CHAPTER #6.

1329 Words
Lily's P.O.V Nandito ako ngaun sa stock room pilit kong pinapalabas si Luna pero hindi niya ako sinasagot. Grabe talagang babae to walang awa sa kaibgan. "Nanjan ba si Luna?" Rinig kong tanong ni Akira, sinondan ako nung tatlo. "Bakit? nandito ba kayo para pag tawanan din siya?" tanong ko. "Nag kakamali ka, nandito kami kasi nag aalala din kami sa kaniya" Sabi ni Finny. "Salamat nalang pero mas maganda kung lalayo nalang kayo samin ni Luna Ddahil madadamay pa kayo sa gulo namin" hindi maganda kung nakadikit pa sila sa'min ni Luna hindi naman nila kami kilala. "Wala kaming pakialam sa sasabihin ng iba, sagutin mo nalang ang tanong namin nanjan ba si Luna?" Tanong ni Sebastian , kumurap ako habang nakatingin sa kaniya, grabe siya nakakatakot naman ang isang to. Galit ba siya? "Oo, nasa loob siya ito ang tambayan niya kapag nabubully siya kasi ito sa safe place niya. Ano happy?" Inis kong sabi sa kaniya, kinunutan ba naman ako ng noo at masamang tinignan hindi marunong magong gentle sa babae. "Ano ang puwede naming gawin para makatulong?" Tanong ni Akira, tumingin ako sa kaniya at saka bumuga ng hangin. "Isang tao lang ang makakapag palabas sa kaniya dito" nag dadalawang isip pa ako kung sasabihin ko, pero kasi kapag hindi ko sinabi kahit mag hapon kami dito hindi lalabas si Luna. "Sino? para mahanap namin para makatulong kami" tanong ni Finny. "Doon sa garden ngaun habang walang tao pumunta kayo doon makikita niyo doon ang isang elf, hindi siya nakikita ng normal na tao alam komg kakaiba kayo kaya naman makikita niyo siya sabihin niyo lang nasa storage si Luna alam na niya yun. Wag kayong mag alala mabait yun" "Sige, hahanapin namin siya" Sabi ni Sebastian bakit ba ang samang makatingin non sakin? May galit ba siya sa'kin? Wala naman akong ginagawang masama ah. "Maraming salamat" Sabi ko at saka na sila umalis. Finny's P.O.V "Elf? Bakit may elf ang isang mortal?" Takang tanong ko sa mga kasama ko. "Pare parehas lang tayo na hindi alam" sagot ni Akira. "Nandito na tayo" Sabi ni Sebastian. "So paano natin mahahanap si Left?" Tanong ko. Parang ang hirap paniwalaan na meron elf dito? Paanong nangyari yun? Maliban nalang kung kakaiba din si Luna. "Bakit? ano ang kailangan niyo sakin?" Tanong ng isang babae samin napatingin kami sa kanya. Nagulat nalang ako ng makita kung sino ito, kumurap pa ako ng dalawang beses para masigurado na hindi ako nag kakamali sa aking nakita. "Ako si Left isang Elf mula sa kaharian ng Minyan, sa harap ng Hari at Reyna ng Domino inaalay ko ang aking buhay para sa prinsesa" "Malaki ang tiwala namin sa'yo Left kaya naman wag mong pababayaan si Luna ang nag iisa naming prinsesa" Sabi ni Sebastian "Itataya ko ang buong buhay ko para sa kaligtasan ng prinsesa" pangako ni Left sa harap ng lahat ng royal Family ng Domino. "Ikaw nga" hindi ko napigilan ang sarili kona mag salita, hindi ako maaring mag kamali dahil siya talaga si Left ang tapat na Elf ng aming kapatid nasi Luna Serenity. "Ikaw pala yung Left, mga kaibigan kami ni Luna pinapahanap ka samin ni Lily si Luna kasi-" Hindi natapos ang sasabihin ni Akira ng mag salita si Left. "Binully na naman siya" ani nito na parang hindi ito ang unang beses na nangyari ito. Tumango lang si Akira, umalis nasi Left nakatinginan kaming tatlo at sumunod sa kaniya, hindi ko alam kung pansin nani Kuya nasi Left talaga ang nasa harap namin hindi ko kasi mabasa ang expression niya. Pero anong ginagawa niya dito? "Finny?" tawag sakin ni Sebastian "Bakit?" "Dati kona siyang nakita dito sa school na kasama si Luna pero naguguluhan parin ako kung ano ba talaga ang connection niya kay Luna " ani ni Kuya, sabi na napansin niya din at hindi lang ito ang unang pag kakataon na nakita niya si Left. "Parehas lang tayo ng iniisip pero masmaganda kung siya nalang mismo ang tanungin natin" Sabi ko "Mabuti panga" Nakasunod lang kami kay Left, hindi namin kasi alam ni Kuya kung paano sisimulan ang tanung at alam kong mag tataka si Akira kasi wala naman siyang alam sa nangyari, nagulat nalang kami ng biglang huminto si Left at saka hinarap kami. "1, no one notice she's fake, No one notice her darkness , No one notice her mistake 2, no one notice she's real, No one notice her sadness, No one notice her pain" aniya at saka kami tinalikuran at nag lakad ulit. Nag katinginan kami ni Kuya, dahil parehas kaming walang alam sa sinabi niya. Tumingin kami kay Left at saka sumunod ulit sa pag lalakad "Left-" tawag ko kay Left, dahil gusto konang mag tanong sa kaniya ng bagay bagay. "Alam ko na marami kayong tanong ngaun pero ito lang ang masasabi ko kayo lang din ang makakasagot ng mga tanong nayan, dahil unang tanong palang mali na kayo. Mas naniwala kayo sa mali kesa sa totoo. " aniya , lalong naging magulo ang lahat dahil doon. "Teka naguguluhan ako" "Ang ibig mobang sabihin merong totoo at hindi totoo, at ang pinaniwalaan namin ay ang mali kaya nag kamali kami umpisa palang" ani ni Kuya , taka akong tumingin kay Kuya at binalik ang tingin kay Left. "Tama ka ang mission niyo ay alamin kung sino ang totoo at sino ang nag papanggap bago pa mahuli ang lahat" ani pa ni Left na siyang ginagulat ko "Sinasabi mobang hindi salita ang totoo at hindi totoo kundi tao?" Takang tanong ko. "Kayo ang makakasagot niyan hindi ako, nasa kamay ninyo ang sagot at nasa puso kaya naman kayo lang talaga ang nakakaalam ng sagot" aniya, hindi na kami nag tanong ni Kuya kasi nasa stockroom na kami. "Luna ako to si Left bubuksan kona ang pinto" kumatok si Left. "Maraming salamat sa inyo buti nalang nahanap niyo si Left" ani ni Lily, tumango lang ako sa kaniya at tinignan namin si Left. "Wala yun" Sabi ni Akira. Mayamaya ay nabuksan na ni Left yung pinto at saka na kami pumasok nakita namin si Luna na nakaupo sa gilid at parang katatapos lang umiyak At kumakanta. London bridge is falling down, falling down, falling down London bridge is falling down, falling down, my fair lady. Pamilyar sakin yung mga kanta nayun turo yun ni Mama kay Luna noon. Tumingin samin si Luna yung mga mata niya ang ganda ngunit puno ng kalungkutam at saka ko biglang naalala yung isa sa mga sinabi niya. "No one notice her sadness" Okey na ngaun si Luna nag uwian na , sabay sabay kaming lumabas nila Luna kasi hindi nanamin siya iniwan baka ano nanaman kasi gawin nung bully na babae nayun. "Maraming salamat sa inyo" Sabi ni Luna "Okey lang yun" ani ni Kuya, nag tataka ako habang pinag mamasdan si Kuya parang kasi ang soft niya kay Luna. "Yung kanta mo kanina ang ganda, sino ang nag turo sayo non?" Tanong ko kay Luna. "Hindi ko alam basta kinakanta ko nalang yun pag malungkot ako, sabi ni Mama baka daw turo sakin ng tunay kong mga magulang , hindi ko alam kasi wala naman akong naalala tungkol sa tunay kong magulang kundi ang kanta lang nayun." Aniya, tumango nalang ako at saka ngumiti kay Luna. Habang pinag mamasdan si Luna, nakaramdam ako ng kakaiba sa aking puso. Hindi ko alam pero parang gusto kong yakapin si Luna para akong kuya na matagal nangulila sa aking kapatid na matagal nawalay sa'kin. "Kuya Sebastian, Kuya Finny!" Rinig naming tawag sa'min ni Kuya, pag tingin sa likod nakita namin si Luna nakangiti ito habang palapit sa'min. "Luna, bakit ka nandito?" Tanong ni Akira kay Luna. "Nandito ako para sunduin kayo" Sabi nito at ngumiti. Bigla nanaman pumasok sa isip ko yung isa sa mga sinabi ni Left "No one notice she's fake" Bakit biglang lumalabas sa utak ko yung mga salita nayun, sumasakit tuloy ang ulo ko. At parang ang gulo ng lahat *********
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD