Episode 20

1851 Words
Two days have passed, Marco didn't pass the exams. He failed. Pero masaya ako na kahit ganoon, hindi pa rin naalis sa Varsity si Marco. Ipinaglaban siya ni Cygny. Cygny was firm with her words. Wala nga talagang nagawa iyong coach ng basketball team noong siya na ang nag-request. Nakakapagtakang wala man lang pilitang naganap, Cyny got his approval without even trying. Dahil ang Intramurals ay sa susunod na linggo na, ang training ni Marco ay mas lumala pa. Kung dati ay nakakasabay pa namin siya sa pagkain, ngayon ay hindi na. Naging mahigpit na raw ang coach nila. Pero hindi na rin namin naramdaman na may kulang sa barkada. Busy din naman kasi kami nina Diyes, Magne at Vaeden. Sabay kasi ng Intrams ang Foundation Day. Nakatoka ang mga School Organizations na sinalihan namin na gumawa ng booths. Dahil mahilig akong magluto, sumali ako sa Cooking Club. Magkasama naman sina Magne at Vaeden sa Photography Club. Walang nagawa si Magne kundi ang sumama kay Vaeden, sarado na kasi ang iba pang clubs at hindi na naman siya pwedeng bumalik pa sa Women's Rights Club. Samantalang si Diyes ay doon sumali sa Journalist Club. Dahil linggo ngayon, nandito kaming lahat sa family park ng subdivision namin ni Magne. Dito kasi talaga kami tumatambay kapag wala kaming magawa o maisip na gawin sa bahay ni Marco. Saka maganda din kasi talaga dito, maraming puno at may magandang view. If I am to describe this park in one word, it'll be "Relaxing". Nakaka-relax naman kasi talaga ang simoy ng sariwang hangin dito. Napatigil ako sa iniisip ko nang biglang magsalita si Vaeden. "Marco, ready ka na ba sa practice game niyo bukas sa ibang team?" Ginugulo-gulo pa niya ang buhok ni Marco. "Galingan mo ah, 'wag mo kaming ipapahiya." Kwento kasi niya sa amin kanina, lalaban daw sila sa ibang team bukas. Practice lang. Iyong hindi pa totohanan para wala nang biglaan kapag nasa totoong laro na sila. May term iyon, eh. Nakalimutan ko lang. "Oo nga, baka naman bubulok-bulok ka mag-shoot. Itatanggi ko talagang kaibigan kita." Gatong naman ni Magne na may pagtapik pa sa balikat ni Marco. Nagkakasundo talaga silang dalawa ni Vaeden kapag asaran na ang pag-uusapan. Tumawa naman nang malakas si Marco. Napailing na ako dahil kung sa pang-aalaska lang naman ay tiyak na mas lamang ang mokong na 'to. Siguradong matatapos ang araw na ito na asar na asar sina Vaeden at Magne sa kanya. "Oo, hindi naman kagaya ng ngipin mo ang pag-shoot ko. Hindi ako bulok na shooter." Sambit niya habang tawa nang tawa samantalang si Magne naman ay biglang kumunot ang noo. Hanggang sa hindi na siya nakapagtimpi, hinampas niya si Marco sa braso nang malakas. "Bulok pala ngipin mo, Magne. Kaya pala kanina pa mabaho ang hangin sa harap ko. Hininga mo na pala ang naaamoy ko!" Gatong ni Vaeden habang may pang-asar na tawa. "Ang kapal!" Ngumanga si Magne bago magsalita. "Alaga 'to ng dentista ko, ah!" Idinako niya ang paghampas kay Vaeden. Napailing naman ako habang pinapanood silang tatlo na magbangayan. Si Diyes naman ay tumatawa na rin nang bahagya sa tabi ko. Si Ben 10 lang yata ang matino sa grupo namin? Jusko, paano niya kaya kami natatagalan? "Tama na 'yan, mga baliw." I roll my eyes. "Nagugutom ako, bibili muna ako sa labas ng pagkain. May ipapabili ba kayo?" At matapos kong magsalita ay kusa silang tumigil. Katulad ng inaasahan, nakuha ko ang atensyon nila sa pagsabi lang ng magic word na "pagkain". Mga patay gutom talaga. "Burger and French fries ang sa akin!" Masiglang sambit ni Magne na may kasama pang pagtaas ng kamay. Tumango ako sa kanya at saka idinako kay Vaeden ang tingin. "Ikaw na lang ang kainin ko-- Aray!" Hindi na naituloy ni Vaeden ang sasabihin dahil pinagtulungan siyang saktan nina Magne at Marco. Napamasahe naman ako ng sentido, wala talaga sa katinuan ang lalaking 'to. Idinako ko na lang ang tingin kay Diyes. He is innocently watching the three morons. Para ba siyang bata na dine-decipher ang mental health ng kanyang mga kalaro. "Ikaw, Ben 10. Ano ang sa 'yo?" Idinako niya ang tingin sa akin. With a neutral emotion on his face, he answered, "Ice cream." "Alright." Tumango ako at saka tumayo. Akmang maglalakad na ako palayo nang biglang magsalita si Marco. "Margotliit, sama ako!" Habang nakatalikod sa kanila, kusa akong napangiti. Iyong ngiting may halong kilig. Iyong tipong para bang biglang nagliwanag ang mundo ko dahil lang sa tatlong salitang iyon! Ang . . . rupok ko. Itinango ko na lang ang ulo ko habang hindi pa rin tumitingin sa direksyon nila. There is no way I will let them see how Marco is making me smile like a stupid right now. Tumuloy na ako sa paglalakad hanggang sa makasabay ko na si Marco. Katulad ng lagi niyang ginagawa ay inakbayan niya ako habang naglalakad. Napapatingin ako paiwas sa kanya para itago ang epal na pag-ngiti ko. Lakas talaga ng epekto sa 'kin ng mokong na 'to! "Kinakabahan ako sa game bukas, Margotliit." Kasabay nang pagbigkas niya ng mga salitang 'yon ay ang pagpatong niya ng braso sa ulo ko. Napakabully talaga, porke't maliit ako. Inilayo ko ang ulo ko mula sa braso niya. "Kaya mo 'yan, naiisip mo lang 'yan. Don't overthink." Bumuga siya ng hangin bago sumagot. "Paano kung ma-disappoint ko kayo?" Napatigil ako sa paglalakad. As I turn my gaze at him, ngumiti ako nang malawak. "Never. The fact na nagagawa mo iyong bagay na gusto mo, masaya na kami para sa 'yo doon. Hinding hindi kami madi-disappoint sa 'yo dahil as long as you are happy with what you are doing, we knew that we have to smile for you." Lumapit ako sa kanya saka inabot ang ulo niya para pisilin ang kanyang mga pisngi. "Cheer up!" Ngumiti siya sa akin saka ako niyakap. Na hindi ko ikinabigla. Bagkus ay ikina-enjoy ko pa. Ngayon, amoy na amoy ko ang pabango niyang gustong gusto ko. The smell is minty; it really suits how manly he is. Marco, can we stay like this forever? Please? *** Monday afternoon, kinansela lahat ng klase bilang pagbibigay oras para doon sa mga estudyanteng magiging busy sa kanya kanyang booths. Noong matapos na kaming magkakaibigan sa kanya-kanyang tasks ng sinalihan naming clubs, nagpasya kaming hindi na lang muna umuwi nang maaga para panoorin ang laro ni Marco. Kumpleto ang grupo ngayon dahil saktong vacant time din ni Cygny. Nakaupo kami ngayon dito sa bleachers ng covered court habang si Marco ay abala nang nagwawarm up sa court. Maya-maya pa'y nagsimula na ang unang laro nila. Hinati ang lahat ng members ng team nina Marco sa dalawa. Sabi ni Cygny ay dito daw iba-base ng Coach nila ang magiging first six kaya magandang galingan ngayon na ni Marco para mapasama siya doon. Nagsimula ang laro sa pagtunog ng pito ng kanilang Coach. Ang kanilang Coach ay balbas sarado na para bang ex-convict. Kung ano ang kinalago ng kanyang balbas ay ganoon din ang kinaubos ng buhok niya sa ulo. Malaki ang tiyan niya na hindi na normal sa katawan niya, halatang halata sa kanya ang pagiging lasenggo. Habang naglalaro si Marco ay nagdadasal ako na sana ay galingan niya. Kahit na hindi ko alam kung papaano ba itong basketball, napapatalon at napapasigaw ako sa tuwing si Marco na ang titira. Para nga akong staged mother na proud sa anak niya! Pero . . . Things seem to be out of it's right places for Marco. He is out of his usual element. Ang sunod-sunod kasing tira niya ay hindi tumatama sa loob ng basketball ring. Lahat ng itinira niyang mga bola ay wala ni isang pumasok. Kung minsan pa ay naagawan pa siya ng bola ng kalaban dahilan para matambakan sila sa score. Nagulat na lang ako nang biglang pumito ang Coach nila at pinalitan si Marco ng isa pang member. Ngayon ay kitang-kita ko ang nakatungong si Marco habang sinisigawan ng kanyang Coach. Mga ilang minuto pa siyang sinigawan ng Coach bago tumigil ang balbas saradong 'yon. Nagfocus uli siya doon sa mga players sa loob ng court. Nakakuha naman ako ng lakas ng loob para lapitan si Marco. Kinuha ko muna ang white towel na binaon ko para sa kanya bago ko siya lapitan. "Hey, papayag ka na lang ba na ginaganoon-ganoon lang ng matabang 'yan?" I said, giving his coach a digusted look. He faced me while frowning. "Wala naman akong magagawa eh, Coach ko 'yan." I roll my eyes. I move closer to him. Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin para punasan ang pawis na paiws niyang mukha. "Always remember that no one has the right to define your own abilities. You are not what he is defining you. You are never his own definition of someone who is weak and lame. I continue to wipe the sweat all over his beautiful face. "Never believe his painful words, just trust your own abilities and let it shut him up. Ang dapat mo lang paniwalaan ay ang sarili mo dahil mas kilala mo kung sino ka kesa sa kanya. Mas alam mo kung ano ang kakayahan mo sa basketball kaya imbis na malungkot ka diyan at magmukmok, ipakita mo na lang sa kanya na mali siya. Impress the s**t out of him." Napatalon naman ako mula sa kinauupuan ko nang biglang magsalita si Cygny. "Coach, ipasok mo na uli si Marco! Magaling 'yan, promise!" Huli na nang malaman kong sumunod pala sila sa akin. Humarap naman sa kanya ang Coach at mula sa pagalit na expression ng mukha ay nagbago ito sa sapilitang pag-ngiti. Halatang-halata napipilitan lang siya noong labag sa loob siyang tumango kay Cygny. Pumito muna siya bago nag-sign ng substitution kaya naman pumasok na si Marco uli sa loob ng court. Naupo na kami sa tabi ng court at tahimik na pinapanood si Marco. Katulad ko, patago ding nagdadasal sina Diyes, Magne, Vaeden at Cygny na sana ay maging okay na ang laro ni Marco. Well, to my surprise, para ngang dininig ni Lord ang mga dasal namin dahil sunod-sunod nang naka-three points si Marco. Sa bawat shoot niya ay ganoon na lang kalakas ang hiyaw namin, ganoon na rin ang Coach nila na para bang manghang-mangha sa nasasaksihan niya ngayon kay Marco. Marco turned out to be a beast in the court. Para ba siyang sabik na sabik maka-shoot. Iyong tipong para bang doon nakasalalay ang buhay niya. Sa sobrang galing niya nga ngayon ay naiinis ako kapag nagtitilian ang ibang kababaihan dahil sa kanya. Alam kong wala ako sa lugar para magselos pero hindi ko naman talaga mapigilan! As Marco continued to channel the beast out of him, I heave a sigh of relief. Again, I saved him. I saved him from his negative thoughts. And with that, I will continue to save him from his painful destiny. While smiling, Marco faced me and mouthed the words "Thank you." I smiled back at him and I suddenly feel the butterflies succumbing my stomach. Gushing secretly, I bit my lip to stop myself from smiling more.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD