Cheya Santia
"So... a-ahmm... kapatid mo pala yung..." sabay turo ko sa pintong katabi ko.
Nakaupo kami ngayon dito sa upuan sa labas ng private room ng kapatid nya. Si Missy.
Tumango naman sya. Bat parang ang init ng ulo nya ngayon?
"Yeah... she's sick"
Namilog naman ang bibig ko dahil sa sinabi nya.
"Ow... I'm sorry" agad naman syang napatingin sakin habang nakakunot ang noo.
"You didn't do anything... bat ka nag so-sorry? In fact, ako nga dapat ang mag sorry sayo dahil sa abalang dala neto at mag thankyou na rin kasi kung hindi dahil sayo... maybe mababaliw ako kakaisip kung san na naman nagpupupunta ang kapatid ko" seryosong sabi nya.
"Ano ka ba? Wala yon, tumakbo lang naman ako sa gitna ng kalsada para saklolohan sya at halos mawalan lang naman ako ng lakas ng bigla syang mahimatay dahil sa bigat nya nung saluhin ko sya, kaya wala lang yon" sarcastic na sabi ko sabay irap pero may halong ngiti pero agad din akong napakunot noo ng makita ko ang pasa sa gilid ng labi nya.
Dali-dali akong umusog papalapit sa kanya tsaka ko hinawakan ang magkabilaang pisngi nya.
"Shems! May pasa ka, dahil bato don sa nangyare kanina?" nag aalalang tanong ko.
No issue by the way, piling ko lang kasi responsibilidad ko yung nangyare sa kanya. I mean parang ako na rin yung main reason kung bat sya nabugbog kanina.
Nagulat naman sya sa ginawa ko kaya agad syang umiwas ng tingin sakin at agad ding napabitaw ang kamay ko sa mukha nya.
Peke akong umubo dahil sa hiya.
"Wala to, nadampian ko na ng ice pack kanina. Ikaw?" kunot noo akong tumingin sa kanya.
"Hmm?" tanong ko.
"May nangyare bang masama? I mean sinaktan ka ba nya? Pinahirapan?" hindi ko alam pero nakaramdam ako ng pag aalala sa boses nya at pati na rin sa mga mata nya, pero siguro dahil tingin nya kasalanan nya kung bat ako nakuha ng mga tauhan ni Kian.
Ngumiti ako ng pilit dahil sa naalala kong pangyayare kanina.
"I'm fine..." may halong pait sa boses ko ng sambitin ko yon.
"No... you're not" agad akong napatingin sa kanya ng pahidan nya ang pisngi ko gamit ang kamay nya "You're crying Cheya... fuck... this is s**t! How can women like you and my sister--- s**t!" halos manlaki ang mga mata ko ng biglaan nya kong yinakap.
"Migs..."
"Just tell me that you need my help then I'll do that gladly for you Cheya..." halos manlambot ang puso ko dahil sa sinabi nya.
Don ko lang napansin na humahagulgol na pala ako.
Yeah...
He's right... I really need his help. Any help...
I can't fight alone... I can't.
***•••***
Miguel Salazar
(Oh napatawag ka?) sagot ni Lorenze sa kabilang linya.
Napabuntong hininga ako dahil sa naisip kong plano.
"Sisimulan ko na ang plano at kakaylanganin ko ang tulong mo"
Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Lorenze sa kabilang linya.
Ano bang problema ng lalakeng to? Wag mo sabihing may gusto sya kay Cheya?!
(Damn bro. Hindi na ba magbabago yang isip mo? Wala naman kasi talagang kasalanan si Cheya. Wala syang kinalaman sa kagag*hang ginawa ni Kian sa kapatid mo)
Napahilot ako sa sentido ko.
"I know Lorenze, I get your point. That's why I changed my mind. Hindi ko idadamay ang babaeng pinaka iingatan ni Kian, hindi ko idadamay si Cheya at willing akong tulungan sya. Pag tinulungan ko si Cheya, lalayo sya kay Kian at pag nangyare yon, in that way... mas masasaktan si Kian sa paglayo ni Cheya and naniniwala akong sobra syang mahihirapan sa paglayo ni Cheya. I will get Cheya, kukunin ko sya kay Kian. Papasok ako sa buhay ni Cheya. Aangkinin ko sya, her mind and her heart." napangiti ako dahil sa naisip kong plano.
Hindi deserved ni Cheya na masaktan at mahirapan gaya ng paghihirap ng kapatid ko.
Hindi ako gagawa ng pagkakamali gaya ng ginawa ni Kian kay Missy.
I will help her to move on, habang nangyayare yon mananatili lang ako sa tabi nya.
***•••***
Cheya Santia
"Water?" napatingin ako kay Migs ng iabot nya sakin ang tubig.
Andito kami ngayon sa cafeteria sa baba, sa hospital pa din.
"Thankyou" ngiti ko sabay kuha ng tubig.
Agad naman syang umupo sa harapan ko.
"Atually, pwede ka ng umuwi Cheya. You should take a rest at mukhang pagod ka na. Ihahatid na kita sa bahay mo---" agad kong pinutol ang sinasabi nya.
"Wag mo kong alalahanin, gusto ko ring malaman kung okay na yung kapatid mo" nakangiting sabi ko sa kanya.
"Bat kaylangan mong maging ganito ka bait?" naiinis na tanong nya.
Napakunot noo naman ako.
Wait up, normal lang naman ang ginagawa ko. I mean kahit sino naman gagawin ang ginawa ko. Wala rin naman akong ibang ginawa kundi tulungan ang kapatid nya. Well, that's just normal thing to do.
"What?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
Umiling iling naman sya.
"Nothing. Wag ka ng mag alala sa kapatid ko. Babalitaan na lang kita at kaylangan mo na rin magpahinga. Ihahatid na kita" seryosong sabi nya na agad ko namang inilingan.
Tatayo na dapat sya pero agad ko syang pinigilan gamit ang mga tanong na binigkas ko.
"Pano mo nakilala si Kian? Anong koneksyon mo sa kanya?" seryosong tanong ko staka ko itinuon ang tingin ko sa kanya.
Nakita ko naman ang pag igtingan ng panga nya.
"Cheya..."
"Please tell me... hindi ko na rin kasi alam kung sino ba ang dapat pag katiwalaan ko sa hindi. I just... I just can't take a risk. Mahina ako Migs, mahina ako" napabuntong hininga sya bago nya napagdesisyunang umupo ulit sa harapan ko.
Seryoso nya kong tinitigan habang pauli ulit na nag iigtingan ang panga nya na parang nagpipigil sa kung saan.
"Just trust me okay? I need your trust Cheya" seryosong sabi nya.
Agad naman akong napa irap sa kawalan.
"How can I trust you? Pano kita pagkakatiwalaan kung alam nating pareho na hindi natin kilala ang isat isa. Hindi ko alam ang plano mo Migs pero wala akong pake don, all I want is to know if kalaban ba kita o hindi. Just tell me, nasa side kaba ni Kian?"
"Hell no Cheya!" naiinis nyang sagot.
"Then what?" naiirita ko rin na tanong.
"I'm on your side, from now on... you can trust me Cheya"
"W-What?"
Walang sabi sabi ay bigla nya kong hinawakan sa kamay staka nya ko inatak palabas.
Nang makalabas ay agad syang pumara ng taxi.
Nang may humintong taxi sa harap namin ay agad syang humarap sakin tsaka nya ko hinawakan sa magkabilang balikat.
"Listen to me. I really wanna help you and protect you, but ofcourse, first of all I need your trust Cheya. Put your trust on me. Be mine then I'll help you." seryosong sabi nya.
"Migs wait up naguguluhan ako"
"I'll wait for your answer. Kapag nakapagdesisyon kana then contact me asap. But for now, you really need to go. Kaylangan mo ng makapag pahinga" agad nya kong tinulak papasok sa loob ng taxi.
"Migs---"
"Take care, see you tom sa school." sabay ngiti nya sakin tsaka sya humarap sa taxi driver "Manong please mag ingat po kayo sa pagdadrive" ngumiti ulit sya sabay sara ng pinto tsaka sya tumalikod at dire diretsong naglakad papasok ng hospital.
What's with him?
I... I actually didn't get his point.