CHAPTER ONE
Napagdesisyunan namin ng magulang ko na sa maynila na lang ipagpatuloy ang pag-aaral ko bilang kakatapos ko lang ng high school. Nag-apply ako ng scholarship sa iba't ibang university sa maynila at hindi naman ako nabigo na makahanap. Labag man sa kalooban ko na umalis ng probinsya at iwan ang pamilya ko pero sinusuportahan nila ang pag-aaral ko kaya mas lalong lumakas ang loob ko na pagbutihan ang magiging buhay ko dito sa maynila.
Papunta na ako nun sa dorm na tutuluyan ko habang nagaaral ako dito sa maynila. Hindi naman ako naligaw dahil sa madali lang namang hanapin ang building na iyon para sa baguhang saltang katulad ko dito sa maynila.
Magpapakilala muna pala ako bago ko makalimutan. Ako nga pala si Cypress Sevillano, 17 years old. May salamin sa mata dahil malabo ang mga mata ko. Simula pagkabata alam kong may kakaiba na sakin hanggang sa tumuntong na ako ng highschool. Alam ko sa sarili ko na bakla ako dahil sa pagiidolo ko sa mga modelo na napapanuod ko sa telebisyon.
Mahilig din akong manuod ng mga beauty pageant kapag tuwing pista dito sa baryo namin kaya naengganyo din ako na gawing pambabae ang katawan ko. Nagtanong tanong ako sa mga bakla samin kung paano ko babaguhin ang sariling pangangatawan. Tinuruan naman nila ako at simula nun ay di ko na tinigilan ang pag-inom ng pills.
Napansin iyon ng mga magulang ko dahil sa pagbabagong nagaganap sa katawan ko. Lalong lalo na kay papa na tinututulan ang ginagawa ko sa sarili. Hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon hanggang sa naging hobby ko na. Tutol si papa at gusto nyang patigilin ako sa paginom niyon pero hindi ko sya sinunod. Wala na silang nagawa ng aminin ko sa kanila na bakla ako pero kahit ganun pa man ay bumabawi naman ako sa pag-aaral ko bagkus nga'y salutatorian pa ako.
Ayaw kong biguin ang pamilya ko at alam kong ako na lang ang pag-asa nila sa buhay dahil may mga asawa at pamilya na ang dalawa kong kuya.
"Nak, magiingat ka palagi dyan ah. Wag mong pababayaan ang sarili mo." Usal ni mama sa kabilang linya ng gamit kong keypad na cellphone.
"Ma, wag kayong masyadong mag-alala sakin. Kilala nyo naman ako, Ma. Matapang yata na bata ito. Hindi po ako magpapabaya."
"Kapag di mo na kaya dyan umuwi ka lang dito satin ah!" Mangiyak ngiyak na sabi ni Mama.
"Ma, ano ka ba? Maguumpisa pa lang po ako ng buhay ko dito pinapauwi nyo na agad ako." Pagmamaktol ko.
"Nag-aalala lang naman ako sayo gayong mawawalay ka samin." Natawa naman ako sa pagiging makulit ng aking ina.
"Mama, ayos lang po ako at saka matalino naman po ako. Aalamin ko po lahat ng dito, Ma. Baka balang araw madala ko na din po kayo dito nila papa."
"Hello! Nak." Si papa.
"Oh! Pa, bakit po?"
"Wag kang magbo-boyfriend dyan ah!" Natawa naman ako sa sinabi ni papa. Parang gusto ko na tuloy umuwi na lang agad.
Alam ko mamimiss ko sila. Saglit na may gumuhit na luha sa mata ko. Luha na dulot ng saya.
"Opo, Pa. Kayo lang po muna ni mama ang mamahalin ko hanggang di pa ako nakakabawi sa inyo."
"Maraming salamat anak dahil hindi ka suwail at pasaway samin ng mama."
"Sige na po. Hahanapin ko pa po 'yong dorm ko."
"Sige, nak. Palaging mag-iingat. Wag mo pababayan ang sarili. Tandaan mo malaki ang maynila." Pagpapaalala ni papa sakin.
Nagpaalam na ako sa kanila at kay mama na halos ayaw pa yatang ibaba ang tawag. Nabuhay naman ang sigla at pagpupursigi sa dibdib ko. Ginanahan ako sa paghahanap sa araw na iyon. Hindi naman ako nagsusuot ng damit pambabae dahil mas kumportable parin ako sa damit panlalake kahit hindi na bagay sa pangangatawan ko.
"Hijo ba o hija?" Naguguluhang sabi ng matandang babae na may-ari ng dorm na tutuluyan ko. Nakangiti syang nakatingin sakin.
"Ah! Cy na lang po." Sabi ko.
"Ah! Cy, sigurado ka ba na sa dorm ng lalaki ka sasama?" May halong pagaalala nyang sabi.
"Opo, nay".
"Hindi ka ba natatakot na baka kung anong gawin nila sayo."
"Nay, wala hong mangyayareng ganyan. Pag-aaral po ang pinunta ko dito."
"Oh! Sya sige." Tugon nya na lang.
Sinundan ko naman sya habang sinasamahan ako sa dorm na tutuluyan ko.
Libre lang yung dorm para sakin dahil nakapasa ako ng scholarship at bigay iyon ng school na papasukan ko. Hindi naman malayo sa school ang dorm na iyon bagkus magkatapat lang.
"Maiwan na kita, hijo." Sabi nya saka iniwan na ako.
Kinakabahan ako sa mga oras na iyon dahil bagong tao ang mga makakasalamuha ko. Hindi nga pala ako sa dorm ng mga babae sumama dahil alam ko sa sarili ko na lalake parin naman ako kahit papaano. Gusto ko parin silang respetuhin at bigyan ng privacy although mukha naman na akong babae pero kailangan kong magpakalalaki.
Kumatok ako sa pintuan na pinaghatidan sakin ni Nanay Nely. Bumukas naman iyon at niluwa nun ang naka-topless na isang lalake. Napaiwas naman agad ako ng tingin sa parteng iyon at tumingin ng diretso sa kanyang mukha.
"May kailangan ka?" Malamig na tinig nitong pagtatanong sa akin.
Napalunok na lang ako ng sariling laway sa sobrang kaba. Matangkad ang lalaking nasa harap ko at kailangan kong tumingala ng bahagya para makausap sya dahil nga ayaw kong madako ang paningin ko sa katawan nya.
"Sino daw yan, pre?" Sabi din ng isang lalake na lumbas ding naka-topless.
Napaisip naman akong bigla kung palagi ba silang ganito. Kakayanin ko ba na pakisamahan sila kapag ganyan yung kalagayan ng mga katawan nila?
"Sino ka? At anong kailangan mo?" Matulis na pagkakasabi ng lalaking unang lumabas. Dumaloy naman ang kaba sa dibdib ko.
"A-Ah! Dito pala ako magdo-dorm."
"Sigurado ka ba? Mga lalake kami dito,"
"Walang kaso. Lalaki din naman ako." Matikas kong wika.
"Lalaki ka? Hindi halata," Hindi makapaniwalang wika ng sumunod na lumabas.
"Kung ganun, tuloy ka." Sabi nya saka pinapasok ako.
Napahinto naman ako ng makapasok ako dahil sa tatlo pang lalakeng nanduon na nakatopless din. Ang buong akala ko silang dalawa lang ang tumutuloy dito. Pilit akong ngumiti saka iniwasang madako ang paningin sa mga katawan nila.
"Ah! Pasensya ka na kung medyo makalat ang kwarto". Pagpapatuloy nya.
"Hi," Sabi nung tatlo in chorus. Tinugon ko na lang sila ng isang ngiti.
"Bumangon ka na dyan, Jared. May bago ng hihiga dyan". Pagtutukoy nya sakin.
Agad naman syang bumangon. Medyo naninibago at medyo nahihiya kong tinungo ang magiging higaan ko saka nilapag ang bitbit kong bag at isang maleta.
"Ano palang pangalan mo?"
"Ah! Cypress". Sagot ko.
"Ako nga pala si James. Si Joshua, si Jared, si Jonathan, at si Joven. Puro j 'no pero hindi kami manloloko." Isa isa naman silang nakipagkamay habang pinapakilala sila ni James sakin sabay nagtawanan.
Paimpit na napangiti ako dahil sa pagtawa nila or dahil sa thought na ayaw kong ma-out of place. Hindi naman sila nangulit at nangahas pa na magtanong. Hindi naman maliit yung dorm at kung tutuusin para na itong condo dahil sa tig-iisa kaming kama, may banyo, may kusina at may sala. Nakakatuwa kase ngayon ko lang mararansanan ito sa tanang buhay ko.
Sinilid ko na ang mga gamit ko sa isang cabinet dun na walang laman. Siguro para iyon sa mga bagong titira sa dorm na ito.
"Taga-saan ka nga pala?" Tanong sakin ni James habang inaayos ko ang mga gamit ko.
"Taga cebu ako." Matipid kong sagot.
"Ah! Bakit mas pinili mong dito mag-aral? May university naman sa cebu ah,"
"Magulang ko ang nagpursigi sakin na dito ako mag-aral."
Napatango na lang sya saka iniwan na ako baka dahil siguro wala na syang ibang sasabihin.
Nangangapa pa ako sa ngayon dahil di ko pa sila lubusang kilala.
"Cypress, aalis kami. Gusto mo sumama?" Pang-aaya sakin ni James.
"Hindi na. Magpapahinga na lang muna ako."
"Sige,"
Umalis naman sila at hindi na ako pinilit. Nagpahinga lang ako saglit saka naligo na lang. Alas singko na ng hapon ng mga oras na iyon. Inilibot ko na lang ang paningin sa kabuuan ng silid na iyon matapos kong maligo at makapagbihis.
Muntikan ko ng makalimutan dapat pala akong mag-ingat sa mga gamit ko dahil baka may makita sila na hindi dapat tulad na lang ng mga bagay na iniinom ko. Mabuti na lang at hindi nila nahahalata ang pagiging malambot ko dahil hindi ko rin naman pinapahalata. Kung magtanong man sila, hindi naman ako magaatubiling sabihin sa kanila para ng sa ganuon ay aware sila at para hindi din sila mailang sa akin.
Nagsuot na lang ako ng loose shirt para di bumakat ang dibdib ko baka makita nila at baka sakaling tanungin pa ako, mahirap na.
Dumating na ang hapunan. Mas pinili kong sa labas na lang kumain. Sinasara ko na nun ang pinto ng may biglang nagsalita mula sa likuran ko.
"Saan ka pupunta?" Narinig kong boses ni James.
Nakangiting humarap naman ako sa kanya pagka-lock ko ng pinto. Nandun din ang mga kasama namin dito sa dorm.
"Ah! Kakain lang sana dyan sa labas." Maikling sagot ko.
"Wag na. Sumabay ka na lang samin. Magluluto si Jonathan."
"Hindi ba nakakahiya yun?"
"Wag kang mahiya samin. Lika na pasok na sa loob." Sabi nya saka ko naman binuksan ulit ang pagkaka-lock ng pinto.
Wala naman akong nagawa kaya bumalik na lang sa loob.
"Wag kang lalabas ng mag-isa dahil maraming loko loko dyan sa daan." May pag-aalala nyang sabi.
"Oo nga. Kung nagugutom ka may pagkain naman dito sa ref. Pwede ka namang kumuha pero kapag maggo-grocery ambagan na lang." Sambit naman ni Joshua.
Napatango tango na lang ako saka naupo sa kama ko habang pinagmamasdan lang sila. Nakakahiya pero okay na din yun. Hindi din naman kalakihan ang pera na dala ko dahil hindi naman ganuon kapayak ang buhay namin.
Isinilid ko na lang ulit iyon sa pitaka ko at sabay inilagay sa ilalim ng unan ko. Hindi naman sya nagtagal magluto.
"Cy, kain na tayo." Tawag sakin ni Joven.
Hindi naman nila pinaparamdam sakin ang pagiging baguhan ko bagkus mas minamabuti nilang maayos ang pakikitungo sakin.
Sumabay na lang ako sa kanilang kumain ngunit tahimik lang ako habang sila kung ano ano ang pinaguusapan. Hindi ko naman pinakinggan dahil labas na ako duon.
Ako na nag-asik na maghugas ng mga pinggan na pinagkainan para makabawi sa panlilibre nila ng hapunan sakin. Paano pa kaya sa susunod na araw? Hindi ko naman alam ang gagawin ko para di ako maging pabigat dito.
Pinabayaan naman nila ako sa nais kong maghugas ng pinggan. Hindi naman gaanong madumi ang silid namin at sakto lang. Nang matapos na akong maghugas nagbanyo muna ako para maghilamos at magsipilyo.
Pagkatapos ay nagpunas ng mukha saka nagtungo ng kama ko at chineck ang cellphone kung nag-text ba sila mama. Hindi naman ako nagkamali at mayroon nga. Nireplyan ko naman ang mga bawat text nila sakin.
Kasalukuyang nanunuod sila ng palabas sa flatscreen na tv na nanduon. Masasabi kong swerte na ako dahil nasa maganda at mamahalin akong dorm.
"Ah! Cy, ilang taon ka na pala?" Tanong ni Joshua.
"17," Sagot ko naman.
"So, first year college ka palang?" Sambit naman ni Jared.
Tumango na lang ako bilang pagsangayon sa tanong nyang parang hindi makapaniwala.
"Kayo ba?" Pabalik na tanong ko sa kanila.
"Halos magkakasingedad lang kami. 21 na kami at third year college." Sagot naman ni James.
"Ah!" Tanging nasambit na lang ng bibig ko at mula nuon hindi na sila nagtanong at nanuod na lang ulit ng tv.
Hindi naman ako nabahala sa mga tanong nila kaya hindi ako nag-alala. Nakinuod na lang ako sa pinapanuod nilang teleserye. Hindi ko alam kung interesado ba sila sa pinapanuod nila kase nakatutok sila sa cellphone na hawak nila.
Nanuod na lang ako hanggang sa inaya na ako ng antok ko na matulog. Hindi naman ako nagatubili pang mag-goodnight sa kanila dahil hindi pa naman kami lubusang magkakakilala.