[SIONREEX'S POV]
“Nobody gonna love me better
I must stick with you forever
Nobody gonna take me higher
I must stick with you,
You know how to appreciate me
I must stick with you, my baby
Nobody ever made me feel this way
I must stick with you...”
"WOHOOOOO! ANG GALEEENG!"
"BABYYYYYY VREEEEL!"
"SHONRIIIII AAAHHHHH!"
Hanggang sa matapos ako sa pag-kanta ay hindi ko maialis ang tingin ko sa babaeng nakatayo hindi kalayuan sa pwesto namin. Kakaiba dahil s'ya lang ang hindi nakangiti at tumitili habang kumakanta ako.
"Wala ka talagang kupas boy!" Papuri ng kaibigan kong si Tres, ngumisi nalang ako tsaka isinandal ang gitara sa gilid ko.
"Kanina ko pa napapansin 'yang babaeng 'yan." Biglang sambit ni Luiwen, isa rin sa mga kaibigan ko.
"S'ya lang yata ang hindi tinamaan sayo erp! hahahaha akala ko ba namamagnet mo lahat ng chicks?" Pangaasar ni Ishvar, napailing nalang ako.
Apat kaming magkakaibigan simula 1st year highschool hanggang 4th year college. Dati palang ay hindi na kami mapaghiwalay, parati kaming magkakasama sa iisang section. Aminado akong sikat kami sa academy na 'to, halos lahat ay kinaiinggitan at tinitilian kami. Kamalas-malasang kakaiba talaga ang babaeng ‘to.
"Kasasabi mo lang, chicks lang ang minamagnet ko kaya hindi ko talaga mamamagnet 'yan." Sagot ko tsaka naupo sa bench, "Mukha bang chick 'yan?" Natatawa kong tanong.
"Sabagay HAHAHAHAH." Tawanan nila, napangisi nalang rin ako ngunit hindi ko maipagkakailang nabubwiset ako sa inaasta ng babaeng 'to, para bang hindi man lang s'ya na-impress sa ginawa kong pagkanta.
"Hi Vrel! excuse me, excuse me!" Bigla ay umalingawngaw na naman ang nakakairitang boses na 'yon.
"Nand'yan na naman yung jowa mo Vrel." Mapang-asar na bulong ni Tres, sinamaan ko lang s'ya ng tingin kaya nagpipigil ng tawa s'yang nagtikom ng bibig.
"What, Leira?" Seryoso kong tanong.
"Hinahanap ka ng School Principal, go to his office daw, asap."
"Bakit daw?"
"I don't know."
Inis akong nagiwas ng tingin tsaka kinuha ang mga gamit ko. Hindi lilipas ang isang linggo ng hindi ako pinatatawag ng Principal sa office n'ya. Sa paulit-ulit kong pakikipag-usap sa kan'ya ay iisa lang ang pinaguusapan namin, ang tungkol sa demonic spade symbol.
"Wait, nag lunch ka na ba? kumain ka muna." Pigil sa akin ni Leira.
Leira Phy Hidalry, s'ya ang tinaguriang campus Queen. Ang totoo ay s'ya lang rin mismo ang nagbansag non sa sarili n'ya. Anak s'ya ng isa sa mga master teachers dito kaya respetado. Simula't sa pul ay parati s'yang nakasunod sa akin, kung pupwede n'ya lang i-rugby ang sarili sa akin ay ginawa n'ya na siguro. Mabuti nalang at may girlfriend ako, hindi s'ya maka-kapit sakin ng husto.
Hindi naman maipagka-kaila na she's hot, gorgeous and ideal, physically. Sakto ang height, sakto ang kulay ng balat, wavy hair, at ang mala disyerto n'yang mga mata. Pero pagdating sa ugali at personality ay patapon, masyadong plastic ang pakikitungo n'ya sa lahat, nagbabait-baitan sa harap ng mga freshmen at iba pang students para mas lalo s'yang hangaan.
"Hindi ako gutom, let me go." Sambit ko tsaka binawi ang braso ko mula sa pagkakahawak n'ya.
"Okay, should I come with you?" Tanong n'ya, mariin ko s'yang tiningnan.
"No need." Mariing tugon ko tsaka umalis.
Bago pa man ako makaalis sa kumpolan ay natigil ako sa paglalakad ng makita kong nakatingin sa akin ang babaeng kanina ko pa napapansin di kalayuan sa amin. Diretso at walang gana s'yang nakipaglaban ng titigan sa akin. Ngunit hindi ko batid kung bakit tila hindi ko magawang makipagtitigan ng matagal sa kanya dahilan para mapaiwas agad ako ng tingin ngunit agad ring nagbalik ng tingin sa kan'ya.
"You look unpleasant." Sambit ko, nanatili s'yang nakatingin sa akin bago sya nag-iwas ng tingin at parang hangin akong nilampasan. Bago ba s'ya dito? bakit parang hindi n'ya ako kilala?
"Akala ko ba hindi yun chick pre? bakit titig na titig ka? ha?" Sulpot ni Luiwen sa gilid ko, sinamaan ko lang s'ya ng tingin tsaka ako naglakad palayo.
Kakaiba ang babaeng 'yon. Kaya n'yang hindi pansinin ang gwapong katulad ko? Ni hindi man lang s'ya napangiti habang kumakanta ako kanina, hindi gaya ng ibang babae na halos malusaw sa harapan ko. Hindi s'ya kagaya ng ibang babae kung manamit, naka jacket lang s'ya at loose pants. Matangkad at maiksi ang buhok n'ya pero mas matangkad ako, hindi gaanong kita ang mukha n'ya dahil parating nakayuko. At ang mas malala, parang kaya n'yang manatili sa iisang ekspresyon lang sa isang buong araw. Tao ba yun?
"Mr. Terrico, where have you been?" Salubong na tanong sa akin ng Peincipal ng makapasok ako sa office n'ya.
Principal Crestituto Javier, o tinatawag na Tito ng mga malapit na kaibigan o kakilala n'ya. Anak na ako kung ituring ni Tito, s'ya ang parating nagpapayo sa akin patungkol sa pagkatao ko, hindi daw ako normal na binata lang. Mayroon akong spade na marka sa kanang parte ng likod ko. Simula pagka-panganak ay hindi ko na alam kung ano ang ibig sabihin niyon.
"Hinarang pa ako ng mga babae." Kibit-balikat kong tugon.
"Ha ha ha naiintindihan kita dahil gan'yan ako noong kabataan ko, sit down, sit down." Anyaya n'ya, natawa nalang rin ako tsaka naupo.
"Ang ganda siguro ng mundo noong kabataan ninyo." Usal ko, napasandal s'ya sa swivel chair tsaka umikot para kuhain ang isang libro sa likuran n'ya.
"Walang kasing ganda ang mundo noong kapanahonan ko, hijo." Aniya habang pumipihit paharap sa akin tsaka inilapag ang libro sa harap ko.
"Ano ho ito?" Tanong ko habang nasa libro ang paningin, Old memories, iyan ang nakasulat sa cover.
"Buksan mo, ipapakita ko sayo ang dating itsura ng mundo." Nakangiting aniya, kunot-noo ko iyong binuklat tsaka ko napag-alaman na photo album pala iyon.
Sa unang pahina ay agad na naningkit ang mga mata ko. Isa iyong malawak na lupain kung saan kumikinang ang pagiging asul ng kalangitan kasama ang puting mga ulap. Kasama rin sa litrato ang napaka-raming bata na nagpapalipad ng saranggola.
"Kung ngayon ay madilim ang kalangitan, noon ay kulay asul ito. Masarap sa pakiramdam ang sikat ng araw, sobrang saya kumpara ngayon. Naging ganito ang mundo dahil sa mga taong sakim sa kapangyarihan, mas piniling sakupin tayo ng impyerno kesa ng kalangitan." Mahabang saad n'ya, muli akong nagbalik ng tingin sa album.
Sa susunod na pahina ay asul na dagat at puting buhangin ang nakita ko. Maraming turista at mga batang nagtatampisaw sa pampang, masaya ang paligid at maganda ang sikat ng araw. Sana lang ay naabutan ko ito.
"Nasa mga kamay ninyo ang desisyon kung nais n'yo pang masilayan ang totoong mundo o hahayaan n'yong maghari ang kadiliman." Dagdag n'ya, agad kong nailipat ang tingin sa kan'ya.
"What do you mean?" Tanong ko, naglipat s'ya ng tingin sa akin tsaka ngumiti, that's creepy, s**t.
"Gamitin mo ang demonyong nagkukubli sa pagkatao mo para sa mabuting hangarin, huwag mong hahayaang malinlang ka nila. Tandaan mo ang misyon mo Sion hijo, iligtas mo kami." Saad n'ya, sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nagsitayuan ang balahibo ko, anong ibig n'yang sabihin? wala akong maintindihan.
"I don't understand." Tugon ko, ngumiti lang sya tsaka isinarado ang album.
"Gusto kong masaksihan mo ng aktwal ang totoong mundo, Sion. Aasahan kong maililigtas n'yo kami." Tugon n'ya.
Hanggang sa makalabas ako sa opisina ni Tito ay hindi ko maalis sa isip ko ang sinabi n'ya. Ililigtas ko sila? anong ibig n'yang sabihin, anong laban ko sa kadiliman? ni wala akong kapangyarihan.
Napa buntong-hinanga na lamang ako tsaka nagpatuloy sa paglalakad. Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari ngayon pang malapit na ang ika-dalawampung kaarawan ko.
__________________________
LOS CUATRO SALVADORES
Their demonic powers will be distributed
on their 20th birthday. Thousand of demons will be
with them.
Darkness will win.
___________________________