Cheya Santia
"Baby..." kumalabog ang puso ko ng marinig ko ang boses na yon.
Hanggang kelan ko ba katatakutan ang lalakeng to? Hanggang kelan ba ko mangangatog kahit marinig ko lang ang napakalamig nyang boses?
"You okay?" halos mabingi ako sa narinig ko sa tanong nya.
Pinag lalaruan nya ba ako?!
Naiirita akong lumingon sa kanya.
"What do you think Kian?! Ha?! Okay pa ba ako sa paningin mo?! Then tang ina ka!" sigaw ko sa kanya tsaka ko pilit na inasikaso ang sarili ko tsaka ako tumayo ngunit hindi pa ko nakakapaglakad ng dalawang hakbang ay bigla nya kong hinawakan ng mahigpit sa kamay.
Halos kilabutan ako ng maramdaman ko ang kamay nya sa kamay ko.
"San ka pupunta?" seryoso ngunit napakalamig na tanong nya sakin.
Napalunok ako tsaka ko agad na binawi ang kamay ko.
"Uuwi malamang" nakakaasar na sagot ko.
Anong tingin nyang gagawin ko matapos nya kong gahasain?! Mag stay pa dito?! Mag sumbong sa pulis?! Ow well, hindi ako tanga para magsumbong sa kinasasakupan nila.
Baka imbis na makatulong sila ay maging sanhi pa sila ng kapahamakan ko.
Oo nandidiri ako sa sarili ko at gusto kong humagulgol na lang magdamag pero kilala ko si Kian. He don't give a f**k kahit lumuha ka pa ng dugo dyan as long as nakuha at nagawa nya ang gusto nya.
Imbis na sayangin ko ang luha ko sa kanya, ililigtas ko na lang ang sarili ko. Hindi pa naman katapusan ng mundo.
"Hindi ka aalis dito, walang uuwi" seryosong sambit nya.
This time nilabanan ko na ang mga tingin nya sakin.
Pilit kong pinatatag at pinalakas ang loob ko.
"Uuwi ako Kian" nakita kong nag igtingan ang panga nya sa sinabi ko na parang hindi nya talaga nagustuhan.
Well I don't care.
"Ano pa bang gusto mo ha?! Nakuha mo na sakin yung kailangan mo diba?! And I hate you for that! Hindi ako tanga o siraulo o baliw para hindi ka iwan sa ginawa mo! Ano sa tingin mo?! Magse-stay ako sayo?! Walang magse-stay sayo! Walang makakatiis jan sa ugali mo! Demonyo ka Kian! Baliw ka na! Kung sa tingin mo makukuha mo ko sa pera mo at sa pwesto mo sa lipunan pwes nagkakamali ka! Isang pagkakamaling nakilala kita at dumagdag pa tong nangyare satin!"
Huminga ako ng malalim staka ko pinunasan ang mga luha ko. Hindi ako mahina, hindi ako magiging mahina lalo na sa harap nya.
"You forced me! Pinilit mo ko! At hinding hindi kita mapapatawad dahil don! Oo mahalaga sakin ang katawan ko at ang puri ko pero nakuha mo na eh! Kinuha mo! Pero hinding hindi ko hahayaan na pati buong pagkatao at atensyon ko ay makuha mo din! I hate you! And I tell you Kian, hindi na kita mahal! Tapos na tayo matagal na panahon na at umaasa akong natatandaan mo pa!---"
"Hindi ako pumayag sa pakikipaghiwalay mo Cheya---"
"Then f**k you for that! Gusto mo ikaw lang ang may karapatang mag desisyon sating dalawa?! Pag ayoko na sayo! Ayoko na! Hindi mo ko laruan Kian! Matapos mong umalis ngayon babalik ka para kunin ang lahat sakin at sirain ako?! Pwes kung tingin mo nasira na ko then dream on Kian! Hinding hindi ako magpapakasal sa isang katulad mo! Kaya habang maaga pa, sabihan mo na ang angkan mo na walang Cheya Santia na dadalo sa engrandeng kasal na ipapatupad nyo! Cause I hate you and it will last forever!" huling salitang sinabi ko bago ko sya talikuran at iwan dong seryoso at nagbabaga ang mga tingin. Agad kong nilisan ang lugar na yon.
This is the last time na aapak ako sa mansyon na to. Kung san naranasan ko ang impyerno.
***•••***
(Nasan ka ba? Gusto mo ipasundo na lang kita kay kuya?) nag aalalang tanong ni Trimma.
Agad naman akong napairap dahil sa sinabi nya.
No way.
Isa pa kasi yung traydor nyang kuya. Sinasabi ko na nga ba at kakilala nya si Kian.
Ngayon tuloy ay hindi ko na alam kung sino-sino ang pwede kong pagkatiwalaan.
"No need Trims, papara na lang ako dito ng taxi tas kita na lang tayo jan sa bahay" kalmado kong sabi.
Basta ang tanging gusto ko lang gawin ngayon ay makalayo sa lalakeng yon.
But for now, tatapusin at tutuparin ko muna ang mga plano ko dito sa maynila.
(Are you sure?)
Agad naman akong tumango kahit hindi nya nakikita.
"Yeah" tamad na sagot ko sabay pilit na ngiti.
Narinig ko naman ang pag buntong hininga nya.
(Fine, just text me or call me if you need something ha?)
"Yup, I'll hang up now. Bye"
(Yeah bye, ingats) agad kong binaba ang tawag.
Napahinga ako ng malalim sabay tingin ko sa kalangitan.
Kala mo talaga walang problema ang paligid at napaka payapa lang ng lahat pag tinitigan mo ang langit. Pero hindi maitatago non ang dilim ng lahat.
Napakadilim, to the point na hindi ko na alam ang daan patungong liwanag.
Sa totoo lang natatakot ako sa mga pwedeng mangyare sakin matapos gawin sakin ni Kian yon.
Hindi ko alam ang mga posibilidad na pwedeng mangyare.
Pero aware ako, alam kong hindi pa dito natatapos ang lahat. Alam kong may mas malaking problema pa ang kakaharapin ko. At sana kayanin ko yon.
Nahinto ako sa pag iisip ng makarinig ako ng busina, malakas at sunod sunod.
Napatingin ako sa paligid ko sa pag aakalang ako ang binubusinahan ng mga sasakyan.
Nakahinga ako ng maluwag ng malaman kong nasa gilid ako at hindi ako ang dahilan ng traffic pero agad ding napakunot ang noo ko ng mapansin ko ang isang babae sa gitna ng kalsada.
Nakatayo lang sya don na parang wala sa sarili habang umiiyak.
The hell!
Magpapakamatay ba sya?!
'HOY MISS! KUNG GUSTO MONG MAGPAKAMATAY PWES WAG KA DITO! ANDAMING NAPUPURWISYO OH!' sigaw ng isang driver
'HOY! UMALIS KA NGA DYAN!'
'HOY TABI!'
The hell is their problem?! Imbes na lumabas sila sa mga sasakyan nila at tulungan na lang nilang umalis sa gitna at patawirin yung babae ay nagsisi-sigaw lang sila jan.
Napairap ako tsaka ako tumakbo papunta sa gitna.
Agad kong nilapitan yung babae staka ko sya hinawakan sa balikat nya.
"Miss, you alright?" nag aalalang tanong ko sa kanya.
Walang kabuhay buhay na tingin naman ang binungad nya sakin habang patuloy pa rin ang pag agos ng luha nya.
"I-I'm tired" nauutal na sabi nya.
"I know... yeah okay... before that, pwede ba munang tumawid tayo sa kabila for our safety? Nakakaabala na rin kasi tayo sa iba" suggestion ko sa kanya habang pinapakalma sya.
"I... I don't wanna live... please... just kill me" kumabog ang dibdib ko dahil sa sinabi nya.
"W-What--- Oh shocks! Miss!" agad ko syang sinalo ng bigla syang mahimatay "Help! s**t!"
Abot langit ang kaba ko buti na lang ay agad nagsilapitan ang mga tao kaya natulungan nila akong isakay yung babae sa taxi.
Nang makasakay sa taxi ay agad ko itong pinadiretso sa pinaka malapit na hospital.
Ano ba tong kamalasan ang nangyayare sakin?
Agad kong kinapkapan ang babaeng nakahiga sa lap ko ngayon. Nang makapa ko ang phone sa bulsa ng pantalon nya ay agad ko itong binuksan.
Laking gulat ko ng wala itong password.
Umiling iling na lang ako tsaka ko tinignan ang contacts nya at messages nya.
Nang makita ko ang name na 'kuya' ay agad akong nagtipa ng mensahe dito.
Tinext ko sa kanya yung hospital name. I didn't mention my name at kung anong nangyare, masyadong hassle, siguro pag kita na lang namin. Malay ko ba kung ako pa sisihin ng kamag anak nito.
Nang makadating sa hospital ay pina lagay agad sya sa private room. Malay ko ba kung mayaman yung pamilya nito, basta ako nagma magandang loob lang.
Habang inaantay ko yung resulta at yung doctor ay may sumigaw mula sa likod ko na nabosesan ko agad.
"Missy! s**t!" sigaw ng isang lalakeng kasama ko lang kanina.
Migs?