Episode 11

1454 Words
Noong makalabas na sina Marco at Vaeden mula sa canteen, dumiretso sila papunta sa building ng classroom namin. It was then when I realized that they are about to direct their way behind it. With heavy feet, I followed them. Walang nagsasalita sa kanilang dalawa. Vaeden is walking before Marco. Swear, seeing them like this made me feel awkward for the both of them. Kapag kasi magkasama ang dalawang ito dati, puro kalokohan ang kanilang ginagawa. Ngayon? Parang hindi sila minsang naging matalik na magkaibigan. Hindi nga rin sila papasang magkakilala, eh. They stopped when they reached the back of the building. While I lean my back against the concrete wall. Ready to eavesdrop and do something if ever Vaeden is up to something stupid again. I can never let him hurt Marco. Never again. "Mabuti naman, pinansin mo na uli ako." Marco said, hindi ko sila makita. Pinili kong huwag silang silipin. "Ano ba kasing problema? Bakit bigla ka na lang lumayo?" Wala siyang sagot na nakuha mula kay Vaeden. "Huy," he repeated. But still, there was no reponse from Vaeden. That was the moment I chose to peek. Nakita kong nakatayo silang dalawa. Nakapatong ang kamay ni Marco sa balikat ni Vaeden. Samantalang si Vaeden, nakakuyom ang kamao. Nakatungo ang ulo. I can sense that right now, he is dangerously fuming with a sliver of sadness from his eyes. "Ano pang rason sa pag-dala mo sa akin dito, 'tol, kung hindi mo rin naman pala ako sasagutin." Napakamot sa ulo si Marco. "Labo mo naman--" "Sorry," Vaeden finally said after seems like forever of silence. Marco blinked. Obviously clueless of what Vaeden was apologizing for. "Sorry," nabasag ang boses ni Vaeden, "sorry." Nagsimula siyang humikbi. "Sorry, 'tol." Marco put his both hands above Vaeden's shoulder. "Sorry saan?" He is still blinking with a hint of curiosity, "Ano bang nangyari? May ginawa ka ba--" "I was the one who posted your private video." Natigilan si Marco. Napabitaw kay Vaeden. Nakaawang ang bibig niyang tinitigan ang matalik na kaibigan. "Ano?" Natitigalgalan niyang sagot. Umalon ang adam's apple ni Vaeden. Nakatungo pa rin, hindi niya magawang tignan ang malapit niyang kaibigan. Dati. Malapit na kaibigan dati. "I was the reason why your private video went public--" Napahawak ako sa bibig nang biglang dumampi ang kamao ni Marco sa pisngi ni Vaeden. Malakas iyon. Sa lakas noon ay natumba si Vaeden sa lupa. Napalunok ako ng laway noong makita ko ang pag-linya ng dugo mula sa gilid ng kanyang labi. "Bakit?" Ang tanging nasambit ni Marco. His eyes are flashing the anger that he is bottling up for a few days. "Bakit sa lahat ng tao sa mundo, ikaw pa? Ikaw pa na best friend ko ang makakagawa sa akin n'on?" Dinuro niya ang napapangiwing kaibigan. "f**k you! You don't know how much mess you have brought me!" Napasabunot siya sa kanyang buhok. Damang dama ko ang pang-gigigil niya dahil sa inis. Inis at galit. Pinaghalo. Kapag nagsama? Poot. Poot. 'Yan ang kasulukuyang nakikita ko kay Marco. Para ba siyang aktibong bulkan na bigla na lang sumabog. Nakakatakot. Mapanganib. With tears flooding his eyes, he continued, "The f**k, 'tol?! How could you do that to me?! Thought you won't be a bad blood. We're inseparable as you always quote, pero ano 'to?" Suminghal siya. "Inseperable your ass." Lumapit siya kay Vaeden. Marahas na hinila ang kwelyo. Itinaas niya ang kamao. Handang idampi iyong muli sa mukha ng kaibigan. On cue, I obliged to stop him. Kasi kung hindi siya hihinto, lalo lang lalaki ang problema. Kapag nagpatuloy ito, maaaring harapin niya ang suspension. Worst case scenario, mawawala siya sa varsity. If that happens, mawawalan siya ng full scholarship. If that happens, lalo lang madadagan ang problema niya. I was about to go between them when I was halted by Vaeden's sudden voice. "Violet is my girlfriend." Natigilan si Marco. Kasabay ng pagbuga ko nang malalim na hininga. "Ginawa ko 'yon para makaganti." Tinititigan ni Vaeden si Marco. Walang emosyon ang kangyang mga mata. He has had enough, I can tell by the way he looks right now. Inalis niya sa pagkakakapit sa kanyang kwelyo ang mga kamay ni Marco. This is his moment to push Marco away from him. Marco didn't budge. He stepped backwards while still staring at his friend. He was shocked. Completely shocked. "Kasi 'tol, masakit dito eh," tinuro ni Vaeden ang kanang dibdib, "sobrang sakit dito, 'tol. Hindi ko kaya 'yung sakit. Gusto kong alisin 'to kaya ko iyon nagawa. Gusto kong manakit. Gusto kong ipasa 'yung sakit sa iba. Kasi 'tol, ang tangina na nung kirot dito, oh." Dire-diretso ang paghikbing nagpatuloy siya, "Nakakaubos. Nakakawala ng sarili. Nakakamatay. Tangina, 'tol. Nakakamatay na 'yung sakit." "Kaya . . ." He balled his fist as he took a deep breath. Marco's mouth is still agape by his sudden revelation, "masisisi mo ba ako kung ikaw ang nasa kalagayan ko?" Walang naisagot si Marco. Bagkus, nakita ko na lang na tumakbo siya papalayo kay Vaeden. Nanghihina. Kasabay ng nararamdaman ko ngayon. Nanghihina. Nanghihina na sa mga nangyayari sa buhay niya. Kailan ba matatapos ang problema niya? Bumuga ako ng malalim na hininga. Namalayan ko na lang na dinadala ako ng mga paa ko papunta sa direksyon kung saan tumakbo si Marco. Hindi na inalintana pa ang pagkagulat ni Vaeden noong madaanan ko siya. I look for Marco. He is nowhere on my sight. Saan siya pumunta? Hinanap ko na siya sa class room namin pero walang Marco akong nakita doon. Dumiretso rin ako sa mga rooftops, pero still, I was rewarded with Marco's absence. Now, I am directing my way towards the school gymnasium. Kung wala pa rin si Marco doon, hindi ko na alam. He must've gone outside and that might be a massive problem. Well, for me. Noong makapasok na ako sa loob ng gymnasium ay ganoon na lang ang pasasalamat ko sa lahat ng diyos sa itaas. I saw Marco. Sitting at the middle of the basketball court. His biceps are above his knees. His face is facing the floor. His polo is lying on his side while balls of basketball are sitting everywhere. Napalunok ako ng laway noong marinig ang mahihina ngunit makirot sa dibdib niyang mga hikbi. Lungkot. Inis. Galit. Poot. Pagsisisi. Those are the ingredients of the sobs that is currently playing as the protagonist to his life right now. Ang sakit niyang pakinggan. I found my feet gravitating myself towards him. Every step that I take seems so heavy for me to take in. Kasi 'yung paghikbi ni Marco, nakapapanghina, eh. Nanghihina ang mga tuhod ko. My heart is breaking by the sound of it. Naupo ako sa kanyang tabi. Maybe, a few inches away from him. I took a deep breath and just let him sob there as if there's no tomorrow. As if this is the last time he will ever sob this painful. Noong mag-angat siya ng mukha ay halatang-halata ang pagkagulat sa kanya. Staring at my face with his tears continuing to avalanche down his cheeks, his sobs grew by his prudence of my presence. Tumingin ako sa kanya. Malungkot na ngumiti, wala akong masabi. I just continue to sit there and started to caress his back. "Margot," he said in between of my sobs, "do I deserve this? Do I have to deserve this?" Nagsimulang manuyo ang lalamunan ko. I was holding my tears. Ayokong umiyak sa harapan niya. I want to be his source of strength, me crying infront of him is not a useful idea right now. I shake my head. "No one deserves it." "Eh, bakit ako 'yung pinili ng tadhana para sa tanginang mga problemang 'to? Bakit kailangang ako pa? Bakit ako na naman? Bakit ako lagi?" Napalunok ako. Anytime, mapapaluha na rin ako. Ang hirap magpigil ng luha sa taong kagaya ni Marco. Kasi hindi ako sanay na ganito siya. Iyong mahina. Iyong malungkot. Iyong anytime, susuko na. "Hindi ko ba deserve maging masaya dahil lang anak ako ng kriminal? Kailangan ko ba talagang pagbayaran iyong kasalanan ng tatay ko dahil ako 'yung nandito? Ako 'yung nandito pa?" He wiped his endless tears using the hem of his shirt. "Tangina, Margot. Ang unfair naman n'on." May ilalakas pa pala ang paghikbi niya. "Ang s**t s**t lang ng nangyayari. Napaka-s**t. Putangina." I bit my lips to avoid my sobs. I found myself hugging him. He didn't flinch. He hugged me back as I felt his tears on my arms. Hindi ko na masukat iyong sakit sa aking dibdib. But suddenly, with flooded tears on my eyes, I saw figures. It came from the entrance of this gymnasium. They are walking towards us. Wait. I blink my tears. Magne?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD