Chapter 11

1501 Words
"Huwag mong ituloy," marahang ani ni Jeff na sinigundohan ng pagtango ni Aira. "Your sister needs to learn her lessons, Kate. Hindj pwedeng sinasalo mo siya palagi sa tuwing may mali siyang nagagawa." Muling tumango si Aira, "he's right." Itinuro pa niya si Jeff gamit ang tinidor na hawak. "Matanda na ang ate mo and clearly, knows na niya ang pinagkaiba ng tama sa mali. Pabayaan mo siyang harapin ang consequences ng mga ginagawa niya sa buhay." Pagkatapos mag walk out ni Ate kanina ay nag message ako sa kaniya, tinatanong kung nasaan siya ngunit hanggang ngayon ay wala pa akong nakukuhang kahit isang reply. Nagtanong din si Mama patungkol sa babaeng nagtungo na binanggit di umano ni Aling Gina, isa sa mga kapitbahay naming dakilang chismosa. It was the right time para sana sabihin kay Mama lahat ng nangyayari ngayon sa kapatid ko ngunit hindi ko magawa. Bumabalik sa isipan ko ang itsura at sinabi ni Ate sa akin kanina bago siya nag walk out. I betrayed her, alright. Nasaktan ko siya sa ginawa kong pakikipag-usap sa babaeng pinagkakautangan niya at enough na iyon for today. Ayokong dagdagan pa ang kasalanan ko sa kaniya ngayong araw kaya naman kahit matindi na ang kagustuhan kong nagsabi kay Mama ay hindi ko ginawa. Marahan kong hiniwa ang isang pancake na nasa harap ko gamit ang tinidor at kutsilyo. Puno ng mga estudyante ang fastfood chain na kinaroroonan namin ngayon at bahagya ring maingay ang paligid. Pinagmasdan ko ang grupo ng mga estudyanteng nakasuot ng kulay maroon na slacks at kulay beige na blouse bilang kanilang uniporme. Sa kanang bahagi ay may bilog na patch kung saan ang disenyo ay ang pangalan ng kanilang unibersidad. Bataan Peninsula State University. Ang mga estudyante ay may kani-kaniyang bitbit na laptop at mga librong base sa title ay patungkol sa accountancy. Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng inggit. Kung sana lang ay kagaya ng buhay namin ngayon ang buhay namin noong mga nakaraang taon edi sana ay nag-aaral din ako ngayon sa kolehiyo. Malakas na buntonghininga ni Aira ang siyang pumutol sa paninitig ko sa grupo. "Itutuloy mo ba ang pakikipagkita mo kay Sir Gio, Kate?" Pagkatapos kong umiyak mag-isa sa bahay kanina at nang marealize ang ginawa ko sa kapatid ko ay naging buo na ang desisyon kong ituloy ang pagtanggap sa offer ni Gio. Iyon lang ang paraan na alam ko na makakatulong sa kapatid ko at makakapagpawala sa tampo niya sa akin. Isa pa, ako ang nakiusap sa pinagkakautangan niya at ako ang nangakong magbabayad doon kaya kung hindi ko tatanggapin ang offer ay mahihirapan akong humanap ng pera. "Napahiya ko si Ate kanina..." Panimula kong agad na inalmahan ni Jeff. "Ano ngayon? Totoo naman na kailangan niyang harapin 'yung babaeng pinagkakautangan niya kaya tama lang ang ginawa mo!" Gigil niyang saad. "Isa pa, nag guilt trip siya. Imbes na magpasalamat pa siya sa iyo na na-extend ang deadline niya, pinagmukha pa niyang mali iyon kahit hindi. Pasensiya na, Kate pero gaga 'yang ate mo." Naiintindihan ko. Naiintindihan ko kung saan nahuhugot ni Jeff ang inis niya sa kapatid ko. Simula yata noong nagkakilaka kami, wala na akong ibang ikinuwento sa kaniya kundi ang mga napapansin kong mali sa bawat ginagawa ni Ate. "Pero, Kate..." Nilingon ko si Aira na abala sa paghahalo ng kaniyang inumin gamit ang straw, "maiintindihan namin kung itutuloy mo. Hindi natin maitatanggi na malaking tulong nga iyon sa inyo ngayon." Hindi ko alam kung ilang oras kaming tumanbay sa fastfood na iyon. Basta umalis lang kami nang dumami pa ang mga estudyanteng pumapasok at kumakain doon. Nag-aya si Jeff na tumambay sa Hot Bev's para 'di umano mas madadalian sila mamaya ni Aira pagpatak ng duty nila ngunit dahil ang paalam ko ay may sakit ako, hindi ako maaaring pumunta roon. Habang naglalakad sa gilid ng nakapatay na fountain ay itunuro ni Jeff sa akin ang daan patungo sa address ng opisina ni Gio. Aniya ay gustuhin man nila akong samahan ay hindi maari dahil may pasok pa sila. Okay na rin na mag-isa ako lalo na't nahihiya na nga akong inistorbo ko ang pahinga nila sana ngayon para lang may makasama ako habang naghihintay ng oras at isa pa, nahihiya rin ako na alam nila ang mga posibleng mangyari sa akin sa mga susunod na oras. "Kung magkaproblema ka, huwag kang mahihiyang tawagan ako at pupuntahan kita agad," ani Aira kasunod ang pagyakap niya sa akin. Hinatid nila ako sa mismong kanto kung saan matatagpuan ang opisina ni Gio. Kumaway naman sa akin si Jeff at nguniti. "Galingan mo. Mag update ka, ha?" Tanging tango at marahang kaway lang ang isinagot ko bago nagsimulang maglakad palayo sa kanilang dalawa. Panay ang tingala ko sa bawat building na nakikita, hinahanap ang posibleng buidling ng opisina ni Gio. Nang may makitang guard sa isang kilalang maliit na mall ay hindi na ako nahiyang magtanong pa. Luckily, malapit lang doon ang opisina kaya naman mabilis ang lakad ko palapit doon. "May appointment ka po?" Bungad ng guard na agad kong inilingan. "Ay ma'am, kailangan po kasi ng appointment..." Sasagot na sana ako nang may marahang boses ang biglang sumulpot sa likuran ko na nagpagulat sa aming dalawa ni kuyang guard. "Ako na ang bahala sa kaniya, Sir." Nang lingunin ko ay nakitang si Sir Euclid iyon, 'yung mabait at gwapong kaibigan ni Gio. Ngumiti siya sa akin at isinenyas ang daan papasok na agad kong tinahak. Naglilingunan ang bawat nadadaanan naming mga empleyado na agad naman siyang binabati. Tanging ngiti lamang ang isinasagot niya sa mga ito. "Pupuntahan mo si Giovanni?" Binalingan ko siya at nakangiting tinanguan. Tumango lamang siya at hindi na muling nagsalita pa. Kahit sa elevator ay tahimik lang siya. Nang makarating sa 40th floor ay agad niyang itinuro ang pintuang may malalaking letrang bumubuo sa CEO. "You sure na tatanggapin mo iyon?" Mabilis ang naging pagbaling ko sa kaniya. Maamo ang mukha niya't tila hindi kayang manakit. Ang labi niya'y mapupula at ang ilong ay matangos. Maayos at malinis tignan ang kaniyang buhok. "Hindi naman sa nakikialam but I think you need to think thoroughly about this. Gio is an asshole, Miss." Ngumiti siya at saka walang sabing umalis. Ilang segundo pa akong natulala roon bago nagkibit ng balikat at nagpatuloy sa paglalakad palapit sa opisina ni Gio. Kahit naman anong isip ko, wala na akong ibang choice kundi ang pasukin itong bagay na ito. Kailangan ko ng pera at sa ganitong paraan, madali kong makukuha iyon. Hindi ko naman pwedeng hayaang makasuhan ang kapatid ko gayong alam kong may paraan ako para makatulong sa kaniya. Kumatok ako at naghintay ng ilang sandali bago kusang binuksan ang pintuan. Nanuot sa ilong ko ang madalas na amoy ni Gio tuwing nagpupunta sa club. Ang mga mata niyang matalim ang tingin ang siyang bumungad sa akin nang tuluyan ko na ngang mabuksan ang pintuan. Aga dniyang binitawan ang ballpen na hawak at mabilis na tumayo patungo sa harapan ng kaniyang malapad na lamesa. "What are you doing here?" Sa halip na sumagot agad ay pumasok muna ako saka marahang isinara ang pintuan. Humakbang ako palapit hanggang sa may dalawa hanggang tatlong hakbang na lang ang layo namin sa isa't isa. "Uhh," Pilit kong ibinabaling ang tingin s aibang bagay ngunit agad din iyong bumabalik sa mga mata niyang walang emosyon. "I need money. Fifty thousand, cash." Nagtaas lamang siya ng kilay sa tinura ko at ngumisi na tila ba nang-aasar. "And? I'm not a bank, Sailor Moon. At hindi ako loan shark." Umirap ako. "Fifty thousand cash, tatanggapin ko ang offer mo." "Why? Para saan ang pera?" Para akong nanliit nang bumaba ang mga mata niya sa katawan ko hanggang paa at pabalik sa aking mukha na para bang sinusuri at minamaliit niya ako. Tangina, kahit nga ako ay hindi makapaniwala na fifty thousand lang ang presyo ko. Maaari ko pa sanang dagdagan ang hinihinging pera sa kaniya ngunit katumbas noon ang mas malalang konsensya ko para sa sarili kaya huwag na lang. Sapat na sa akin ang makakuha ng pambayad sa utang ni Ate. "Para sa kapatid ko." Namamaos kong sagot. "Tinatanggap ko na ang offer mo basta ba isang gabi lang at may kapakit na fifty thousand. Isa pa, ayoko ng maraming taong. Gusto ko na lang matapos agad ito." Matapang kong ibinato ang tingin sa kaniya kahit na ang puso ko ay durog na durog na sa sakit. Matinding lakas ang kinailangan ko para lang hindi maiyak habang naghihintay sa kung ano mang sasabihin niya. Sa ikalawanh pagkakataon, muli niyang inikibot ang kaniyang tingin sa akin. Sigurado akong minamaliit na ako ng beast na ito. Malalim at malakas na buntonghininga ang kaniyang pinakawalan bago mabilis na isinara ang distansiya naming dalawa. Nanlaki ang mga mata ko sa kaniyang ginawa at bago pa ako makaatras ay agad na niyang hinatak ang bewang ko gamit ang kanang kamay. Marahan at mariing mura ang narinig ko sa kaniya bago niya siniil ng mapupusok na halik ang aking labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD