?" Masungit na tanong ni Thad sakanya.
Naglakad pa ito palapit sa amin kaya nag-iwas ako ng tingin at tinikom ang bibig.
Bwisit ka talaga, Chio!
"Nothing, Sir. I just remember something funny, that's why I laughed," paliwanag niya.
Gusto kong bumulanghit sa tawa nang marinig ang rason niya. Pinigilan ko lang dahil baka ako naman ang masaway nitong beast sa harap ko.
"Be quiet, once I heard any noise on this group, I will kick you all out."
Dahil doon kaya ko sinamaan ng tingin si Chio. Ngingisi-ngisi naman itong tumahimik.
Madali lang naman ang naging activity namin sa klase niya kaya walang kahirap-hirap na tinapos namin iyon. Lalo na't napunta sa grupo ko ang mga matitino, hindi na ako nag-abalang sagutin iyon ng mag-isa.
Kasalukuyan kaming naghihintay matapos ang iba nang makita ko si Midnight na lumapit sa pwesto ko at may inabot sa aking papel.
Yumuko siya kaya napatingala ako at sinalubong ang mata niya.
"I forgot to get your number, pakisulat nalang dito tapos bigay mo sa akin mamaya," aniya.
Nagulat naman ako nang marinig iyon kaya napataas ako ng kilay.
"What for?"
"May pinapagawa sa atin si Dean, hindi mo ba nakita sa page? He announced it. Tayong dalawa ang magka-pareha."
Tulalang iniwan niya ako sa upuan ko at bumalik sa mga kagrupo niya.
Masiyado na kasing occupied ni Morocco ang isipan ko kaya nakalimutan ko na ang mag-check ng mga post or emails.
Napakamot ako ng ulo ko dahil sa biglang pagka-pahiyang naramdaman. Akala ko tuloy kinukuha niya ang number ko dahil may gusto siya sa akin, jusko! Napaka-assumera ko talaga kahit kelan!
Namumulang yumuko ako at kinuha nalang ang ballpen ko at sinimulan nang isulat ang number ko sa papel na inabot niya.
Akala ko magiging tahimik na ang pwesto ko nang may bultong humarang sa liwanag sa likod ko at humablot sa hawak kong papel.
Mabilis akong lumingon at nakita ang madilim na mukha ni Thadron habang nakatutok ang mata doon.
Halos lahat ay napatingin din sakanya.
Salubong ang kilay na pinunit niya 'yon sa harap ko at walang emosyon akong tinignan.
"I'm not tolerating this kind of action between my students. Flirting inside the classroom will not be tolerated, stand up," makapangyarihang utos niya sa akin.
Nahihiyang napatayo agad ako dahil sa boses niya.
"S-Sir, hindi naman–"
"Don't reason out, hindi ko pa kayo pinayagang tumayo sa mga upuan niyo."
Nakita ko ang pagtaas ng kamay ni Night.
"Sir, it's my fault. I'm just asking for her number because we have something to do–"
Thadron shut Midnight off.
"I'm not talking to you, sit down."
I gasped when I saw his jaw moved. Mukhang galit na nga ata siya. Mabilis kong kinuha ang bag ko at niligpit ang iba ko pang gamit. Mukhang mapapalabas na nga ako.
"I'm sorry, Sir," ani ko nalang para wala ng tensyon.
"In my office, now."
Halos takbuhin ko na ang mahabang hallway papunta sakanyang office dahil sa sobrang hiya.
Sh*t, bakit lagi nalang kaseng wrong timing? Nagsimulang mamawis ang mga kamay ko nang makitang ilang minutes nalang at tapos na ang klase niya sa block namin. Ngayon ay siguradong papunta na rin siya dito. Mukhang masesermunan ako ng lalaking hindi ko inaasahang makakagawa sa akin nito.
Sa dami ng pwedeng masaktong prof siya pa talaga.
Hindi ako mapakali sa loob ng office na 'to. Ito ang office ni Professor Julio na ewan ko kung bakit nawala. Wala naman siyang binigay na rason kung bakit siya may substitute kaya nagtataka kami.
He's only 30.
Tumayo muna ako at pabalik-balik na naglakad habang bumubuga ng hangin. Hindi naman kase talaga ako nakikipaglandian. Pero dahil sa hiya, nag-sorry nalang din ako at parang ang labas tuloy no'n ay guilty ako.
Ang hindi lang malinaw sa akin ay kung bakit ako lang ang pinapunta niya rito. What about Midnight? He's the one who gave me the paper.
Tapos ako ang napasama. Badtrip 'yun!
Mabilis akong napabalik sa upuan nang marinig ang pagclick ng seradura ng pinto.
I calmed myself before looking down so I won't see his serious face.
Tahimik lang siyang pumasok at sinara ang pinto. Nilapag niya rin ang mga gamit niya sa lamesa sa gilid ko. I saw on my peripheral vision that he's unbuttoning his long sleeve.
Napanganga ako at nanlaki ang mga mata dahil sa ginagawa niya. Heck! He's undressing infront of me, seriously?
"You can close your eyes, Esra."
May bahid ng ngisi ang labi niya nang i-angat ko ang mukha ko para tignan siya. Inalis ko rin naman ito agad dahil hindi ko kayang makita siyang nakahubad sa harap ko. Hihimatayin ako sa kilig!
I heard him chuckled and It really shocks me. This is my first time to heard him laugh, that was so hot!
Natapos siyang magbihis at umupo na sakanyang swivel chair. Doon ko na siya hinarap at napalunok dahil sa intense na tingin niya sa akin. Nakahawak pa siya sakanyang baba habang sinusuri ako.
"You know it's not appropriate to do that inside my class, do you?"
Tumikhim ako, "Y-Yes. But I swear, I'm not flirting with him, may activity lang talaga kaming dalawa kaya kinukuha niya ang cellphone number ko," mabilis at tuloy tuloy kong paliwanag.
Ayokong isipin niya na malandi ako. Gustong gusto ko pa naman siya. Malabo na ngang magustuhan niya ako, magiging pangit pa ba ang image ko sakanya?
That's absurd.
"I want you to be honest..."
Tumango-tango ako. I'm always honest when it comes to him. Kahit ano sigurong sekreto ko kapag siya ang nagtanong ay maibubunyag ko.
"What is your relationship with him?" He sounded like a strict dad.
Para akong mag-grounded kung hindi ako magsasabi ng totoo. My heart is beating fast whenever he's looking at me.
"C-Classmates," nauutal kong sagot.
"Are you sure?"
I nodded. I saw a ghost smile on his face. I don't know if I'm just hallucinating or not but I literally saw a smile.
"Fine, stay here. It's already lunch time, I will order food."
Tumayo siya at dire-diretsong naglakad palabas ng pinto. Naiwan akong tulala dahil sa sinabi niya.
Did he mean, he will order food for us? Kakain kaming magkasama dito?
T-Teka. Para akong nananaginip ngayon. I can't believe he said that. This is not him, baka clone lang niya 'to or impostor.
Sinampal sampal ko ang sarili ko para lang bumalik ako sa katinuan. Malapit lapit na akong dalhin sa mental hospital.
It's all because of him. He's doing this to me. I should get myself checked.
Naghintay ako ng ilang minuto nang marinig ang pagkatok sa pinto at pagbukas nito. Bumungad sa akin ang seryosong mukha ni Midnight na nakasuot na ngayon ng jersey niya for basketball.
"Why are you still here? Hindi ka pa tapos pagalitan?" He asked with his creased forehead.
I smiled, "Hindi pa, baka mahuli na ako sa practice, pwedeng pakisabihan sila Mica na sila muna ang bahala sa mga juniors? Susunod nalang ako kamo," pasuyo ko sakanya.
"Sure, I'm sorry you have to experience this. Dapat pala hinintay ko nalang matapos ang klase–"
"Mr. Abruxto, can you please move aside so I can enter my office? It's lunch time, what are you doing here?" Putol sakanya ni Thadron kaya parehas kaming napalingon sakanya.
Salubong ang makakapal na kilay nito at nakabusangot.
Mabilis naman na gumilid si Night bago nagsalita.
"My apologies, I'm just checking her."
"She's not a child anymore, pwede ka nang umalis," masungit na sagot naman ni Thad.
Nagulat ako sa inasta niya kaya awkward na napatingin ako kay Midnight na tinanguan lang ako at nginitian.
"I'll see you later, Esra."
Iyon lang ang huli niyang sinabi at hindi na pinansin ang kaharap niya. Taas noo pa itong naglakad sa gilid ni Thadron na parang hindi takot sakanya.
Napalabi ako. Nahiya ako para sakanya, he's kind and caring but this beast infront of me is just so rude.
Pasalamat siya inlove ako sakanya. Nako, kung hindi baka nasapak ko na siya dahil sa pagtrato niya sa tao.
Binigay niya sa akin ang isang naka pack na pagkain galing canteen at isang bote ng tubig at apple juice.
We ate in silence. He didn't even bother to speak. Halos hindi ko malunok ang kinakain ko dahil magkaharap talaga kaming dalawa. Maganda siyang kumain at maayos rin, wala kang makikitang kalat sa lamesa niya. He finished his food for about 15 minutes.
Hindi pa nangangalahati sa akin kaya tinignan niya 'yon.
"Ubusin mo 'yan, you will not go outside my office until you finish that," he said in a flat tone.
Napatango nalang ako dahil wala rin naman akong choice. Sayang din kung itatapon pa 'tong pagkain. I shouldn't waste someone's money, madaming nagugutom sa panahon ngayon.
Pilit kong inubos ang kinakain kahit pa ramdam ko ang titig niya sa akin. Gusto ko na ngang sumigaw na sana lamunin na ako ng lupa pero mas nangibabaw ang hiya.
Nang makita niyang tapos na ako ay tsaka niya lang ako pinayagang lumabas at magpalit na para sa try out sa gym.
Dahil late na ako doon ay nag ala-flash na ako sa pagtakbo at pagpalit sa girls bathroom. Mabuti nalang at walang tao dito ngayon. Sa tingin ko nagsi-uwian na 'yung iba dahil halfday lang naman.
Naabutan ko ro'n na nagsisimula nang magpa-training ang mga kasama ko. Nang makita ako ng mga juniors ay nagsi-yuko muna sila sa harap ko as a sign of respect.
"Bakit ka na-late? Si Captain Nerdy pa nagsabi sa amin na magsimula na, akala tuloy namin umuwi ka na," maktol sa akin ni Levi.
"May ginawa lang ako saglit, nakapag warm up naman sila?"
"Yes, sa drills na tayo tsaka sa receiving, madaming tagilid doon, Es. Need natin mag focus lalo na sa libero," ani Mica.
Tumango nalang ako at nagsimula nang pagsabihan ang mga ite-train namin. Malawak ang gymnasium namin kaya nasa kabilang court lang ang mga basketball team. Napansin ko ngang nakatingin sa akin si Midnight.
Ngumiti lang ako sakanya at tinuon na ang atensyon sa mga kasama.
Halos dalawang oras din kami bago natapos sa mga drills. Ngayon ay magsisimula na sila sa isang set para malaman kung nakuha na ba nila ang mga tinuro namin. Kaming mga seniors ay nandito lang sa bench nakaupo at papanoorin sila.
Nagsimula ang laro ng maayos, masaya akong makitang may improvement sakanila. Natapos kami mag aalas-kwatro na. Halos kasabayan lang namin sila Night na matapos kaya sabay sabay rin kaming lumabas ng gym.
Lakad takbo ang ginawa ko para makahabol sakanya.
"Hey! Wait!" Tawag ko sakanya para huminto siya.
"Cap, tinatawag ka," rinig kong sabi nung isa sakanya.
Tinuro ako nung kasama niya kaya lumingon siya sa akin. Hinihingal na huminto ako sa harap nila bago naiilang na ngumiti.
"What is it, Esra?"
Nilabas ko ang maliit na papel sa bulsa ng jersey ko at inabot sakanya.
"My number, save it."
Mukhang nakuha naman niya agad ang ibig kong sabihin kaya kinuha niya ito at nilagay sakanyang bag.
"I'll call you later then, is that okay?" He asked nicely.
I nodded, "Yeah, sure. Pag-usapan nalang natin mamaya kung anong gagawin. Thank you kase pinaalala mo sa akin, muntik ko nang makalimutan na mahilig pala si Professor Carl sa groupings."
We laughed in unison. Nagpaalam na ako sakanyang aalis na kaya hinatid nalang nila ako ng tingin.
Narinig ko pa ang kantiyawan sakanya ng mga teammates niya pero hindi ko nalang pinansin.