CHAPTER #5.

1445 Words
Luna's P.O.V Nag lalakad na ako ngaun papasok sa school, kasabay ko ulit si Kuya pero tahimik lang ang ate ninyo kasi medyo mainit ulo ni Kuya kasi pinatawag nanaman siya ng subject teacher ko sorry kuya ko. Pag dating ko sa classroom, tumingin ako saga classmates ko habang nakatayo sa pinto at nag tataka kung bakit ang tahimik, nag lakad ako lahat sila may kanya kanyang mundo nag babasa o di kaya nanonood , naka headset nakikinig ng music. Pag pasok ko biglang dumating si Ma'am Dragon sabay sigaw. "Kayong lahat tara sa garden" Sigaw ni Ma'am. Kinagat ko ang pang ibabang labi ko at tumingin kay Ma'am Dragon tinaasan lang niya ako ng kilay at saka inirapan sabay alis. Sasabunutan ko talaga ang teacher nato kung hindi lang bawal manabunot ng teacher. Wala ng nagawa din ang mga classmates ko kundi ang sumunod, well ang garden kasi namin ang palaging nanalo sa paligsahan kaya naman alagang alaga talaga yung garden namin. "Ang init" reklamo ko, grabe araw araw ba nan halos dito na kami nag kaklase tapos mamaya mag papaquiz at kami namang mga studyante na walang natutunan kundi mag garden ano naman ang isasagot namin sa quiz, yung pag tatanim? "Bhess!tiis lang matatapos din to" tumimgin ako kay Lily , well hindi ako katulad niya na mahilig sa ganito kasi ako talaga walang hilig sa pag tatanim. "Hindi kona kaya!" Sigaw ko wala kasi si Ma'am dragon. Kami kami lang iniwan ba naman kami ante. "Ano kaba ang ingay mo" Sabi ni Lily sakin. At saka ako hinila paupo , busy ang lahat sa pag sasaayos ng garden kaya wala din akong nagawa kundi ang sumunod din. Padabog akong nag bunot ng d**o , bakit ba kasi araw arawmay damong tumutubo sabagay mahirap naman talagang patayin ang masamang d**o. "Ako na ang bahala sa pag didilig ng mga bagong tanim" tumingin ako kay Akira nung marinig ko iyon , sang ayon naman ang lahat pinag masdan ko si Akira halata sa kaniya na wala siyang alam sa garden paano ba naman isa siyang gold. Pero nakikita ko yung paggamit niya ng powers niya na tubig. Hindi ito nahahalatan ng lahat, hindi kodin alam kung paano nilang gawin na hindi nalalaman ng iba na gumagamit sila mg magic, lagot talaga sila kapag nakita sila ng mga yan viral talaga sila sa internet. "Ang galing niya pero para sakin mas magaling ka parin, Luna Serenity" Sabi ni Lily, umiling nalang ako at saka hindi siya pinansin, nakita din niya yun kasi si Lily lang din ang nakakaalam kung sino ba talaga ako. Hindi dahil kaibigan ko siya kaya sinabi ko sa kaniya kundi dahil may tiwala ako sa kaniya kaya sinabi ko. "Lily, alam mo hindi pa ako nag uumagahan kaya tumigil ka" Sabi ko at saka ko bumalik sa pag gagamas. "Teka nag sasabi lang naman ako ng totoo ah, bakit ba kasi ayaw mo" aniya at saka sumimangot. "Tumigil ka nga" binalik ko yung tingin ko kay Akira, aaminin kona namamangha din ako ako sa ginagawa niya. Alam moyun ang malaman na hindi lang ikaw ang naiiba sa mundo mg mortal , may kasama kadin palang special sobrang saya kaya non. Sa garden nanamin ginugol maski amg second subject namin hanggang sa nakaramdam na ako ng gutom , gutom nayung alaga ko sa tiyan. "Lily may pagkain kaba diyan?" tanong ko kay Lily. "Wala, kainin mo 'yang d**o kung nagugutom ka" sagot lang nito sakin. "Ayan malapit ng matapos , basta tulungan lang ang lahat mananalo ulit tayo!" Sabi ni Ma'am dragon, mag tulungan kaming lahat kasama siya? wala nga siyang ginawa kundi mag paganda at saka ano nanaman tong ayos niya ngaun naka ipit ng dalawa yung buhok niya yung ipit pang bata at saka naka headband ng tenga ng Pusa. "Okey oras na para kumain diba Finny?" Aniya at nag pacuta pa kay Finny , grabe hindi bagay hindi na siya bata. "Oo naman , diba lahat tayo nagugutom na diba?" sabi ni Finny. Masaya kaming lahat ako tumalon panga sa saya dahil gutom na talaga ako, gusto konang kumain mamatay ako sa gutom kapag hindi pa ako kumain. "Ang sarap kumain kapag gutom na gutom ka" Sabi ko nandito na kami ngaun sa canteen yung section lang namin ang nasa canteen dahil nataon na may pasok yung ibang section kaya sulo namin yung canteen. Tapos na kasi yung recess time. "Luna huwag kang kakain ng marami" paalala ni Lily, ngumiti ako habang kumakain. "Yes Ma'am" Sagot ko. "Okey , para matapos nanatin ang trabaho para sa susunod hindi na sa garden ang bagsak ninyo, naisip kong bumuo ng grupo" Sabi ni Ma'am. "Grupo?" Takang sabi ng isa kong classmates, ano nanaman kaya yung nasa isip ng teacher namin. "Bubuo kayo ng grupo halimbawa yung isang grupo mag gagamas, yung isang grupo naman mag tatanim, para maganda may grupo ding magdidilig, mag wawalis, mag tatapon ng basura yung ganon" Sabi ni Ma'am. "Ma'am! hindi nanatin kailangan ng grupo na mag tatapon ng basura, nanjan naman si Luna para mag tapon ng basura" Sabi ni Liz, nag tinginan ang lahat sa'kin ito nanaman po siya mag sisimula nanaman. Napa yuko nalang ako sa sinabi niya kasi lalaki pa ang gulo kapag humirit pa ako nag tawanan yung mga classmate ko. "Hoy! babae binabalaan kita hindi basurera si Luna kung gusto mo ikaw nalang ang taga tapon!" sabat naman ni Lily, salamat nalang sa mabait kong kaibigan. "Bakit hindi? diba sa basura naman siya napulot" Sabi ni Serina, kinagat ko ang pang ibaba kong labi dahil sa sinabi niya. Oo ampon lang ako pero hindi ako ganon pinulot ni Mama at Papa. "At sino naman ang nag sabi sa'yo?" Tanong ni Lily. "Eh! sino pa yung Kuya niya halata naman na ayaw sa kanya ng kuya niya kasi lahat ng secreto ni Luna sinasabi samin ng kuya niya" Sabi ni Serina, Nagulat ako sa sinabi ni Serena, Oo galit ako kay Kuya kaya minsan hindi kami mag kasundo pero hindi naman chismosa si Kuya hano. Pag mag kunwento ng talang buhay alam kong may ginawa sila. Hindi nalang ako nag sasalita naka yuko nalang ako tinakpan ko ang tenga ko kasi naririnig ko ang mga boses ng mga classmates ko na pinag uusapan ako. "Hindi totoo yan!" Sigaw ni Lily "Alam mo Lily hindi ko alam kung bakit ka nag titiyaga diyan kay Luna" ani ni Liz. Ayaw kona hindi kona mapigilan ang sarili ko nagagalit na ako bumibilis na ang t***k ng puso ko gustong lumabas ng isa sa mga kapangyarian ko. Kumuyom ang kamao ko kaunti nalang mawawala ako sa control hindi puwede baka kasi kung anu ang magawa ko. "Wala kayong alam tungkol Kay Luna!" Sigaw ni Lily, kaya napatingin ako sa kaniya, pilit niya akong pinag tatanggol. "Kaibigan ko kasi si Luna, at mabait siya kahit na shunga shunga siya palagi. Hindi kagaya ninyo na puro mahihina ang target para katakutan" hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa sa palaging shunga shunga na sinabi niya o mainis. "Lily wag kangang magdrama diyan, ang amin lang malas yang si Luna simula palang una kaya nga ayaw namin sa kaniya" ani ni Liz, sang ayon naman ang ilan kong classmates. Hindi kona kaya kaya naman tumayo na ako at saka umalis, hindi kona ma control yung powers ko baka makasakit ako at baka malaman nila na hindi ako mortal kaya natatakot akong ilabas ito sa harap nila. "Luna saan ka pupunta?" Tanong sakin ni Finny pero hindi ko nalang siya pinansin. "Saan pa mag hahanap ng sulok kung saan siya uupo at saka iiyak" Sabi ni Serina at saka sila nag tawanan mag kakaibigan. Napahinto ako sa pintuan at saka humarap sa kanila. "Mag papahangin lang ako" Sabi ko nalang at ngumiti. "Ano kaba Luna wag kanang mag palusot pa" Sabi ni Serina. Nakita kong lumapit si Akira kay Serina at sinampal ito pag katapos si Liz naman, nagulat kami sa ginawa niya natahimik ang lahat. "Classmate niyo siya hindi niyo dapat siya ginaganyan isang pamilya kayo dito kaya lahat dapat kayo pantay pantay" Sabi ni Akira, hindi ko inaasahan na gagawin niya yun , naramdaman ko nanaman na sasabog ang power ko kaya naman umalis na ako tinawag ako ni Finny at Lily pero hindi ko sila pinansin. Pag dating ko sa likod ng school humawak ako sa pader at nag yelo ito, tumingin ako dito mabilis ang pag hinga ko at binalot na ng yelo yung pader kaya bumitaw ako. "Dahil sa nag pipigil ako ng galit kaya gusto mong lumabas" sabi ko pagkatapos non nagpunta ako sa stock room. **********
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD