Sebastian's P.O.V
"Bakit may Problema ba?" Rinig kong tanong ni Left sa kanya, nag tago ako sa isang makapal na halaman 'yung santan para hindi nila ako makita pero nag tataka parin ako bakit kasama niya si Left mag kakilala sila?
"Wala nabangit nanaman kasi yung last name ko nakakainis bakit kasi ayaw pa ni Mama na palitan yung last name ko Para naman nila akong hindi anak" Sabi ni Luna.
"Sinabi ko na huwag nilang palitan dahil 'yan ang patunay na ikaw nga ang anak ng Mahal na Reyna at hari, na ikaw ang kanilang Prinsesa" nagulat ako sa narinig ko , kumunot ang noo ko at medyo naguluhan paanong siya si Luna? Nakinig pa ako ng unti.
"Ah! basta lahat gagawin ko para mapalitan last name ko at saka puwede ba huwag munang babangitin sakin 'yan yung Hari at Reyna. Wala akong pake sa mga gold na nilalang nayan! Kung anak nga nila ako bakit nila ako tinapon at hinayaan ano yun hindi ako tanggap sa palasiyo dahil prinsesa ako katulad ng mga napapanood ko sa tv!" galit na sabi ni Luna at saka na umalis.
Nag laho nadin si Left kaya naman tumayo na ako, si Left ang guardian ng kapatid kong si Luna. Ayaw kong paniwalaan ang mga narinig ko dahil malabong mangyari yun , ang gusto ko nalang malaman kung bakit si Left ay nakay Luna at bakit ganito ang pakiramdam ko kapag nakikita ko si Luna.
"Masasagot lamang yang tanong mo pag nakausap muna si Left" nagulat ako sa nag salita nayun tumingin ako sa likod nakita ko si Rachel at si Finny.
"Aaminim kona Simula nong nakita ko siya palagi kona siyang minamanmanan, hanggang sa marami na akong nalaman tungkol sa kanya" Sabi ni Rachel
"Mahirap paniwalaan pero dikaya siya yung kapatid natin" Sabi ni Finny, bumuga ako ng hangin kasi alam kong hindi mangyayari yun at malabo hindi siya si Luna.
"Impossible, nakita na natin si Luna" tama nakita nanamin si Luna , at kasama nanamin ang prinsesa namin kaya imposible na meron pang isang Luna.
"Si Luna lang , si Left sabi niyo may pangako si Left na binitawan sa harap ng mga magulang niyo na kahit anong mangyari hindi niya pababayaan si Luna kaya nga niya sinundan si Luna nong tumawid na si Luna sa lagusan" Sabi ni Rachel, kumunot ang noo ko habang nakatingin kay Rachel alam kong galit siya kay Luna.
Tama siya pero paano kung nagkamali lang si Left O di kaya..... Ayaw kong mag salita muna hindi pa namin alam kung ano ba talaga ang nangyayari , nito kasing mga nakaraang araw may mga weirdong bagay din ang nang yari, nag sisilabasan nadin ang mga Darker kaya mahirap gumalaw lalo na nasa paligid lang sila anytime na gusto nila na sumugod gagawin nila at ang mission namin ay ang hindi madamay ang mga taga Mortal dahil labas sila sa away ng Domino at Dark world.
"May naisip na ako para malaman ang totoo" Sabi ni Rachel
"Gagawa tayo ng paraan para malaman natin ang totoo" sabi pa Rachel, Tumingin lang ako sa kapatid ko ang totoo ayaw ko sa lahat ng plano niya dahil laging delikado pero mag titiwala ako this time dahil baka matulungan namin si Luna kung sakaling mapatunayan na nag mula din siya sa Domino at may kakaibang kakayanan.
Luna's P.O.V
"HETO NA! AQUA RIPPLE!"
Nag tatraning ako ngaun kasama si Left, hindi ko gustong lumakas, si Left ang may gusto non at saka naging libangan kona din naman ito kaya sulit din.
"Okey ngaun magic mariposa!"
Nag transform ako bilang Isang napagandang mariposa malaki yung pakpak ko kulay blue na may kumikinang kinang at saka yung damit ko Parang bulaklak na rose.
"Humanda kana Left heto na ako;" Pinataas ko ang mga bato gamit ang isip ko at saka ko binato kay Left pero sisiw na sisiw lang sa kanya. Kaya sumugod naman ako gamit ang mga ugat.
"Hindi pa ako tapos!" Bumalik na ang dati kong anyo "ito naman ngaun fire sword!" lumabas agad sa kamay ko ang nag aalab na spada.
Inabot na kami ng gabi sa pag tatraining grabe nakaka pagod.
"Aamin na ako nag improve ang magic mo Parang lumakas ka ngaun kaysa dati" Sabi ni Left.
"Totoo? hindi ka nag bibiro?" masaya kong pag kasabi.
"Oo, bumalik na tayo sa bahay maligo kana amoy pawis kana" Sabi ni Left at saka nag lakad na paalis.
Lumakas daw ako yes!!!! Pero parang may mali.
Naliligo na ako angun , pero malalim ang iniisip ko iniisip ko kung sino ba talaga ako at anong kapangyarihan ang meron ako At anu ano pang bagay, oo hindi ako naniniwala sa mga ganitong bagay pero gusto kona ding malaman dahil nakakapagod ang umiwas sa mga mortal.
Pilit kong inaalala kung sino ba talaga ako at bakit ako may kapangyarihan.
Sumasakit na ang ulo ko kaiisip pero bakit ganon blangko parin, hindi ko parin mahanap sa utak ko kung sino ba talaga ako at saan ba talaga ako nag mula At bakit ako may kapangyarihan.
"Luna bumaba kana dito, kakain na tayo!" tawag sakin ni Mama, Kaya nag madali na akong magbihis nang sinuot ko yung damit ko nang may biglang nahulog yung kuwintas ko.
Emerald necklace
Bata Palang ako na sa'kin na ang kuwintas nayun nong nag twelve na ako hinubad ko yung kuwintas nayun at saka tinago nalang dahil nainis ako sa mga kuwento ni Left sa'kin about sa tunay kong pag-katao.
Natapos na kaming kumain ako ang mag huhugas ng plato ngaun, si Kuya naman ginagawa niya yung project niya.
Nang natapos na akong mag hugas umakyat na agad ako taas at pumasok na ako agad sa kuwarto ko, pag pasok ko agad akong humiga sa kama at saka ko kinuha yung Emerald necklace sa bulsa ko at pinag masdan ito.
Mayamaya ay pumasok si Left kaya tumayo ako.
"Left Satingin mo ano kaya ang mangyayari kapag sinuot ko uli to?" Nagulat si Left sa sinabi ko. Kasi nagalit siya noon nung hindi kona ito sinuot at pilit niyang pinasusuot ulit sa'kin.
"Mabuti kung ganon" Sabi ni Left at saka ngumiti, hindi pa ako sure kung susuotin ko ulit yung kuwintas nato. Galit ako kung sino man ang magulang ko kasi bat nila ako tinapon kahit na pinaliwanag na sa'kin ni Left ang lahat lahat galit padin ako.
"Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday, happy birthday, happy birthday to you"
"Happy birthday Luna, ito ang gift ko sa'yo" Sabi ng Reyna at inabot niya sa bata na may pangalan na Luna ang isang box.
"Wow, thank you po" Binuksan ng bata yung box at natuwa ang bata sa kaniyang nakita.
"Wow! Emerald necklace" masayang pag kasabi ng bata.
Bigla akong nagising bumilis ang t***k ng puso ko napatingin nalang ako sa bintana nong bumukas ito nakita ko si Left na nakatayo doon .
"Luna serenity hanabishi"
*************