"Whoooah! Come on, let's go!" Wala pa kaming dalawang oras dito sa loob ng Hades nang magsimulang maging wild si Pia habang sumasayaw sa dancefloor nitong bar. Ako ang nahihiya sa ginagawa niya pero hinayaan ko lang siya. I know it's not easy for her to have fun like this anymore, minsan nalang mangyari dahil busy na siya bilang single mom and at the same time ay business owner. Wala siyang katuwang bukod sa mga kasambahay niya at sa nag-iisa niyang business partner. That's why I made her enjoy this night, for sure magre-reklamo lang ito bukas dahil sa hangover. Dalawa lang kaming pumunta rito dahil hindi ko mayaya si Tonyo. He's too busy so I won't bother him. Madami na kaming napag-kwentuhan ni Pia at isa na ro'n kung paano ko nakilala ang tunay kong pamilya at paano ako naging

