
TODO ang naging iyak ni Catherine nang malaman na magtutungo ng Dubai ang kanyang ina upang magtrabaho. Pero nang malaman niya kung saan siya titira, may lungkot man ay nasamahan iyon ng kagalakan. Nalaman kasi niyang sa Ninang Sonia pala niya siya maninirahan. Ibig sabihin, titira siya sa iisang bahay kasama si Mico Avelino, ang kanyang ultimate crush. Kilala man itong playboy, sisiguraduhin niyang mapapa-ibig ito sa kanya.
