Chapter 20 (Accept)

1085 Words
Cheya Santia "San ka galing? Bigla kang umalis" bungad sakin ni Trimma ng makauwi ako ng bahay. Hindi ko nga alam kung bat pa ko umuwi dito, malay ko ba kung bigla ditong pumunta sila Kuya Ervin. Pero kasi tuwing naiisip ko tong buntis na to, binibigyan ako ng rason para mag stay dito. "Wala, jan lang" tamad na sagot ko. "Tsk. Ikaw ha! Nakipag date ka no?" tanong nya tsaka nya ko sinundan sa kwarto. Agad kong ibinagsak ang katawan ko sa kama tsaka ako pumikit. "First day ko sa university kanina" tipid na sagot ko. Naramdaman ko naman ang paglubog ng kama. "Sabi mo eh. Mukhang pagod ka ha. Papasok ka ngayon sa bar?" Minulat ko ang mata ko dahil sa tanong nya. Hmm... "I need money Trimms, so yes" sabi ko sabay pikit ulit. "Mukha namang mayaman ka ih, bat kaylangan mo pang magtrabaho?" huminga ako ng malalim tsaka ako dumilat at humarap sa kanya. "I'm independent now. Wala akong ibang maaasahan kundi sarili ko. Ginagawa ko to para sa sarili ko and I really need that work." sagot ko sa tanong nya. "Fine. Desidido kana ih" natatawang sagot nya. "Eh ikaw?" nagsusuring tanong ko sa kanya. "Anong ako?" nagtatakang tanong nya sakin. "Well, like what you said to me... nandun yung lalakeng yon. Yung father ng baby jan sa tyan mo" agad naman syang napayuko at parang naiilang sa topic namin. "Y-yah" nauutal na sagot nya. "Anong plano mo?" agad naman syang napatingin sakin. "I don't know Cheya. Wala akong plano. Sa umpisa plano ko lang syang ipakilala kay Mom and Dad then after that tapos na. But now? I don't know" bakas ang kaba sa kanyang mata. "Relax, tutulong ako at gagawa ako ng paraan, okay?" tumango tango naman sya sakin. "Thankyou very much Cheya" nakangiting sabi nya. Tinapik ko naman agad ang balikat nya. "That's nothing. By the way, matulog ka muna jan at kaylangan mong makapagpahinga bago tayo mag trabaho mamaya sa bar. Alalahanin mo yang bata na dala dala mo. Mag papalit lang ako" tumango sya kaya agad din akong tumayo at kumuha ng pambahay na damit. Agad akong pumasok sa cr at nagpalit ng short at t-shirt Nang makapag palit na ko ay agad kong kinuha yung wallet at phone ko sa mesa tsaka ako sumigaw. "Trimms labas lang ako ha?! May bibilhin lang ako!" inantay ko ng ilang segundo bago sya sumagot pero wala. Siguro nakatulog na agad, buntis nga naman. Ngumiti na lang ako tsaka ko kinuha yung jacket sa sofa atsaka ko yun sinuot at lumabas. Pagabi na rin kasi kaya mamaya need na naming pumunta ng bar para magtrabaho. Balak kong bumili muna ng mga needed things and food kahit papano. Yung easy to open and cook lang kasi hindi naman kami laging nasa bahay. May mga kanya kanya kaming ginagawa at syempre yung mga masusustansyang pagkain para kay Trimma. May nakita akong 7-eleven kanina habang pauwi ako, malapit dito. Pwede na siguro don. Habang naglalakad ay narinig kong nag ring at nag vibrate ang phone ko kaya agad ko yung sinilip. Unknown number... Napakunot noo ako pero agad ko rin yung sinagot, baka kasi si Migs na at magbabalita sakin about sa kapatid nya. Nangako sya ih. "Hello?" Nag antay ako ng ilang segundo pero paghinga lang ng tao sa kabilang linya ang naririnig ko. (Baby...) halos kilabutan ako ng marinig ko ang boses nya Kian... "P-Pano mo..." Nanlalambot ang tuhod ko. Hindi ko alam ang gagawin ko, basta natatakot ako! (Please, be mine again. Please Cheya, I'm begging you, please accept me again. Love me again. Hug me like before. Kiss me like you really want to. Be mine again please) nagsipatakan ang mga luha ko ng marinig ko ang pagsusumamo sa boses nya. Anong nangyayare sa kanya? Bakit sya naging ganito bigla? Nadudurog ang puso ko tuwing naririnig ko ang boses nya sa tenga ko at paulit ulit na nag eecho ang tono nyang nagmamakaawa. Hindi ko alam ang gagawin ko, pero isa lang ang nasa isip ko. Hindi dapat ako magpalinlang sa kanya, hindi dapat ako maniwala at magtiwala ulit sa emosyong pinapakita nya. Nililinlang nya na naman ako. Hindi, hindi na ako maniniwala. Umiling iling ako tsaka ko pinunasan ang mga luha ko at agad kong pinatay ang tawag. Huminga ako ng malalim at pilit pinatatag ang sarili. Nakailang minuto pa bago ulit mag vibrate ang phone ko. Hindi ko alam kung sasagutin ko pero sa huli ay sinagot ko din. (Cheya...) this man. I don't know kung anong maitutulong nya sakin pero kaylangan kong maniwala sa sinabi nya. "Migs.." (My sister, she's fine at nagising na sya. So please wag ka nang mag alala pa sa kanya---) "Migs payag na ko." (Hmm?) "Please help me. Payag na ko." ***•••**** "San ka galing?" bungad sakin ni Trimma pagdating na pagdating ko sa bahay. Ngumiti ako sa kanya ng malapad tsaka ko itinaas ng mga hawak kong pagkain. "Namili ako ng pagkain para stock dito sa bahay at para na rin sa buntis---Ahh!" Agad akong napahawak sa ulo ko ng maramdaman ko ang pagbato ng tsinelas sakin ni Trimma. Tignan mo to' sya na nga binilhan ng pagkain sya pa mananakit. Lantakan ko tong mga pinamili ko ih. "I told you to keep quiet. Wag kang bigla biglang nagsasalita about sa pagbubuntis ko." Napahawak si Trimms sa noo nya tsaka sya humarap sa salamin at inayos muli ang make up "Jusko Cheya, aatakihin ako sa puso pag nalaman to ni kuya Rendell" Napakunot noo ako sa sinabi nya. "Kung sya yung makakaalam diba dapat sya ang aatakihin sa puso? Tsk" umirap ako bago similip sa bintana. Binuksan ko ng pagkalaki laki ang bintana tsaka ko inilabas ang ulo ko at agad akong huminga ng malalim sabay sigaw ng "BUNTIS SI TRIMMA LOPEZ!" Buong lakas na sigaw ko. Narinig ko ang malakas na kalabog kasabay ng pagtama ng sunod sunod sa likod ko ng mga make up ni Trimma. "BWISIT KA CHEYA SANTIA! NAPAKA EPAL MO! BUKAS NA BUKAS IBIBILI DIN KITA AGAD NG TICKET AT PABABALIKIN NA KITA SA PINANGGALINGAN MO!" nanggigigil na sabi nya. Natatawa kong iniharang ang braso ko sa mga make up na binabato nya. Agad akong tumakbo sa kwarto naming dalawa ni Trimma, bago makapasok ay muli akong nagsalita. "Don't worry, hindi magpapakita yang kuya Rendell mo ngayon at sa mga susunod na araw. Guilty yon dahil may kasalanan pa sila sakin" huling sinabi ko bago ko isara ang pinto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD