CHAPTER #3.

1398 Words
Luna's P.O.V Nag lalakad na ako ngaun papasok ng school tinatamad ako gusto ko nalang mahiga sa bahay at mag basa ng w*****d ang kaso baka batuhin ako ni Mama ng tambo. "Ah!" Inda ko nung may nakabanga ako. Napahawak ako sa braso ko kasi tumama sa matigas na bagay. "Sorry po, okey kalang?" Tanong ko sa babae na napaupo dahil sa bang gaan naming dalawa, may dala pala siyang libro kaya pala may natamaan akong katigas na bagay. "O-okey lang ako" sagot nito, tinulungan ko siyang pulutin yung mga libro niya at saka tumayo. Kapansin pansin ang magandang itsura nung babae akala mo isang magandang model na lumabas mula sa magazine o kasing ganda ng mga naiimagine ko sa w*****d. Napatingin ako sa uniform niya, napaisip pa ako kung saan ko nakita yung uniform nayun. Teka... "Teka taga CLS high ka?" Tanong nito sa'kin , kumunot ang noo ko at saka tumango nalang at parang gulat na gulat pa siya. "Oo, at ikaw taga Charm Academy ka?" tanong ko at saka tinuro yung uniform niya, ngumiti ito at saka tumango. "Puwede ba akong sumabay sa'yo papunta kasi ako sa school niyo, pupuntahan ko kasi yung ate at kuya kona pansamantalang nasa school niyo" aniya, ang ganda naman ng boses niya para siyang ibon na umaawit nahiya naman ako sa boses ko. "Teka isa kang royal?" Tanong ko. "Oo" sagot nito at saka ngumiti, ano naman ngaun kung royal siya nabangga ko siya hindi ako ang may kasalanan. "S-sige sabay kana sa'kin" sabi ko nalang. Sumunod siya sa'kin at parang nakakahiya kasi naman nag lalakad ako kasama ang isang gold. Pag dating namin ng school nakita ko si Finny at Sebastian na naka tayo sa Gate may kasama silang babae hindi si Hikari yun, sa nakikita ko mukhang masungit yung babae at maganda din hindi na ako mag tataka gold yan. "Kuya Finny, Kuya Sebastian, Ate Rachel" tawag niya kila Sebastian hindi kopa pala alam yung name niya, kapatid siya nila Finny at Sebastian hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako ng sakit sa puso, feeling ko ako ang tumatawag sa kanila ng ganon dati. Nakatingin ako sa tatlo hindi ko alam kung bakit , may pakiramdam sa'kin na gusto ko silang yakapin at umiyak ng umiyak sa bisig nila. "Sorry nag lakad lang kasi ako at saka hindi ko alam dito, kaya , 'yun naligaw ako, buti nalang nakasalubong ko siya dito rin suya nag-aaral" Sabi nito at tumingin sila sakin. Nag iwas nalang ako ng tingin . Sana nag thank you nalang siya hindi yung titingin pa sila sa beauty ko. "H-Hi" Sabi ko nalang kasi nakakatakot si Sebastian. "Mabuti nalang" Sabi ni Finny at ningitian niya yung kapatid nila, ang bait talaga ni Finny sigurado akong napakabait din niyang kuya at maalaga base sa nakikita ko maski naman kasi sa school kahit kanino mabait siya wala siyang paki kahit pinapalibutan sila ng mahihirap na tao dahil nasa publix school sila. "LLLLLuuuuunnnnnaaaa!!!" Sigaw ni Lily at saka umakbay sakin, nagulat pa ako sa sigaw niya. Hindi pa ako nasanay dati pa naman ganito to eh. "Hoy! ang aga aga ang ingay mo" saway ko. "He he, ang ganda kasi ng gising ko" ani nito, bumuga nalang ako ng hangin at suko na sa isang 'to. "Tara pasok na tayo" yaya nito at saka na ako hinila papasok, tama papasok nalang kami wala namang magandang magaganap dito sa labas. Pag pasok namin sa gate lumingon pa ako sa apat, nakita kong masaya silang nag uusap at sa hindi malamang dahilan sumakit nanaman ang pakiramdam ko at puso ko, parang may gusto talaga akong gawin. Natapos na ang klase namin ang dami naming ginawang activities at kung anu-ano pa, tapos may group activity pa tapos kagrupo ko si Sebastian tapos, tapos talaga. Nandito kami ngaun sa likod ng school kasama ko yung mga kagrupo ko sila Sebastian at Mike, Clare, Carol lima lang kami. Siyempre hindi ako ang leader kundi si Sebastian hindi kaya sa'kin ipinag kakatiwala ng mga classmate ko 'yung mga gawain dahil alam nila na hindi koyun gagawin. Ako pa. "Luna tumulong ka kaya dito!" Sabi ni Sebastian ikaw bahala jan ikaw nag leader eh, at saka anong alam kojan kahit naman tumulong ako bagsak padin naman ako. "Wag na dahil wala naman maitutulong yan sa'tin" Sabi ni Clare, see alam na alam nila na wala talaga akong dulot mag kakasama kasi sila naka circle at ako may sariling mundo nahiga at pasarap lang. Ayaw ko talaga ang nakikihalubilo sa kanila kagaya ng sabi ni Left naiiba ako sa kanila kaya naman hanggat kaya ko itatago ko ang tunay na ako kaya naman umiiwas ako para hindi ko malabas ang tunay na ako. "Luna ano ang full name mo?" Tanong sakin ni Sebastian pero hindi ko siya sinagot. Mayamaya ay dumating yung group nila Finny at Akira at tumabi sa group namin. Hindi ko sila pinansin hinayaan ko nalang sila bahala sila kung ano ang gusto nilang gawin. "Okey nato" Sabi ni Akira , walang sinabi ang mga kagrupo hundred percent pasado pala kasi matatalino ang mga gold. "Luna ano ang full name mo?" Tanong ulit sakin ni Sebastian pero hindi ko siya ulit sinagot. "Mukhang may problema kayo diyan, Sebastian?" Sabi ni Finny "Wala to" cool na pag kasabi ni Sebastian Tssk! hindi bagay bakit kasi nandito pa sila dapat bumalik na sila sa school nila hindi sila bagay dito. Hindi ko alam kung bakit pero naiinis ako kanina pa sa kanila. "Luna serenity Hanabishi, yan ang full name niya!" Sigaw ni Lily na nasa grupo ni Akira. Nagulat si Finny at Sebastian nong narinig nila yung pangalan ko. "Finny, Sebastian parehas pala kayo ni Luna ng last name" Sabi pa ni Lily. Tong babae nato sasakalin kona talaga ito eh, namumuro kana Lily. Hindi nalang sila nag salita tatahiin ko talaga 'yang bibig mo Lily, alam ng lahat na ayaw kong tinatawag ako sa full name ko lalo nayung last name ko pero dahil meron akong kaibigan na demonyo kapatid ni satanas ayun. "Lily masmaganda kung name ko nalang ang sinabi mo hindi nayung last name ko" inis kong sabi, hindi na ako nakapag timpi bumangon na ako at umalis alam na alam talaga niya kung paano ako inisin. Naiiba yung last name ko sa Kuya ko at parehas kami ng last name ng dalawang royal nasi Sebastian at Finny, nakakainis dahil Hanabishi ang last name ko palagi akong out of place hindi ako belong dito dahil naiiba ako, hindi lang ang last name ko kundi ang pagkatao ko hindi ko alam kung saan ako tumubo, ayaw kong maniwala sa mga sinasabi ni Left pero yun daw ang totoo. Sebastian's P.O.V Luna Serenity Hanabishi? "Lily bakit ganon ayaw niya yun kaparehas niya ng last name sila Finny at Sebastian" ani ni Akira. Bumuga ng hangin at umiling si Lily na kaibigan ni Luna. "Dati payan, ayaw niya sa last name niya kasi hindi niya katulad ng last name ang family niya" Sabi ni Lily "Bakit naman, maganda ang last name namin at nag mula sa Royals bakit ayaw niya?" Tanong ni Finny. "Hindi ko alam si Luna nalang ang tanungin niyo, please" sabi ni Lily Nung unang araw namin dito kay Luna Serenity na agad napunta ang tingin ko may naramdaman akong kakaiba sa kanya feeling ko nakita kona siya dati kaso hindi kolang alam kung saana at kailan, basta nung una kong kita sa kaniya parang gusto ko nalang siyang yakapin bigla. "Bukas nalang uli tayo gumawa" Sabi ko at saka na ako tumayo at umalis. Kapag nakikita ko siya parang ang gaan gaan ng pakiramdam ko sa kanya, at gustong gusto ko siyang kasama ang kaso ayun sa mga classmate niya weirdong babae daw 'yan si Luna Serenity kaya pinaiiwas nila kami sa kanya, well hindi naman talaga sila nag kamali. "Tapos na ang klase namin gusto kong mag ensayo ngaun" narinig kong Sabi ni Luna nakita ko siya nasa garden, Napadaan kasi ako sa garden tahimik kasi at gusto kong mag isip hindi kasi siya maalis sa isip ko simula nong unang araw na makita ko siya. Nakita ko si Luna na nakaupo sa tabi ng magagandang bulaklak at yung kasama niya. Nanlaki ang mga mata ko at nagulat sa nakita ko, tama ba ang nakikita ko si Luna kasama niya si Left *******
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD