Chapter 8

1394 Words
"What? No!" Lukot ang mukha akong tinignan ni Jeff na animo'y diring-diri siya sa akin. Napakakapal naman ng kaniyang mukha at siya pa ang may ganang mandiri? "Usual po sa amin ang mag-stay rito sa work kahit off namin, Sir." Paliwanag pa niya na parang nakataya ang buhay niya kung hindi siya magsasabi ng totoo. Nanatiling matalim ang titig sa akin ni Gio na para bang boyfriend ko siya at nahuli niya aking bakikipaglampungan sa ibang lalaki. Sa halip na patulan pa ay pairap kong inilipat ang tingin sa boss naming tahimik na nagmamasid. Palipat-lipat ang tingin niya sa akin at nagtatagal ng bahagya kay Gio. "Uhh," halos sabay-sabay na napabaling ang aming mga tingin kay Aira na papasok sana sa quarters. Nakasabit sa kaniyang kaliwang balikat ang isang maliit na gym bag na may tatak ng isang kilakang brand. "Excuse me po?" Marahan namang humakbang ang aming boss habang bahagyang itinutulak papasok si Gio upang mabigyan ng kaunting espasyo para makadaan si Aira at makapasok. Nanatili ng ilang sandali ang aking mga mata sa bag niyang may mamahaling tatak. Naputol lamang ang aking tingin doon nang maramdaman ang bahayang pagbangga ng balikat ni Jeff sa akin at nang ibaling ko sa kaniya ang mga mata ay pasimple rin niyang inginunguso ang bag ng aming kaibigan. Saan na naman kaya niya nakuha ang bag na iyon? Sa itsura ay halatang bago pa lamang at malaki ang tiyansang hindi iyon nabili sa tyanggihan kaya nakakapagtakang may ganoon siyang gamit gayong siya ang pinakamatipid kumpara sa aming dalawang ni Jeff. Nanatiling tahimik ang maliit na silid habang pare-pareho naming pinapanood kung paanong ayusin ni Aira ang kaniyang mga gamit. Kung hindi pa siguro tumunog ang cellphone ni Gio ay hindi sila aalis sa silid o maaaring magtagal pa sila ng ilang minuto. Hindi ko alam kung bakit pursigidong-pursigido siya na mapa-oo ako sa offer niyang wala namang kwenta. Ganoon na ba siya ka-bored sa buhay para gawing tila laro ang ganoong bagay? Aaminin ko, hindi ako inosenteng tao pagkat lumaki sa lugar na puno ng mga taong walang filter ang bibig at kilos pero isa sa mga bagay na hindi ko maisip na magagawa ko ay ang makipagtalik sa isang taong hindi ko asawa. Oo, makaluma siguro para sa iba pero iyon ang paninindigan ko hanggat kaya ko. "Ano ba kasi 'yung offer?" Sabay kaming napasulyap ni Aira kay Jeff na abala sa pag-aayos ng inuming hiningi ni Gio. "Alam mo, 'no? Ano? Ganyanan na talaga tayo? Taguan ng sikreto?" Ani pa niyang inignora ko lang. Tahimik akong nagpatuloy sa pagpupunas ng bar counter kahit na kitang-kita ko na ang kagandahanh taglay ko roon sa sobrang kintab. Kahit katuldok na alikabok ay walang makukuha. Ganoon kalinis at ganoon ako kadesididong ignorahin si Gio to the point na ginagawa ko na ang mga trabahong hindi sa akin nakatoka at ang mga trabahong dapat ay tapos na. Habang patuloy ako sa pagpupunas, patuloy rin sa pangungulit si Aira na malaman kung ano ba ang offer ni Gio sa akin. Hindi pa nakakatulong sk Jeff na patawa-tawa at ipinapahalata kay Aira na may alam siya kaya naman itong isa ay hindi mapatahimik ang kaniyang chismosang kaluluwa. "Aira..." Pabagsak kong binitawan ang basahang hawak bago tuluyang hinarap ang bahagyabg nagulat na kaibigan. "Kanina ko pa napunasan iyang pinupunasan mo. Hindi ba't sa itaas ka nakatoka mamaya? Bakit hindi mo na lang tulungan ang mga nandoon para mamaya ay bawas na ang trabahong gagawin mo?" "Sabihin mo muna kung ano 'yung offer bago ko susundin iyang advice mo tungkol sa trabaho ko," nakangisi niyang saad. "Ang daya ninyong dalawa ni Jeff. Share your chismis ang motto natin, hindi ba? Bakit may taguang nagaganap?" Sabay kaming napabaling kay Jeff na biglaang naglapag ng isang basong inumin. Ito yata 'yung hiningi ni Gio kanina, bakit hindi pa niya ibigay sa beast naming customer? Baka mamaya ay magwala pa iyon sa inip. "Nagtatampo ka na niyan, Aira? Hindi mo bagay," usal ni Jeff. "Hindi sinabi sa akin ni Kate ang offer, nahulaan ko lang kaya kung gusto mo ring malaman, hulaan mo. Mag exert din ng konting effort minsan kapag gusto ng chismis, okay?" Dugtong pa niyang nagpaikot sa mga mata ni Aira. "Ay ewan ko sa inyo!" Tatawa-tawang pinanood ni Jeff si Aira na nakasimangot na nagmartsa paakyat sa second floor. Alas singko pa lang ng hapon at tingin ko ay roon na siya tatambay hanggang mamayang alas siete ng gabi, ang simula ng aming shift. Nang tuluyang mawala sa paningin ko si Aira ay hindi ko naiwasang hindj ibaling ang mga mata kay Gio na nakasimangot at nakatitig sa akin. Ang kaniyang siko ay nakapatong sa kaniyang hita habang salo ng kaniyang palad ang baba niya na para bang inip na inip na siya. Kasalanan naman niya. Sino ba naman kasing may sabi na mag stay siya rito, twenty-four hours, hindi ba? Halos mapairao ako nang tumaas ang kanang kilay niya at bahagyang tumalim ang tingin sa akin. Problema niya? Hindi sana ako magpapatalo sa titigan ngunit isang kalabit lang ni Jeff ay agad niyang naagaw ang atensiyon ko. Nakakainis, baka isipin pa ng beast na iyon na hindi ko kinaya ang makalaglag panty niyang titig? "Mas maganda ang view kapag malapitan kaya ibigay mo na itong inumin sa admirer mong ginto." Kung hindi lang ito parte ng trabaho ko, kayang-kaya kong ignorahin si Jeff at hayaan siyang magbigay nito kay Gio pero kailangang ako ang gumawa kung ayaw kong mawalan ng trabaho. Kasabay ng paglalakad ko palapit kay Gio na hindi man lang natinag ay ang unti-unting pagbilis ng t***k ng aking lecheng puso. Sinubukan kong huminga ng malalim at sinigurong hindi mahahalata nino man ang nararamdaman. Bawat hakbang ay tila pahirap ng pahirap. Gaya ng bitbit kong inumin ay nag-uumapaw ang inis ko sa lalaking nasa harapan na kung makatitig ay animo'y isa akong napakagandang artwork sa isang sikat na museo. Ngayon lang ba siya nakakita ng babaeng kasingganda ko kaya naman pursigido siyang makuha ako. Kung sa bagay, ang mga bitbit niyang babae noon ay pawang iisa lang ang features. Puno ng make-up, matangkad, sexy at malaki ang hinaharap at puwetan kaya naman siguro bago sa kaniyang paningin ang mga kagaya ko. "What took you so long?" Baritonong boses niya pa lang, abot hanggang milky way na ang gigil na nararamdaman ko. "Isang inumin lang, inabot pa ng ilang minuto." Matinding pagpipigil ang ginawa ko para lang hindi siya mairapan ngunit bigo ako. Tao lamang ako na nababalot ng iritasyon kaya pasensya siya. "Sorry, sir." Walang gana kong usal. "I won't accept your apology until you agree sa offer ko, sailor moon." Isang malalim na hininga ang kumawala sa aking sistema. Malawak na ngiti ang iginawad ko sa kaniya at sinigurong sa kaniyang napakagandang mata lamang niya ako nakatingin. Ang kaninang mayabang niyang itsura ay unti-unting nawala at napalitan ng pagtataka. Kung ayaw niyang tanggapin ang sorry ko dahil lang sa napakaliit na bagay hangga't hindi ko tinatanggao ang wala niyang kwentang offer, bahala siya. Isang hakbang ang aking ginawa palapit sa kaniya. Ang kanina pa niyang puwesto ay natinag na siyang lalong nagpalawak sa ngisi ko. Mas lalo tuloy akong nagkalakas ng looh na asarin pa siya kaya naman unti-unti ko pang inilapit ang sarili sa kaniya kasabay ng mabagal naman niyang pagsandal, sinusubukang panatilihin ang lumiliit naming distansiya. "Edi don't po, sir." Bulong ko. Akmang tatayo na sana ako ng maayos nang biglang kong maramdaman ang kaniyang kamay sa aking likuran, dahilan ng pagkakatigil ko sa paggalaw. Tangina? Siya naman ngayon ang lumawak ang ngisi at mayabang na nakatitig sa akin. Halos maduling na ako nang lalo pa niyang ipinaglapit ang aming mga mukha. Ramdam na ramdam ko na rin ang kaniyang hininga sa na siyang tumatama sa aking mukha. Wala akong nagawa kung hindi ang lumunok at pagkat sa tuwing sinusubukang kumalas ay mas lalo lamang niyang hinihigpitan ang kaniyang hawak sa aking likuran. "Nasaan na ang yabang mo kanina?" Halos mapapikit ako nang maramdaman ang init ng kaniyang hininga nang siya'y magsalita. "Ang lakas ng loob mong lumapit, hindi mo naman pala kayang panindigan." "Bitiwan mo ako kung ayaw mong ma-" "Ano?" Nakangisi niyang pagputol sa sasabihin ko sana. "Kung ayaw kong ano? Siguraduhin mong kaya mong panindigan iyan, gaya nito." Walang anu-ano'y naramdaman ko na lamang ang mainit ngunit malambot niyang labi sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD