Episode 21

2535 Words
It's Wednesday afternoon. Hindi kami sabay-sabay na umuwi ng grupo dahil busy kaming lahat sa kanya-kanyang sinalihan na clubs. Sina Vaeden at Magne ay umuwi na dahil wala naman daw gaanong ganap ang Photography Club. Si Diyes ay sobrang busy dahil sa mga pinapagawa sa kanya ng Journalist Club. Halos hindi na nga namin siya nakakasabay umuwi araw-araw, eh. Ang paliwanag niya lang, katatapos lang daw kasi nilang mag-conceptualize ng theme for this year's school newspaper, nandoon na sila sa part na gumagawa na ng content. Tiyak na mas magiging busy sila next week kasi kailangan nilang i-cover ang lahat ng games pati na rin ang booths at events na mangyayari. Samantalang si Marco, halos gawing buhay na ang basketball. Busy siya sa pag-te-training. Hindi na rin namin siya nakakasabay umuwi dahil sa trabaho siya dumidiretso after ng training niya. Ako naman, busy sa Cooking Club na sinalihan ko. Katatapos lang namin kahapong pagkasunduan ang mga pagkain na iluluto namin. Since patok na patok sa mga ka-edad namin ang Korean dishes, iyon na ang naisipan naming concept sa menu ng booth. Ang booth ay magmunukhang Korean Eatery. Para magmukha talagang Korean iyon, nagpagawa din kami ng uniporme na traditional clothes ng mga Korean. Lalo tuloy akong na-excite. Ang kikitain ng booth ay mapupunta sa napili naming charity. Iyon ang rason kung bakit lalo akong na-motivate na gawin ang best ko para sa event na 'to. Gusto ko rin kasing makatulong. Dahil malapit kami sa mga matatanda, napili naming ibigay na lamang ang malalakap naming pera sa Home for the Senior Citizens. Matatagpuan iyon malapit sa school. Ang charity na 'yon ay naglalayong bigyan ng tirahan ang mga matatandang iniwan ng mga kamag-anak. Nang makita ko nga sila noong minsang pagbisita namin doon, hindi ko maiwasan ang maluha. I promise myself that time na never mangyayari 'yon sa parents ko. Kahit na maghirap pa ako, hindi ko sila iiwan. No one deserves to be left behind. Most especially, if it's the one who brought and raise you in this chaotic world. Medyo nahirapan pa nga kami noong una kung paano pagkakasyahin ang pera ng club. Hindi naman kasi gaanong kalaki ang ibinigay na fund sa amin ng school, eh. Mabuti na lang talaga at we are fortunate to have a crazy rich kid Club President. Dahil kulang na kulang ang pera namin, siya na daw ang bahalang magdagdag ng lahat ng kulang sa expenses. Basta masunod lang daw ang napag-usapan namin, wala daw siyang pakialam sa kung magkanong pera ang kailangan niyang ilabas. Well, that is how crazy rich Stephanie Vidallion is. Mapapa-sana all ka na lang talaga. Noong una, akala ko ay mataray siya. Napaka-outspoken niya kasi pero as days passed by, natutunan ko na ring masanay sa ugali niyang 'yon. Kahit naman ganoon siya, sobrang galing niya pa ring mag-lead sa amin. 'Yung tipong kaya niyang solusyunan ang malaking problema namin in just a few seconds. "So, are we all clear?" She asks while roaming her eyes at us. I nod slowly. Katatapos niya lang kasing isulat sa whiteboard ang mga dish na iluluto namin sa Monday. Pati na rin ang mga gagawin namin on that specific dates of the Foundation Week. "Wait, Steph. How about we add kimchi para complete 'yung Korean experience ng customers natin?" Tanong ni Cath. Sumang-ayon naman ang lahat sa kanya. Si Cath Martinez talaga ang pinakaunang naka-close ko sa club. Ang bait niya kasi tapos sobrang approachable pa. Siya 'yung unang kumausap sa akin at nag-invite na sumali ako sa club. Mabuti na nga lang talaga at natagalan niya ang pagka-suplada ko that time kasi kung hindi ay hindi ako mag-eenjoy nang ganito ngayon. Nagtaas kamay si Harper. "Ako nang bahala sa kimchi. Gagawin ko na agad 'yan mamaya para pwede nang kainin sa Monday." I nod slowly again. As usual, audience lang naman ako lagi. Hindi ko talaga kasi feel na makipag-debate sa kanila. Lalo na kung alam ko namang kaya nila ang kanilang desisyon. Kumbaga, go with the flow lang ako. Para hindi hussle. Para safe. Si Harper naman, huli na noong malaman kong she is Vaeden's childhood friend. Siya 'yung normal na High School girl na mahilig sa KPop. Name one Korean song at nakakasiguradong kilala niya ang artist ng song na 'yon. Adik na adik talaga siya sa Kpop to the point na nakakatakot na. One time nga, pumunta kami sa bahay nila para i-try magluto ng isang Korean dish. Nagulat na lang kami nang pumunta kami sa kwarto niya, puno kasi 'yon ng mga pictures at posters ng members ng BTS. As in. Para ngang hindi na niya iyon kwarto, eh. Parang kwarto na iyon ng souvenirs niya from her fave K-Pop idols. Ang dalawa pang kasama namin ay sina Rafael at Veronico. Ang dalawang ito naman ay parang aso't pusa lagi. Lagi silang hindi magkasundo pero mabuti na lang at nasasaway agad sila ni Steph. Actually, hindi talaga dapat sila sasali dito pero dahil sa nililigawan nila si Steph, napilitan silang sumali. For which is a good thing kasi dahil sa kanila, naging official ang club. Hindi kasi ito magiging official kung apat lang ang members. "Okay, are we finally clear?" Sambit muli ni Steph. Tumango kaming lahat. Wala naman kasi talagang dapat na asikasuhin, eh. Kasadong-kasado na talaga ang lahat ng dapat naming gawin, kumbaga, ang hinihintay na lang namin ay ang dumating na ang Monday. And I am really looking forward to that. *** Nagpaalam na ako sa kanila. Umuna na akong lumabas dahil napag-usapan namin ni Marco na sabay kaming uuwi ngayon. Wala daw kasi siyang pasok sa trabaho plus, nami-miss niya na rin daw kasi ako. I smile. Iba na talaga ang epekto sa akin ni Marco. Kahit biro niya, tino-totoo ko na. Natatakot tuloy ako na sa kaka-assume ko nang kaka-assume, ako lang iyong masaktan sa huli. Noong makarating na ako sa park ng school ay agad na bumungad sa akin ang nakaupong si Marco. He is on his plain white shirt and a blue jersey shorts. I smile when I saw his rubber shoes. It's Stephen Curry's. Gustong gusto niya kasi ang sapatos na ganoon kaya ibinili ko siya noon. Wala na akonh pakialam kahit maubos pa iyong ipon ko. I was about to walk towards him when Cygny suddenly arrived. She directed her way quickly to Marco. Kaya ako, natigilan. Pinanood ko sila. Cygny is standing infront of Marco na napatayo pa noong unang mga segundong dumating siya. Hindi nila ako napansin, siguro ay dahil madilim na ngayon. Tanging iyong headlights na lang kasi sa tapat nila ang nagbibigay liwanag sa buong paligid. Teka nga, bakit ba ako natigilan? I shrug and chose to move my feet again. I am smiling genuinely as I am about to call their names but . . . "I like you, Marco." Sambit ni Cygny. Natigilan na naman ako. Naglaho ang ngiti ko. I am now blinking as I continue to stare at their direction, asking if I heard Cygny right. Sa istura ni Marco, halatang hindi niya iyon inasahan. His mouth is agape and I fight myself to shove away the pinch of pain I felt from my heart. "But, I don't expect anything from you." Cygny added. "I just want to let you know. Kasi nakakabaliw na iyong saya kapag kasama ka. Gusto ko lang na ipa-alam na sa kabila ng lahat ng mga nangyari sa 'yo, may tao pa rin na kayang magmahal sa 'yo . . ." I saw her chest to go up and down slowly, "and that's me. Marco, that's me." "Cygny . . ." Ang tanging nasambit ni Marco. Malala ang buntong hininga ko habang patuloy silang pinapanood. Moments of silence after, I saw Cygny to gravitate her feet away from Marco. Wala akong narinig mula sa kanilang dalawa. Pero naguguluhan ako. Wala nga ba akong narinig o pinili kong walang marinig dahil ang sakit sakit na? Marco was left there. Sitting alone. Looking confused and happy at the same damn time. And I was there, witnessing it. I was there, torturing myself just by staring at his smile. Tumalikod na ako. Obviously, I have to go. I have to give them the space that they deserve. I know Marco will follow Cygny. His smile is telling me that he will. But I was about to walk away when I heard him speak a few meters from me, "Margot?" I swallowed hard. Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Hindi ko alam kung papaano ko siya haharapin kasi all this time, naiinis ako sa sarili ko. Bakit ba ako nagkakaganito? Bakit nga ba ako nasasaktan, eh wala namang kami? He is all free to be with anyone else he wants because there was never an us. "Kanina ka pa diyan?" Ang saya sa kanyang mukha ay nagdulot ng kirot sa puso ko. Ngumiti ako nang pilit bago umiling. "Kadadating ko lang." He heaved a sigh of relief, it's as if he is thanking God that I never heard them but the truth is I heard it all, loud and clear. Bumuga pa muna uli siya ng hangin bago muling nagsalita. "Pauwi ka na? Sabay na tayo." Haf-heartedly, I nod. Kahit na gusto kong lumayo muna sa kanya kasi ang sakit sakit na, tumango pa rin ako. Sadista ako sa sarili ko, eh. Bakit hindi ko pa sagarin ang lahat ng sakit ngayong araw, 'di ba? Para isang bagsakan na lang. Para isang iyakan na lang ang lahat. Habang naglalakad, walang umimik sa aming dalawa. Hindi ko alam kung bakit. Siguro kasi masaya siya kaya nakalimutan na niyang kasabay niya ako? O . . . siguro sobrang lungkot ko lang kasi nasaktan ako? Naguguluhan kasi nasaktan ako kahit wala namang kami? Napatigil kaming dalawa noong marating na namin ang gate. That moment, the breeze of air started to be real cold. It will rain. But why am I loving it now? Wasn't I supposed to get mad because my recently rebonded hair will be ruined because of it? Ah, alam ko na . . . Kasi ginawa ko naman 'to para kay Marco. Para mapansin niya ako. Kahit nagpaka-indennial ako, umasa ako. Umasa ako na baka sakali, magustuhan niya rin ako. But life happens. Kaya useless na 'to. Ano pang silbi ng pagpapaganda mo, kung binalewala ka lang naman ng pinagpagandahan mo? Then, there was thunder. It roared loudly but I suprising didn't flinch. Siguro kasi manhid na ako sa kirot na nararanansan ko ngayon kaya kahit na ang magulat ay nawala sa akin? Puro siguro, kaya nasasaktan, eh. "May payong ka?" He faced me with his playful smile on. Kahit na mayroon ako ay umiling ako. Gusto kong maligo sa ulan. Gusto kong may maramdaman na iba. Gusto kong lamigin. Nang sa gayon, baka makalimutan ko iyong sakit. Kasi, ang sakit-sakit na. Ang hirap-hirap na. "Wala na yata tayong choice. Kailangan nating maglakad nang umuulan." He mumbled then turned his gaze at me. "Okay lang sa 'yo?" I look away then nod. Words seem to leave my mouth. Lumakad na lang ako. Nilagpasan ko siya. Pero maya-maya ay naramdaman kong sumunod na siya at sumabay na rin sa aking lumakad. Gusto ko sanang mas bilisan pa ang paglalakad para hindi niya ako maabutan. Pero ano ba naman kasing laban ng maliit na ako sa mahabang legs niya? Then the rain started to fall. It was heavy just like my feelings right now. Bigat na bigat ako sa nararamdaman ko. Bigat na bigat ako pero bakit? Bakit ako nabibigatan gayong wala naman akong karapatan. Hindi sa akin si Marco. Walang kami. Walang kami. Walang . . . kami. Sana, ganoong kadali nga lang ang lahat. Sana, madali lang ang lahat kagaya ng kung papaano ko madaling nabitawan ang salitang walang kami. Soaking wet, I halted my feet from walking when I heard Marco speak. He is walking behind me. "Margot," Without turning my head on him, I answered "Uhm?" "I have one question for you and I want you to answer it honestly." Pabigat nang pabigat ang paghinga ko. "Go on." "May nagugustuhan ka ba ngayon?" I paused for a minute. Bakit? But for some reasons, I lied. "Wala." Oo, ikaw. Nakarinig pa muna ako sa kanya ng buntong hininga. Wala na namang umimik sa aming dalawa. We are just standing there, in the middle of the rain, waiting for nothing. Without thinking about it, I decided to mumble something that I know will hurt me. "Ikaw? May nagugustuhan ka na ba?" Kasabay ng malakas na pagdagundong ng kulog ay ganoon rin kalakas ang pagtibok ng puso ko. Dahil sa kaba. Dahil ayokong madurog pa lalo. Dahil baka ang i-sagot niya sa akin ay "Oo." "Oo." Mabilis niyang sagot. Bigla akong napakurap. Nanghihina ang tuhod, nagsimula na akong makaramdam ng pagkahapdi sa aking mga mata. "Do you like Cygny?" I ask again as I pursed my lips. I don't know what forced me to ask that question to him. Ipinikit ko ang mga mata ko, taimtim na nagdadasal na sana ay "Hindi" ang isagot niya. Kasi ang selfish ko. Kasi ayokong masaktan. Pero ang gulo. Bakit ang selfish ko kung wala naman akong dapat ika-selfish? Hindi siya sa akin. Walang kami. Ang sakit. Halatang natigilan siya nang ilang segundo bago sumagot. "I like her demeanor." There was enthusiasm on his voice. That sound of happiness that I know I can never give to him. From that moment, my heart completely breaks into pieces. From that moment, I already know that Marco is inlove with Cygny. From that moment, I started to cry. Kasabay ng malakas na pagbuhos ng ulan ang tuloy-tuloy na pag-agos ng luha mula sa mga mata ko. I closed my eyes and took a deep breathe before I face him. It took me a few seconds to finally face him. Sinubukan kong ngumiti nang masigla. "Good. Bagay kayo." He smiles at me with the same playful smile he always show me. But, I continue to cry without him knowing my pain. Mabuti na lang at umuulan ngayon. Hindi niya makikita kung gaano ako nahihirapan na masaya siya sa iba. Hindi niya mararamdaman iyong nakakamatay na kirot sa puso ko kasi hindi ako iyong taong kayang makapagpasaya sa kanya. These past few days, lagi kong sinasabi sa sarili na 'wag umasa. Dahil iba si Marco sa akin. I was just an average girl while he is an alpha. Naintindihan ko naman 'yon. Tanggap ko 'yon. Pero bakit ang sakit pa rin? Nagpatuloy lang ako sa pangiti sa kanya habang patuloy na sinasakop ng malamig na panahon ang kalungkutang namamayani sa buong katawan ko. That time, it's quiet and all I can hear is the loud noise caused by raindrops but my heart screams the loudest pain and all I can do is to just fake a smile. ××× Author's Note: *abot tissue; guffaw* Casts sina Cath Martinez at Stephanie Vidallion ng "Who Killed Agatha?" at "Who Married Cath?" kaya kung hindi mo pa 'yon nababasa, basahin mo na! Anyways, thoughts about this Episode? Comment it down! I wanna know your opinion! You may also tweet your thoughts by using the #AfterMyDeathTomorrow and also, by tagging me (@VChesterG). Thank you!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD