Kung may hihilingin man ako ngayon sa lupa, iyon ay ang lamunin na sana ako. Ang init na nga ng pakiramdam ko, mas lalo pang uminit dahil sa pamumula ng mga pisngi ko. "For now, you need to rest and take some of these prescribed medicines," si Thunder na may chine-check pa sa gilid ko. "Is it s-serious?" "Yeah. Don't force yourself to walk for now unless you need to. If you will be discharge tomorrow, you still need to use wheelchair." Napapikit nalang ako sa kahihiyan at hindi na halos makatingin sakanya. "Bumaba na ang lagnat mo," aniya matapos tignan ang temperature ko. Napansin kong nasa emergency room pa rin ako at nakasuot na ng hospital gown. "Since we're done checking you, I'll tell them to move you in a private room." "T-Thank you," saad ko. Seryoso siyang naka

