Episode 22

2624 Words
Few days after, I continue to hide the pain and my feelings towards Marco. I go back to my usual self. The same Margot who fake her smile just to hide the pain. Ni isa sa grupo, walang nakahalatang gusto ko si Marco. Inaasar pa nga nila si Cygny kay Marco everytime na magkakasama kami. It's as if sobrang saya nila dahil magiging couple ang kaibigan nila. They are clueless with how I feel. Hindi nila alam na habang ginagawa nila iyon, nadudurog ako. Na habang ngumingiti sila dahil kina Marco at Cygny, may Margot na gusto nang umiyak dahil sa kirot ng dibdib. Well, I don't really blame them. Bagay naman kasi talaga si Marco kay Cygny. Ang delusional ko lang kasi nasasaktan ako kahit wala naman talagang namagitan sa amin ni Marco. Today's Monday and this is the first day of the Intramurals and the foundation week. Alas-singko ako ng umaga pumunta sa school para mag-ayos ng booth namin. Eight o'clock in the morning kasi 'yung exact time na magbubukas lahat ng booth dito. Kaya alas siyete pa lang ay all set na dapat kaming lahat. Isang oras ang lumipas, nagdagsaan na rin ang mga students. Ang sayang pagmasdan ng school ngayon dahil sa mga booths, it's screaming in colors. It's like I'm in an amusement park. Kaliwa't kanan ang mga booth na nagbebenta ng mga pagkain. Kasabay kasi ng booth namin ang required activity ng mga college students ng Marketing at HRM. Iyon ang dahilan kaya't punong puno ang pwesto namin ng mga nakakagutom na amoy. Oh my my my, oh my my my I've waited all my life Ne jeonbureul hamkkehago sipeo Oh my my my, oh my my my Looking for something right Ije jogeumeun na algesseo I am now standing with my pink hanbok as I write the order of our customers. The song Boy With Luv by BTS is playing on our speaker. We assigned Harper with the music since siya naman talaga ang fan ng Kpop Music. At hindi kami nagkamali na siya ang naassign para gawin 'yon. So far, nakakagana ang mga kantang pinili niya. Nagrereflect tuloy 'yung kanta sa energy namin. Iyon ang rason kung bakit mas lalo kaming ginaganahan. I want something stronger Than a moment Than a moment love I have waited longer For a boy with For a boy with luv Umupo ako sa cashier area matapos kong maibigay ang papel na naglalaman ng orders. Kaming dalawa ni Steph ang na-assign para magsulat ng order at kumuha ng payment ng mga customers. Sina Veronico at Harper naman ang nakatoka sa pagluluto. Samantalang sina Cath at Rafael ang siyang bahala sa pag-serve ng mga order sa seats ng mga customers namin. It's lunch time kaya sobrang dami naming customers ngayon. The people became too massive that I never expect it to turn out like this. Chaotic began to be the theme of our booth. Although this is kind of hard pero hindi ko na ininda pa ang pagod. The face of the ones who will benefit to this fund motivates me to work my hardest. This is after all for them and the least that I can do is to not fail them. We promise them that we will work our hardest. "Pabili po, Aling Fersiphina." Naputol ako sa iniisip ko nang marinig ang isang pamilyar na malakas na boses. Nang ituon ko ang tingin sa kanya, ganoon na lang ang pag-ngiti ko nang makita ko ang ngiting-ngiting mukha ni Magne. Kasama niya sina Cygny at Vaeden. "Ang busy naman ng ate girl natin." Pabirong sambit ni Cygny. Ngumiti ako sa kanya at saka nagbiro. "Oo, ang liit lang kasi ng fund na ibinigay niyo sa Club namin. Kaya kailangang kumayod nang sobra." She pouts. "Hindi naman kasi ako ang may karapatang magsabi ng fund na ibibigay sa inyo eh, baliw. Kung ako lang ang Principal, ibibigay ko talaga sa inyo lahat." Ang cute niya talaga. No wonder Marco liked her. Great, Margot. How can you move on when you still can't let go of your defeat? I mentally shook my head and just laugh. I am afraid that it might sound awkward. Noong i-dinako ko ang tingin kay Vaeden, doon ko lang napansin na itinitutok niya pala sa akin ang camera niya. I frown at him. "Vaeden." I warn him. Kinukuhanan na naman niya siguro ako ng stolen photos. At magigising na lang ako kinabukasan na ako na pala ang cover photo ng Group Chat namin! Loko loko talaga. Mabuti na lang at kinutusan siya ni Magne. Halos matawa ako nang malakas nang napapangiwing hinaplos ni Vaeden ang ulo niya. Nagpa-cute pa siya kay Magne at umaktong humihingi ng kiss doon sa parteng kinutusan niya. Itong dalawang 'to talaga. Maya-maya pa'y nakarinig ako ng sinasadyang pag-ubo kay Steph kaya naman bigla akong natauhan. Medyo humahaba na pala ang pila nang dahil sa mga baliw kong kaibigan. Hindi ko na namalayan. I almost panic. "Ano bang order niyo?" Napansin din siguro nila ang pagpapanic ko kaya't sumagot agad sila nang sabay-sabay. "Ikaw nang bahala." Unsure, I nod quickly then write down "Galbi", "Bulgogi" and "Bibimbap". Siguro naman ay magugustuhan nila 'yon. Kahit anong pagkain naman ang i-handa sa kanila ay kinakain nila. Bahala na. Matapos kong magsulat ay ibinigay ko na kina Harper at Veronico ang mga sinulat ko. Sinabihan ko na rin sina Magne, Vaeden at Cygny na pumuwesto sa bakanteng lamesa. Ilang minuto din ang nakalipas ay nakarating na rin ang order nila. Habang nagsusulat ako ng orders ay patago ang pagsulyap ko sa kanila. Inoobserbahan kung nagustuhan ba nila iyong pagkain. Napansin yata iyon ni Magne. Nag-thumbs up siya sa akin. Napansin rin iyon nina Vaeden at Cygny. Ginaya nila si Magne habang punong puno ang bibig na nakangiti sa akin. I smile at them sincerely, nawala ang pagod ko dahil sa ginawa nila. Mga twenty minutes silang kumain bago nagpasyang lumabas na. Dahil busy ako, I just wave at them as they goes outside of our booth. Kasabay naman ng paglabas nila ang pagpasok ni Diyes. Hampas ang inabot niya kina Magne at Cygny. Base kasi sa narinig ko sa kanila, pinaghintay sila nang matagal ni Diyes. Siguro ay plano talaga nilang pumunta dito nang sabay-sabay kaso dahil busy itong si Ben 10 sa pag-cover ng iba't ibang booths ay nakalimutan na niya ang tungkol doon. Napailing ako habang natatawa, I am so grateful of having them. This is what I like with our friendship, we support each other's passion. We are our own fuel of each other's ambitions. Kahit na busy sila sa kanya-kanyang ganap, nakuha pa nilang maglaan ng oras para suportahan ang bagay na gusto ko. Wala nang pila. Naging matumal na ang pagdating ng tao. Dumiretso sa akin si Ben 10 habang hinahaplos ang braso niyang pinagdiskitahan nina Magne at Cygny. "Abugbog, Ben 10?" Natatawang sambit ko sa kanya. I'm immitating the viral meme "Abugbog, Berna". He flashed me a small smile. "Paghanda mo na nga lang ako. Ano bang masarap sa menu niyo? Icocover ko kasi para sa content ko." Hindi ko alam pero hanggang ngayon, nagugulat pa rin ako kapag marami siyang sinasabi. Sanay kasi ako na puro one word lang ang sinasabi niya! "Oh! Are you from The Gazette?" Steph asks him with exclamation. It's as if she's waiting for him for a long time. Diyes blinks at her then turn his gaze on me. His gaze is asking who the hell is Steph. I know him, ayaw niya nang may sumasabat kapag may kausap siya lalong lalo na kung hindi niya naman kilala ang sumabat. 'Suplado' is the right term for Ben 10. I chuckle. "She's Steph, our Club President." He nods at me and then turn his gaze on Steph who is now smiling widely like she's planning something. "I'm Diyes, nice meeting you." "Nice meeting you too, gandahan mo ang review sa Club namin, ah." She winks. From that moment, I get it. Gusto niyang gandahan ni Diyes ang content ng cover niya sa Club namin para maraming sumali next year. Siniko niya ako nang patago kaya napilitan akong dagdagan ang sinabi niya. "O-Oo nga, Ben 10. Gandahan mo naman ang review sa booth namin, magkaibigan naman tayo!" From knitted brows, nagbago ang expression ng mukha niya. He flashed me a small smile again. "Sure." Ilang saglit pa ang lumipas ay inutusan na ni Steph sina Harper at Veronico na magluto na. Ipinaluto niya lahat ng nasa menu. Sinubukan kong pigilan siya dahil hindi naman mauubos ni Ben 10 lahat dahil hindi naman siya gaanong kalakas kumain. Sa grupo namin, siya lang ang hindi patay gutom. Pero nagpumilit si Steph kaya wala na akong nagawa. Sasaluhan ko na lang siguro siya. Dahil alas-dos na at wala nang gaanong tao, umupo na ako sa inuupuan ni Ben 10. Magsasara na rin kasi kami ng booth after niyang kumain. Hanggang two thirty o'clock ng hapon lang kasi talaga mag-o-operate ang booth since ang binebenta namin ay good for breakfast and lunch lang. Ibinigay na namin sa ibang booth ang menu na babagay sa oras ng miryenda. Maya-maya pa'y dumating na rin ang mga pagkain sa table ni Ben 10. Nagulat pa siya noong una. Akmang ibabalik niya ang ibang pagkain pero pinigilan ko siya. Kaya ko naman kasing ubusin ito at saka libre 'to, 'wag na siyang umarte! Nagsimula na kaming kumain habang siya ay natatawa nang patago dahil sa katakawan ko. Thirty minutes after, ang mga bowl na punong puno ay nagmistulang bagong hugas dahil sa linis nito. Halos wala ngang bakas na pinagkainan ito eh. Punong puno ang tiyan, hindi ko naiwasang mapalakas ang dighal. Sa lakas noon ay napatingin sa akin si Ben 10. He is blinking as if a kid. Iyon tipong batang namangha dahil sa ginawa ng kanyang kalaro. "Sorry." I laugh awkwardly. "It's okay." He said silently then I focused myself on his cheeks. Bakit namumula 'yon? I just shrug the idea of it. Kinuha ko na lang ang mga pinagkainan namin. Dinala ko ito kina Cath at Rafael na busy sa paghuhugas ng mga ginamit nina Harper at Veronico sa pagluluto. Ang maghugas kasi ang isa pang task na nakalaan para sa mga naka-schedule na mag-serve ng food for today. Bumalik na ako kay Ben 10. "Wala ka na bang ibang gagawin ngayong araw?" Tumango siya. "Yes, itong booth niyo ang last task ko for this day." He blinks innocently. "Why?" "Ngayon 'yung game nina Marco, 'di ba?" Sambit ko sa kanya. He blinks. "I almost forgot, buti na lang pinaalala mo. Tara?" I nod at him. Nagpaalam muna ako saglit sa kanya para magpalit ng damit. Ilang minuto lang ang ginugol ko at bumalik na rin ako sa kanya. *** Nang makarating na kami sa gymnasium ay punong puno na ito. Ito kasi talaga ang pinaka-inaabangan ng lahat ng students sa school namin. Karamihan sa mga nanonood ay mga babae at hindi naman 'yon nakakapagtaka. Malamang, ang iba sa kanila ay nanonood para lang sa crush nila. Mga good looking guys kasi ang karamihan sa members ng HUMSS at STEM Boy's Basketball Team na naglalaro ngayon. Nasa third quarter na nang makarating kami. Tanaw na tanaw ko mula sa kinatatayuan ko si Marco na pawis na pawis habang naglalaro. Tumingin ako sa paligid para hanapin ang mga kaibigan namin. Dahil sa mala-mikropono ang bibig ni Magne ay malinaw ko siyang narinig. Nandoon siya sa gilid ng mga benches, sa likod ng mga players. Napailing ako dagil sumisigaw siya nang malala. Ang mas malala pa nito, sa ibang team siya nag-chi-cheer. Nandoon kasi ang crush niya. Gagang 'to talaga. Hinila ko ang kamay ni Ben 10. Bigla siyang napabitaw mula sa pagkakahawak ko na para bang nakuryente sa ginawa ko. "Sorry." I mumbled. Ngayon lang nag-sink in sa akin ang ginawa ko. Bigla siyang umiling at ngumiti. His smile is wider than earlier. "Nabigla lang ako." Hindi ako handa noong siya naman ang humawak ng kamay ko. At hinayaan ko lang siya. Nang makalapit na kami kina Magne ay umupo na kami ni Ben 10 sa tabi nila. Tumingin ako sa score board at nakita kong isa lang pala ang lamang ng STEM Team kung nasaan si Marco laban sa HUMSS Team. Mukhang dikit yata ang laban nila. Nagpatuloy ang laro. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Wala naman kasi akong alam sa larong 'to! Ayoko namang magtanong kasi baka mag-mukha akong noob! Pero base sa pag-kakarinig ko sa players na nakatayo sa harap namin, ginugulangan daw ng kalaban si Marco? Kung ano man iyon, hindi ko alam. Nang matapos na ang third quarter ay lamang ang team HUMMS ng limang puntos laban sa team nina Marco. Marco messed up his game the moment when the HUMMS crowd intimidated him. Hindi pa rin talaga tumitigil ang mga tao sa pag-gamit sa kanyang nakaraan para sirain ang laro niya. All over the gymnasium, I heard words that I know will pain Marco the most. Words like r****t, worthless, son of a murderer, and the likes are flying around the place. Ako ang mas nasasaktan para kay Marco. Bumuntong hininga ako. I have to do something. Kinuha ko ang malinis na towel mula sa bag ko. Nagpasalamat akong nakalimutan ko itong gamitin kanina. Then I found my feet gravitating to him. Ngayon ay nakaupo siya sa bench habang nakapatong ang kamay niya sa kanyang noo. Halata ang labis na pagkadismaya sa sitwasyon niya. Noong nasa harap na niya ako ay akmang tatapikin ko sana ang kanyang balikat nang marinig ko si Cygny. She is standing from afar on my opposite direction. "Marco!" Iniangat ni Marco ang ulo niya. For a moment, I saw the pain from his eyes. But it was too quick to fade when he met Cygny's eyes. Otomatiko siyang napangiti. Sa harap ko. Sa mismong mukha ko. Hindi niya ako napansin. Ako 'tong malapit sa kanya pero sa malayo pa rin siya nakatingin. Well, wala naman akong magagawa. Hindi ako ang gusto niya. He will never notice me whenever Cygny is around. Lumakad na lang ako nang dahan-dahan papalapit kay Cygny, papalayo kay Marco. Mabigat ang bawat paghakbang ko. Katulad ng pagbigat ng hininga ko dahil sa namumuong kirot sa puso ko. Inabot ko kay Cygny ang dala kong towel. Ngumiti siya sa akin matapos niyang abutin ito. Noong mapatingin uli ako kay Marco, doon lang niya napansin na nasa harap niya lang pala ako. Pilit akong ngumiti sa kanya at saka muling tumalikod. Nagsimula na akong humakbang habang nararamdaman kong nadudurog na naman ang puso ko. Unti-unti ko na namang nararamdaman ang masaklap na kirot nito. 'Yung kirot na nakakapanlambot ng tuhod. 'Yung kirot na walang band aid na makakapaghilom. Habang nakatungo, sinubukan kong maglakad na para bang okay lang ang lahat. Na para bang hindi ako nasasaktan. It's becoming a habit now. Faking my feelings habit is now growing on me and I can't help it. Natigil ako sa paglalakad nang may nakabangga sa akin. Halos matumba ako pero mabuti na lang at may umalalay sa akin. Tumingala ako para tignan kung sino ang taong ngayon ay nakaalalay sa akin. "Okay ka lang?" Tumambad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Diyes. Ngumiti ako nang pilit sa kanya at saka muling sumulyap kina Marco at Cygny. Ngayon ay kitang-kita ng dalawa kong mga mata kung paano naging masaya si Marco habang pinupunasan siya ni Cygny ng pawis. Halatang nanumbalik na ang sigla na laging mayroon siya-- siglang tanging si Cygny lang ang makakapanumbalik. Hindi ako. Sino bang niloloko ko? Muli kong binalik ang tingin kay Diyes. "Oo, okay lang ako." Bumuntong hininga ako at saka ngumiti uli sa kanya-- this time, my smile is bitter. No, I am never okay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD