Chapter 10

1453 Words
"Offer?" Sabay kaming bumaling ni Gio kay Euclid. "Tinuloy mo, dude?" Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Obviously, alam ni Euclid kung ano ang offer na sinasabi ko. I glared at Gio. "Yeah. Can't help it," usal lang niya bago muling ibinaling ang tingin sa akin. "Let's talk about it tomorrow afternoon, sa office ko." Hinugot niya ang kaniyang wallet at may kinuhang maliit na papel doon na agad din niyang iniabot sa akin. Nang tignan ko iyon ay napagtanto kong business card niya iyon kung saan nakasulat ang numero at address ng kaniyang office. Talaga palang tila business sa kaniya ang gawaing ito. I wonder kung ilang babae na ang binigyan niya ng ganitong offer? May mga tumanggi kaya? Magkano ang bayad nila? Ilang beses naulit o talagang sinusunod niya ang isang gabing kaligayahan lang? Hati ang isipan ko buong gabi. Laking pasasalamat ko na nga't hindi ako pumalpak sa trabaho lalo na't para akong nalulutang sa dami ng iniisip. Hindi ko maalis sa akin ang pag-aalala kay Ate. Hindi na siya tumawag ulit at wala akong balita kung nakahanao ba siya ng pambayad o kung nakausap niya ang kung sino mang pinagkakautangan niya. Kanina ay kinamusta ko siya't sinabihang subukang humingi ng mas malaking palugit ngunit hanggang ngayon ay wala akong ankukuhang reply galing sa kaniya. Malamig na simoy ng hangin ang bumungad sa amin ni Jeff pagkalabas sa club, eksaktong alas kwatro imedia ng madaling araw. "Lakas tayo hanggang plaza?" Mabilis na kumapit si Aira sa akin na siyang hinayaan ko lang. Maingay ang paligid dahil ang ibang club ay bukas pa. May iilang tao rin na nagkalat sa daan, ang ilan ay pawang mga lasing na. Isang liko sa kanan ay natanaw agad naming tatlo ang plaza ng Balanga kung saan sa bandang gitna ay may malaking fountain na hugis bilog habang sa bandang kanang bahagi nito, malapit sa kaliwang unahan ng munisipyo ay may malalaking letra na nakatayo na siyang bumubuo sa pangalan ng lugar. Malakas ang pag-angat ng tubig galing sa fountain kasabay ng iba't ibang kulay na tila sumasabay sa ingay ng paligid. Hindi ako na ako nag-alinlangang magpakuha ng litrato kay Jeff. Pagkatapos kumuha ng napakaraming litrato ay muli kaming naglakad patungo sa kabilang direksyon kung saan naroon ang paradahan ng mga tricycle. Sumakay kami roon upang magpahatid sa terminal ng jeep at mga bus. Kung mag-aabang kami sa kalsada ay baka mahirapan kaming sumakay kaya naman mabuti na itong dumiretso kami sa terminal. Makakapili pa kami ng puwesto sa jeep na sasakyan. Kinawayan ko si Aira na sa ibang jeep sasakay pagkat sa kabilang bayan pa siya uuwi. Nilingon ko si Jeff na nakasandal at nakapikit na sa tabi ko. Sa halip na istorbohin pa siya ay hinayaan ko na lang at nagpasyang abalahin ang sarili sa pagtingin at pag post ng mga pictures namin sa social media. Habang nasa byahe ay saka ko lang naalala ang business card na iniabot ni Gio kanina sa akin. Mabilis kong hinalughog ang aking bag. Matinding kaba ang naramdaman nang wala iyon doon. Sunod kong kinalkal ang magkabilang bulsa ng pantalong ko ngunit wala rin doon ang papel. Kaya naman nang makapa iyon sa likurang bulsa ng pantalon ay parang may nawalang bato na nakadagan sa dibdib ko. Giovanni De Amari (588) 476-9241 J.P. Rizal Street, Balanga City, Bataan, Philippines Gamit ang hinlalaki ay marahan kong hinimas ang business card niya. Ang alam ko ay malapit lang ito sa pinagtatrabahuan namin ngunit hindi ko alam kung saan banda. Pagkauwi sa bahay ay agad kong sinave ang numero ng opisina ni Gio sa cellphone ko bago ako naligo at nagpalit ng pantulog. Sa pagod ay hindi naging mahirap sa akin ang pagtulog. Pagkahiga pa lang ay halos hindi ko na maimulat ang mga mata sa sobrang antok. Nakakatuwa rin na hindi inalintana ng aking tainga ang maingay na paghilik ni Ate sa tabi ko. Kinabukasan, amoy ng kape ang bumungad sa akin. Maaga pa iyon lalo na't wala akong planong pumasok ngayon upang maghanda para sa pagpunta ko sa opisina ni Gio mamaya. Paglabas ko ay dinatnan ko si Ate na nakaupo sa hapag kaharap ang isang supot ng pandesal at bagong timplang kape. Mabilis kong kinuha ang paborito kong baso na may disenyong pusa saka nagtimpla ng kape roon. Hindi ko na kinailangan pang magpainit pa ng tubig pagkat nahabol ko naman ang tira ni Ate. Inilapag ko ang inumin sa lamesa saka marahang umupo sa tabi ng kapatid. Kumuha ako ng isang pirasong pandesal at agad iyong isinawsaw sa mainit na kape saka mabilis na kinagatan bago pa iyon tuluyang matunaw. Nag-angat ako ng tingin sa kapatid na nakatutok sa cellphone niya. "Nag message ako sa iyo kagabi, nabasa mo ba?" Tanong kong tinanguan lamang niya. "Bakit hindi ka nag reply? Anong sabi noong pinagkakautangan mo?" "Hanggang sa susunod na linggo raw ay siguraduhing makabayad na kung ayaw kong makasuhan. Mas maganda kung makakapaghulog ngayong linggo kahit kalahati lang." Iyon naman pala. Bakit hindi niya agad sinabi sa akin kagabi? Muling nanaig ang katahimikan sa pagitan namin. Abala siya sa pagtingin sa kaniyang cellphone. Pasimple kong sinulyapan kung ano ang kaniyang ginagawa ngunit nang makitang nakatambay lamang siya sa social media ay tila nag init bigla ang ulo ko. Hindi ko maintindihan kung paano niyang nagagawang mag relax gayong sinisingil na siya sa kaniyang utang at binabantaang kakasuhan. Pasalamat siya't hindi ko magawang sabihin kay Mama ang sitwasyon niya kung hindi ay baka nag absent din ngayon si Mama para lang maghapon siyang masermonan. Pabagsak niyang binitiwan ang kaniyang cellphone bago marahang sumimsin sa kape. "Galing kang plaza kagabi kasama mga kaibigan mo?" "Oo, bakit?" Umiling siya. "Wala. Akala ko ay naghahanap ka ng pera kaya ka nahuli ng uwi, iyon naman pala ay nag gagala lang." Napakunot ang noo ko sa kaniyang tinuran. Ano ang ibig niyang ipalabas? Na wala akong pakealam sa sitwasyon niya ngayon? Ako itong iniiyakan at ginugulo niya, sasabihan niya ng ganon? Halos magsama ang kilay ko nang walang sabi siyang tumayo at nagligpit ng kaniyang pinag-inuman bago lumipat sa sala. "May nahanap ka na ba?" aniya matapos ang ilang minutong katahimikan. "Para sana masabi ko sa kaibigan ko." Nilingon ko siya, "kaibigan? Bakit?" "Malamang, sa kaniya ako may utang. Sabihan mo ako agad kapag may nahanap ka na." Sumagi sa isipan ko si Gio. Sigurado akong malaking pera ang makukuha ko sa kaniya oras na pumayag ako sa gusto niya ngunit kaya ko ba talaga? Kaya ko ba talagang isakripisyo ang sarili ko para sa ganitong klaseng tao? "Meron kaso hindi sigurado at mahirap makakuha ng pera sa kaniya," sagot ko. "Eh kung lumabas ka ngayon at subukang maghanap ng pera kaysa nakababad ka riyan sa cellphone mo." Mabilis ang naging pagbaling niya sa akin, nanlalaki ang mga mata. "Bakit? Tingin mo ba hindi ako naghahanap? Kagabi pa ako walang tulog sa sobrang stress!" Naalala ko ang itsura niya kaninang madaling araw pag-uwi ko. Nakahilata sa kama, nakanganga at naghihilik. Iyon ba ang hindi makatulog? Sa halip na pakinggan at patulan pa ay nanahimik na lang ako. Hindi rin naman ako sigurado sa tunay niyang dahilan bakit ganito ang kilos niya. Marahil ay ito ang paraan niya para maka-cope up sa mga kaganapan sa buhay niya. Nagligpit ako ng pinagkainan at saka pumasok sa kwarto. Dito na lang ako tatambay hanggang mamayang hapon kaysa sa sala kung nasaan si Ate. Siguradong hindi pwedeng hindi kami mag-away kung magkasama kami sa iisang lugar. Tanghali nang may dumating na babaeng mataba sa bahay at nagsisisigaw sa labas. Imbes na makatulog ay napurnada pa sa ingay ng babae. "Hoy, Amanda! 'Yung utang mo, kailan mo balak bayaran? Alam kong nandiyan ka! Mag-usap tayo sa baranggay!" Hinawi ko ang kurtina sa kwarto at doon natanaw ang nakasandong babae na may kasamang dalawang tanod. Mabilis akonh tumayo at lumabas sa sala. Dinatnan kong prenteng nakaupo ang kapatid ko roon habang nakaharap sa kaniyang cellphone na para bang wala siyang naririnig na nagwawala sa labas. Tangina? Imbes na suwayin siya ay agad akong dumiretso sa pintuanh nakasara at agad na pinapasok ang babae kasama ang dalawang tanod. Akala ko ay magiging mahirap ang pag-uusap ngunit mabait naman ang babae, pumayag sa hiningi kong isang linggong palugit. Habang nag-uusap ay masama ang tingin sa akin ni Ate Amanda. Naiintindihan ko pero hindi ko kayang pabayaan siyang patuloy nag nagtatago at napapahiya. "Gago ka, Kate. Hindi ko alam na kaya mo pala akong ipahamak at ipahiya ng ganito..." Iyon ang huling salitang narinig ko kay Ate bago siya tuluyang lumabas pagkaalis ng babae at mga tanod. Ngumiti na lamang ako habang tinatanaw ang pintuan namin habang patuloy na umaagos ang mga luha sa aking mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD