It's been a week since he stole my first kiss. Tangina, ni hindi ko maintindihan kung bakit parang may parte sa akin na tila natutuwa pa sa nangyari.
Bangungot ngayon sa akin ang bawat pagpikit. Hindi ko maiwasang hindi maalala kung gaano kalambot ang labi niya, malayong-malayo sa itsura at katawan niyang matigas.
Isang linggo na rin ang nakalipas simula noong huli siyang nagpakita rito sa Hot Bev's. Wala ni isa sa mga kasamahan ko ang nakakasagap ng chismis patungkol sa kung nasaan ba ang beast naming customer.
"Hey," anang baritonong boses na bigla na lamang namutawi sa kanang tainga ko. "Worker?"
Isang lalaking tila Italiano iyon na biglang tumabi sa akin. "Yes," nakangiti kong sagot.
Matangkad ang lalaki at maputi. Bagay na bagay sa kaniya ang kulay amis niyang buhok at ang mga mata niyang kulay asul. Ang kaniyang ilong ay talaga namang kaiinggitan ng nakararami sa tangos, tinernuhan pa ng makapal at mapula niyang labi.
Sabay naming nilingon si Jeff na biglang naglapag ng isang basong whiskey. Inismiran ko na lang ang gaga na nakangisi at may tingin sa akin. Nagtaas-baba pa ang kaniyang kilay bago tuluyang tumalikod para sikasuhin ang ibang customer.
Muli ko na lang ibinaling ang atensiyon sa mga lamesanh puno ng tao. Biyernes na naman at ang mga mayayamang ito ay nagsasayang na naman ng pera para sa panandaliang saya.
Kung sa bagay, isang buong linggo silang nagpapakababad sa pagtatrabaho kaya naman deserve nila ang pagsasaya ngayong gabi. Kung ako rin naman ang makaahon sa hirap ay marahil ganito rin ang gawin ko.
"Has anyone told you you're beautiful?"
Nilingon ko ng may ngiti sa labi ang lalaki. Nakangisi siya at nakatingin sa akin na tila ba naghihintay ng sagot.
Marami, sir. Sa sobrang dami ay hindi ko na mabilang.
Madalas ay pawang mga hindi pa makapaniwala na wala akong skin care routine dahil sa kinis daw ng aking balat. Alagang mumurahing sabon lang ito at ang ibang tao ay hindi pa matanggap na ipinanganak talaga akong maganda.
"Aha," pilit kong tawa. "Yes, Sir."
Akmang may sasabihin pa sana siya nang walang alinlangan akong umalis sa tabi niya para daluhan ang isang lalaking customer na nagtataas ng kamay habang nakaakbay sa babaeng katabi niya. Mabilis kong ginawa ang trabaho.
Ganoon ang naging routine sa mga sumunod pang mga araw. Kahit lunes ay puno ng tao ang club.
Kapansin-pansin din ang pagdami ng mga foreigner naming customer na siyang lalong nagpahirap sa aming trabaho pagkat kailangan naming ilabas ang english skills namin.
Kapansin-pansin din ang ilang beses na pagbalik at pangungulit ng Italiano. Panay ang kaniyang tanong na sinasagot ko naman kung kaya ngunit habang tumatagal ay nagiging personal na kaya naman iniiwasan ko na lang hanggat makakaya.
Hindi nga lang nakakatulong ang walang hiyang si Jeff na kilala pa yata ang lalaki at mukhang sinusulsulan pa ng kung ano-ano.
Mabilis kung dumaan ang mga araw. Ganito naamn palagi kapag masaya at marami kang ginagawa. Hindi na namamalayan ang bawat paglubog at pagsikat ng araw.
Biyernes, eksaktong alas sais ng umaga nang makauwi ako. Dinatnan kong abalang nagdidilig si Mama sa mga halaman niyang halos hindi na rin maalagaan sa sobrang busy. Natanggap na rin kasi si Mama sa mall bilang tagalinis kaya naman halos maghapon na rin siyang wala at tuwing biyernes lang narito sa bahay pagkat day off niya iyon.
Agad akong nagmano kasabay ng pagbilin niya na nasa lamesa ang pagkain. Sa halip na sa hapag kainan dumiretso ay sa kwarto agad ang aking tungo.
Pakiramdam ko ay mababali na ang likod ko kung hindi pa ako hihiga kaya naman kahit ang gutom ay hindi ko na inalintana at agad na lang nahiga.
Narinig ko ang bawat galaw ni Mama sa labas kasabay ng maingay na tawanan galing sa tv at paminsan-minsang tawa ni Mama.
"Katelyn, kumain ka na muna bago matulog!"
Wala naman akong balak matulog. Sadyang masakit lang talaga ang likuran ko at kailangan kong ihiga saglit kung hindi ay hindi ako makakakilos ng maayos.
Ngunit hindi ko rin namanlayan na alas singco na pala ng hapon. Kung hindi pa ako ginising ni Ate ay hindi ko mamamalayang nakatulog pala ako.
Agad kong kinuha ang tuwalya at dumiretso sa banyo para makaligo. Ni hindi ko na nagawang magpalit ng damit. Mamayang alas siete ay kailangan ko pang pumasok sa trabaho kaya naman binilisan ko ang kilos. Nagwawala na rin ang mga dragon sa tiyan kong mula kaninang umaga ay hindi ko pa napapakain.
Paglabas ko ng banyo ay dinatnan kong nagbibihis din si Ate. "Natanggap ako sa trabahong in-apply-an ko," aniya nang hindi ako tinitignan.
"Congrats. Anong trabaho?"
Masaya akong sa tinagal-tagal ng panahon ay may trabaho na siya ulit at makakatulong na siyang muli sa amin dito sa bahay. Pakiramdam ko tuloy ay dinalaw ako ng konsensya pagkat matinding inis ang naramdaman ko nitong mga nakaraan sa kaniya, dinagdag pa ng mga reklamong nga kaibigan ko lang ang nakakarinig. "Alam na ba ni mama?" Dugtong ko pa pagkatapos ay nauna na sa paglabas.
"Oo. Sa bagong bukas na kainan sa may palengke."
"Huwag mo ng ituloy iyan, Amanda." Napalingon ako kay Mama na abala sa pagtimpla ng kape. "Papasok ka, alas siete ng umaga tapos ang uwi ay alas onse na ng gabi? Babyahe ka pa mula bayan, delikado."
Halos mapatalon ako nang biglang hampasin ni Ate ang lamesa. Mabilis akong tumayo at kumuha ng basahan nang magsimulang tumulo ang tubig na galing sa basong tumumba dahil sa kaniyang ginawa.
"Ano ba?" Reklamo kong inignora lamang niya.
"Noong wala akong trabaho ay pilit kayong nag rereklamo na magtrabaho ako tapos ngayong may trabaho na, ayaw niyo naman?"
Padabog na binitiwan ni Mama ang tasang may lamang bagong timplang kape, hindi inaalintana ang init na hatid nito. "Aba! Amanda, nag-aalala lang kami sa iyo! Kababae mong tao, mangangahas kang mag byahe mag-isa ng hating gabi? Mabuti sana kung alas siete ay tapos ka na sa trabaho!"
"Ilang oras kang nasa trabaho tapos magkano lang ang sahod ninyo? Hindi ka ba naaawa sa sarili mo? Tingin mo ay hindi ka magkakasakit sa ganoong trabaho?"
Nagsimulang umiyak ang kapatid ko na siyang talagang ikinagulat ko. Naiintindihan ko ang punto nilang dalawa ngunit hindi ko maintindihan mung bakit kailangan pa nilang mag away gayong kaya namang pag-usapan ng maayos ito.
"Magkano ba ang sahod mo roon?" Tanong ko habang marahang inililipat ang tingin sa dalawa.
"Limang libo, kinsenas."
Tangina? Ni wala pa siya sa minimum wage? "May benefits?" Umiling lamang siya bilang sagot.
"Tignan mo? p*****n sa trabahong papasukan mo, Amanda!" Gigil na usal ni Mama.
Iyon tuloy ang pinagtalunan ng dalawa buong oras na naroon ako. Hindi ko alam kung natapos ba sila sa pag-aaway ngunit kalmado naman na sila nang umalis ako kaya tingin ko naman ay maayos na.
Pagkarating sa Hot Bev's ay dumiretso agad ako sa quarters para magpalit ng uniporme. Marami na ang tao sa labas at marami na rin ang mga lasing na kahit anong oras pa lang.
Kinuha ko ang maliit na blouse at skirt na nakahanger sa locker ko. Ito 'yung Sailor moon inspired na uniporme. 'Yung suot ko nang unang beses kong maramdaman ang napakatinding gig na maaari kong maramdaman sa tanang buhay ko.
Napairap ako sa salamin nang maramdaman ang marahang haplos ni Jeff sa aking bewang habang iniikot-ikot ng kabila niyang kamay ang dulong bahagi ng aking buhok na naka-ponytail.
"Habang tumatagal yata ay lalo kang gumaganda? Inlove?" Inismiran ko lamang siya na sinuklian niya ng bahagyang tawa at hampas sa braso. "After three weeks, nagbabalik ang ang gwapong beast..." Bulong niyang nagpahinto sa akin.
True enough, paglabas ko sa may counter ay natanaw ko agad sa usual niyang ipuan si Gio kasama 'yung kaibigan niyang lalaki noon na si Euclid.
Hindi ko alam ngunit tila may nagbago sa kaniyang itsura. Hindi ko lang mawari kung ano iyon. Basta may nagbago. Sana ay ugali niya.
Pawang mga nakasuot na polong itinupi hanggang siko ang sleeves ang dalawa na tinernuhan ng maong na pantalon. Ang buhok ni Gio ay gaya lamang ng dati habang ang kay Euclid ay tila mas mahaba kaysa sa huli kong natatandaan.
"Na-miss mo?"
Sasagot pa lamang sana ako kay Jeff nang biglang maramdaman ang pagv-vibrate ng cellphone ko sa aking bulsa.
Mabilis ang lakad ko pabalik sa quarters at agad na sinagot ang tawag pagdating doon. "Kate?" Natigilan ako nang humahagulgol na boses ni Ate ang bumungad. "Kate, tulungan mo ako..."
Kumalabog ang puso ko sa narinig. "Napano?"
"Kate, may utang ako at pinagbabantaan na ako noong pinagkakautangan ko. Baka naman may pera ka riyan, pahiram ako. Tutal ay may trabaho naman na ako. Parang awa mo na, oh..."
Mabilis akong tumango kahit na alam kong hindi niya ako nakikita. May ipon ako ngunit hindi ganoon kalaki. Balak kong gamitin iyon sa pagkuha ng bagong bahay ngunit kung kailangan ng kapatid ko ay hindi ako mag-aalinlangang maglabas ng pera.
"Magkano ba?" Natataranta na ako't hindi makalma ang puso. Matinding iyak ang namutawi sa pagitan naming dalawa na siyang nagpalala sa kabang nararamdaman ko. Ni hindi ko na inalintana ang pagbukas at sara ng pintuan sa likurang banda ko. "Ate, magkano?" Ulit ko nang hindi siya sumagot.
"Singkwenta, Kate. Fifty thousand..." Tangina? "Kate, parang awa mo na. Baka ipakulong nila ako kung hindi ko mabayaran ngayong linggo iyon..." Ni hindi ko nga alam kung saan niya ginamit ang perang iyon.
Huminga ako ng malalim. "Osiya, hahanap ako pero hindi sigurado." Sunod-sunod na pasasalamat ang tinuran niya bago tuluyang ibinaba ang tawag.
Wala akong ibang nagawa kundi ang huminga na lamang ng malalim at isipin kung saang lupalop ako hahanap ng pera. Ang gago naman kasi ng tadhana. Kung kailan akala ko ay sasaya na kami pagkat nagkatrabaho na si Ate, saka naman ganito?
Bahagya kong sinabunutan ang sarili bago nagpasyang bumalik na sa trabaho ngunit pag ikot ko ay isang malaking katawan ang humarang sa daraanan.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino iyon. "Kanina ka pa riyan?" Tanong ko jay Gio na nakatitig at nakangisi sa akin.
"Namiss din kita," bulong niyang inignora ko lang. Mabilis ang lakad ko pakabas sa quarters at agad na tumayo sa tabi ni Jeff na abalang nagmamasid sa mga tao.
Binalingan niya ako ng isang beses bago muling ipinagpatuloy ang ginagawa. "Nakita ka ni Sir Gio? Hinahanao ka kanina." Tumango lamang ako kasunod ang malalim na hininga. "Problem?"
Mauubos yata ang hangin sa baga ko ngayong gabi kaka-buntong hininga.
"May pera ka ba?" Agad na napabaling ang kaibigan ko sa akin. "Tumawag si Ate, umiiyak. Sinisingil daw sa utang niya."
Nakita ko ang marahang pag-upo ni Gio sa kaharap na upuan ni Euclid. Sabay pang bumaling ang dalawa sa kinatatayuan namin na tila kami ang pinag-uusapan nila.
"Magkano ba? May ipon ako pero kailangan ko rin sa katapusan."
"Fifty."
Kung may iniinom lang sana si Jeff ay sigurado akong nabilaukan na siya. Nanlalaki ang mga mata niyang nakatitig sa akin at halos malaglag ang panga sa gulat.
"Fifty?" Ulit pa niya. "As in fifty thou?" Tumango lamang ako bilang sagot. "Gago te, saan ako kukuha ng fify k? Mag advance ka na lang kaya?"
Advance? Ayoko. Kapag nag advance ako ay papagurin ko lamang ang sarili ko sa katatrabaho sa mga susunod na araw tapos wala akong sasahurin? Wag na lang. Mabilis kong inilingan ang suggestion niya.
"Kay Sir Gio? Diba may offer siya sa iyo?" Napabaling ako sa kaibigan. Isang marahang ngiti ang iginawad niya sa akin. "Alam kong ayaw mo iyon at hindi mo obligasyong problemahin ang problema ng kapatid mo pero kilaka kita, Kate. Hindi mo matitiis ang pamilya mo kahit na ang kapalit ay buhay mo. Bakit hindi mo subukan? Nasa tamang edad ka naman na?"
Ibinaling ko ang tingin kay Gio. Agad na nagtama ang tingin naming dalawa.
Tama naman si Jeff. Nasa tamang edad na ako para sa ganoong bagay pero kaya ko na ba? Kaya ko bang isuko ang sarili ko para sa perang magliligtas sa reputasyon ng kapatid ko?
Mabilis kong itinulak ang sarili para makatayo ng diretso kasunod ang malalaking hakbang palapit sa lamesang kinaroroonan ng beast.
Hindi nakaaala sa akin ang pagdiretso bigla ng kaniyang upo at ang pagbaling ni Euclid sa akin. Matinding kabog ang nararamdaman ko sa aking dibdib kasabay ng paulit-ulit na ugong ng iyak ni Ate sa aking tainga.
"Hi," nakangising bati ni Gio.
Ni hindi ko magawang suklian ang ngiti niya. Naiinis ako. Naiinis ako hindi na dahil sa kaniya kundi dahil sa sarili ko. Naiinis ako dahil hindi ko magawang panindigan ang mga salita ko. Naiinis ako na kahit sarili ko na ang kapalit, basta maayos ang pamilya ko, wala akong pakialam.
"'Yung offer mo, tatanggapin ko." Nanlaki ang mga mata ng beast na tila ba kagulat-gulat ang tinuran ko. Well, kagulat-gulat naman talaga lalo na't mariin kong pinaninindigan ang pagtanggi noong mga nakaraan tapos ngayon ay ako mismo ang lumapit sa kaniya. "Pero may mga kondisyon ako."