[MYOZI'S POV]
"Hay sa wakas natapos din ang opening program, halos mangalay ako sa sobrang haba ng speech." Dinig kong reklamo ng isa sa magkakaibigang nasa harapan ko ngayon.
Nakaupo ako ngayon sa loob ng silid aralan kung saan katabi ko si Harry, ang nagiisa kong kaibigan. Parati kaming nasa pinakadulong upoan at walang ibang magawa kundi kutkotin ang inaanay na kahoy ng desk namin. Sa ilang taon ng pagaaral namin dito ay hindi parin namin nahahanap ang dalawa pa naming kabiak.
"Oo nga, paulit-ulit nalang nilang ikinukwento iyong tungkol sa los cuatro salvadores na yan." Reklamo rin ng isa habang hindi matigil sa pagsuklay ng buhok.
"Hello? halos twenty years na kaya ang naka-lipas pero hindi parin nila nahahanap kung sino ang apat na 'yon." Ika ng isa habang maya't-maya ang pagsilip sa hawak na salamin.
"Hindi ko man lang naabutan yung dating itsura ng mundo huhuhu." Maarteng iyak ng isa.
Nagkatinginan kami ni Harry. Tama sila, hindi man lang namin nasaksihan ang dating itsura ng mundo. Ipinanganak ako ng ganito na ang naabutan ko, makulimlim na kalangitan at magulong paligid. Talagang sinakop na kami ng kadiliman bagaman ganoon parin naman ang pamumuhay, may mayaman, may mahirap, may spoiled brat may hikahos sa buhay. Ang tanging pinagkaiba lang daw ng mundo noon sa mundo ngayon ay masaya ang mga tao noon, nagkakagulo na kase ang lahat ng tao ngayon.
Kung dati ay kabilaan ang masasayang tugtogin at iba't-ibang kaganapan, ngayon ay hindi na iyon nangyayari, maging ang gobyerno ay hindi na kayang kontrolin ang sarili nilang bansa. Wala ng ni isang watawat ang pumapayagpag sa mundo, lahat ay sinunog at nilapastangan ng mga tao na mas piniling umanib sa diyablo. Malalim ang buntong-hiningang inilipat ko ang tingin sa harapan tsaka ko napag-alaman na nakaupo na pala sa teachers table ang maestra namin sa unang asignatura habang inililipat ang pahina ng hawak nyang libro.
"Magandang hapon." Nakaupong bati nito, tumayo ang lahat at tsaka nagbigay galang, maging kami ni Harry ay tumayo rin.
Ngunit isang estudyanteng babae ang nakaagaw ng atensyon ko, nanatili s'yang nakaupo. Makikita mo sa ekspresyon n'ya na wala talaga s'yang balak tumayo.
"You, student at the back." Tawag ni Maam sa kan'ya, lahat kami ay naupo na ngunit nasa kan'ya na nakatingin ang matatalim na mga mata ng kaklase namin.
Hindi s'ya sumagot, bagkos ay malamya n'ya lang tiningnan ang guro. Napalingon ako kay Harry ng kalabitin n'ya ako.
"Kilala mo ba s'ya?" Tanong n'ya, umiling ako.
"Hindi, pero nakikita ko na s'ya dati." Tugon ko, napatango lang s'ya tsaka kami nagbalik ng tingin sa babae.
"Bakit hindi ka tumayo para batiin ako?" Tanong nya, ilang segundo muna syang tinitigan ng estudyanteng babae, ni hindi man lang sya nasindak.
"Hindi ka rin naman tumayo noong binati mo kami." Sagot nito, lahat ay napabilib dahil sa ginawa n'yang pagsagot sa guro.
Kakaiba s'ya, kahit ako na halos ingud-ngod ang sarili ko sa libro ay hindi nagawang sumagot sa mga guro namin. Kinatatakutan namin ang mga ito dahil ang paniniwala nila, lahat ng guro na narito sa paaralang ito ay naibenta na ang kaluluwa sa diyablo, kaya mga demonyo narin daw ang mga ito. Ngunit batid naman ng lahat na marami parin sa mga guro rito ang nangangarap na muling masilayan ang liwanag. Kagaya na lamang ng mga guro kanina na nagtalakay patungkol sa apat na tagapag-ligtas.
"You're unbelievable huh?" Mataray na sambit ng guro, nanatili s'yang tikom at nakayuko, "What's your whole name, Miss?" Tanong ng guro habang iniaangat ang sarili patayo.
"Asscher Meraki." Tugon nito, may kung anong piltik ng kuryente ang dinulot ng pangalan n'ya sa brain cells ko, kakaiba.
"Whole name." Mariing sambit ng guro, nanatiling nasa babae ang paningin ko.
Kung ganoon ay hindi lang pala Asscher Meraki ang pangalan n'ya? hindi ko batid ngunit nabibilib ako sa babaeng ito, wala s'yang takot.
"It's Asscher Meraki."
"What is your whole name." Halos sinimot na ng guro ang pasensya habang sinasambit iyon.
"R-Reign Asscher Meraki." Tugon nito, nagpipigil ng tawa ang ilan habang ang ilan naman ay hindi makapaniwala sa narinig, kabilang na ako doon, masyadong pambabae ang Reign kung pagbabasehan ang itsura n'ya, hindi ako mapanglait ngunit para s'yang tomboy kung titingnan.
"Okay Miss Reign--"
"Call me Asscher, Ma’am."
"Okay Miss Asscher, sit down." Utos nya, walang gana paring umupo ang babae, kung hindi ako nagkakamali ng dinig ay Asscher ang pangalan n'ya, astig.
*SCHOOL BELL*
Kakaiba ang school bell dito. Tunog kampana ng simbahan kaya kahit na mag headset ka at i max mo ang volume ay maririnig mo parin ang kalembang ng kampana.
"Ano naman kayang bago sa canteen ngayon? paulit-ulit ang tinda, duh? Umay--- what the heck!" bigla ay nabangga ako ng isang babae.
Halatang maarte sa pananamit palang. Maraming kaibigan kaya maraming back-up. Maganda at sobrang ideal kung titingnan, ang lansa lang ng ugali.
"Hayaan mo nalang." Siniko ako ni Harry, napapikit nalang ako tsaka sana maglalakad palayo ng hawakan n'ya ang braso ko.
"Manhid ka ba!?" Bulyaw nya, agad na nagiba ang pakiramdam ko.
Libo-libong bultahe ng kuryente ang agad na pumasok sa pagkatao ko. Ngunit kagaya ng parati kong ginagawa ay pinigilan ko ang sarili ko. Ipinikit ko ang mga mata ko dahil randam kong nagiba na ang kulay ng mga mata ko.
"Bitawan mo s'ya." Sambit ni Harry.
"Masyado s'yang bastos, hoy babae, nabangga mo ako, mag sorry ka." Kampanteng utos nya, ramdam kong naialis ko na ang dilim na kanina ay sinakop ang katawan ko, kaya wala akong nagawa kundi tingnan s'ya.
"Nagpapatawa ka ba?" Seryosong tanong ko, agad na nanlaki ang mga mata n'ya at sa isang iglap ay kumaripas na sila ng takbo palayo, anong nangyari dun?
Tahimik akong natawa tsaka nilingon si Harry ngunit nangunot rin ang noo ko nang mangunot ang noo n'ya. Palipat-lipat ang tingin n'ya sa dalawa kong mata.
"Violet parin ang mga mata mo, Zi." Walang
karea-reaksyong aniya, tsaka ko kinuha ang salamin ko at tiningnan ang mga mata ko. Violet nga! letche!
"Kaya pala kumaripas ng takbo ang mga 'yon?" Natatawang tanong ko.
"Sa susunod pigilan mong magalit, hindi nila tayo pupwedeng mabuko hangga't hindi pa natin nakikita ang dalawa pang kabiak natin, understood?" Pangaral n'ya, ngumiwi nalang ako tsaka tumango.
Ako si Myozi Ree Marche, ang babaeng nagmamay-ari ng demonic heart symbol. Isang malaking problema at kalbaryo ang hatid ng simbolo na ito. Alam ko ang layunin ko, sa dalawampu't-isang taong gulang na ako, lumabas ang kapangyarihan kong ito noong 20th birthday ko kung saan nasunog ang buong lamesa dahil sa kuryenteng idinulot ko.
Sa oras na magalit ako ay doon nagsisimulang pumasok ang dilim sa katawan ko. Ang kailangan kong gawin ay pigilan iyon, hindi ko pa talaga kayang pigilan ang sarili ko upang hindi mapikon sa kahit na sino, nagiging demonyo ako.
"Ikaw, ang galing mong magtago ah?" papuri ko kay Harry na ngayon ay kasabay kong naglalakad papunta sa cafeteria.
"Magaling akong magpigil ng sarili, that's more appropriate to use." tugon n'ya, kahit kailan talaga ay hindi na mabiro ito, di ko nga alam kung bakit hindi s'ya ganoon kadaling mapikon.
Ako yata ang kauna-unahang nilalang na pumikon kay Harry Doze Garvez. Ayaw na ayaw n'yang naaalala ang panahon na kung saan nakita ko ang nagkalat na boxers at underwears sa loob ng kwarto n'ya. Pikonin ko kaya 'to? namiss ko yung green na mata n'ya hehehe.
"Nasaan na pala yung spongebob mo na boxers? suot mo ba?" Nagpipigil ng tawa na tanong ko, huminto s'ya habang nakatalikod sa akin, tsaka humarap.
"Shut up." Mariing aniya, at tagumpay, naroon ang ocean green na mata n'ya, ang gandang tingnan ng mga 'yon.
"Okay easy, namiss ko lang yung mata mo." Natatawang pagpapa-kalma ko.
"You're crazy." Aniya tsaka muling naglakad.
"I'm Myozi not crazy, duh?" Habol ko.
Ng makapasok kami sa cafeteria at makahanap ng pwesto ay natanaw ko si Asscher, ang pinaka-manhid na babaeng nakilala ko. Papunta s'ya sa astrodome kung saan nagaganap ang mga booths ngayon, interesado pala s'ya doon? kakaiba talaga s'ya.
Ilang minuto pa akong nag-antay. Hinayaan kong umorder si Harry dahil s'ya naman ang manlilibre ngayon. Sandali pa akong naghintay bago s'ya dumating.
"Eto na." Aniya tsaka inilapag ang tray sa mesa.
"Sa tingin mo? Nasa paligid lang kaya natin si spade at si diamond?" Tanong ko, nagkibit-balikat s'ya habang papaupo.
"Siguro, hindi natin alam." Tugon n'ya tsaka nagsimulang himayin ang pagkain n'ya.
"Nahihirapan rin kaya silang kontrolin ang sarili nila kagaya natin? Kung naaalala mo yung sinabi ni lolo, mas malakas pa sa atin si spade at diamond." saad ko, napatango s'ya sa sinabi ko.
Si lolo ang tagapag bantay sa Temple of Demonic symbols. Hindi namin s'ya kadugo, tinatawag lang namin s'yang lolo dahil sa edad n'ya. Mayroon kaming templo kung saan naroon ang lahat ng ritwal, at ang pinaka-iniingatan namin. Ang lugar kung saan magaganap ang pagiisa ng mga kapangyarihan. Sa oras na mahanap namin ang dalawa pang nagtataglay ng dalawang natitirang simbolo bago pa man magsimula ang dark apocalypse ay malaki ang tyansang mailigtas namin ang mundo.
"Sana ay hindi natin maabutan ang plano ng kadiliman na pagharian ang mundo. Kailangan natin silang mahanap kaagad." Sambit ni Harry, hindi ko na mapigilan ang mapaisip habang isinusubo ang pagkain ko.
"Paano natin malalaman kung sila nga ang hinahanap natin? anong basehan?" Tanong ko.
"Kagaya natin ay nagbabago ang mga mata natin kapag galit, pupwede ng basehan 'yon, Zi." Tugon n'ya tsaka muling sumubo ng pagkain.
"Galitin kaya natin ang bawat estudyanteng makakasalubong natin?" Masiglang tanong ko na para bang iyon na ang pinakamagandang suhestyon sa lahat.
"Not a good idea, hayaan nating sila ang lumapit at magpakilala."
"Sira ka ba? eh hindi nga nila tayo kilala."
"Just don't mind it, may tamang panahon para isipin 'yan." Inis na sambit n'ya tsaka nagpatuloy sa pagkain, napabuntong-hininga nalang ako tsaka nahagip ng mata ko ang flier na nasa paanan ko.
FOUREST, mini concert booth, Catch up:
Tresylie
Luiwen
Ishvar
and the band leader,
SIONREEX VREL TERRICO...
Hindi ko batid ngunit napako ang mga mata ko sa pangalan na 'yon.