Chapter 11 (Info)

1089 Words
Third Person Point of View Nagmamadaling tinungo ni Rendell at Ervin ang opisina ni Kian. Hindi na sila hinarangan pa ng sekretarya niya dahil alam naman ng lahat na kaibigan ni Kian sina Rendell at Ervin. Nang makapasok ay sinalubong sila ng malalamig na tingin mula kay Kian. "Info?" seryosong tanong ni Kian. Tamad namang umupo si Ervin sa sofa ng opisina ni Kian at dumiretso naman si Rendell sa upuan na nasa harap ng table ni Kian. "Cheya Santia. 22 years old---" naputol ang sinasabi ni Rendell ng tignan sya ng masama ni Kian. "Shut up and tell me the f*cking info!" galit na sabi nya kay Rendell. Napangisi naman si Ervin sa inakto ni Kian. Habang napakamot naman sa batok si Rendell. "Easy man. Kadadating lang ni Rendell dito sa maynila tas pine-pressure mo na. Just take it slow" nakangising sabi ni Ervin. Napahinga ng malalim si Kian staka sya dumiretso sa mini ref nya dito mismo sa loob ng office nya. Kumuha sya ng wine at nilaklak mismo yon ng nasa bote. Napatawa naman sila Ervin at Rendell. "So frustrated, huh?" nang aasar na tanong ni Rendell. Nang makuntento ay ibinaba na ni Kian ang bote sa table nya tsaka huminga ng malalim. Ibinalik nya ang tingin nya kay Rendell. "So, ikaw ang kasama nya sa pagpunta dito sa maynila?" kalmadong tanong ni Kian ngunit hindi mawala ang inis sa boses nya. Napangisi naman si Rendell. "Yah. Pero bago ka magwala dyan, inuunahan na kita. Kasama namin ang pinsan kong si Trimma so hindi lang kaming dalawa. Baka magselos ka na naman ih." nanatiling tahimik si Kian sa sinabi ni Rendell. "I'm not jealous. I'm just territorial" malamig na sabi ni Kian. Napahinga naman ng malalim ang dalawa. They both know na wala silang magagawa sa pagiging territorial ni Kian. All Dela Vega, Estevez and Da Villa are territorial. Agad namang tumayo si Ervin at dumiretso sa upuan sa harap ng pwesto ni Rendell na harap ng table ni Kian. "Ow, gift ko na sayo tong info na to. Sa bahay ko sya nakatira---" agad naputol ang sinasabi ni Ervin ng hampasin ni Kian nang pagkalakas lakas ang mesa nya. "Are you insane Esquivel?!" galit na tanong nya. Kung kaninang galit sya, ngayon ay sagad na. Napataas naman ang dalawang kamay ni Ervin bilang tanda ng pagsuko pero panay pa rin ang pagtawa nya. "Easy man. Pfft" agad nyang tinuro si Rendell "Sa kanya ka dapat magalit dahil sya ang kasama ni Cheya sa bahay ko. Hindi ako tumutuloy don. You know, I'm such a busy person" Agad namang napunta ang masamang tingin ni Kian kay Rendell. "Ginagago nyo ba kong dalawa?" inis na usal nya. "The hell bro? Hihiwalay ako sa kanila ni Trimma. So easy your damn ass." napatahimik ulit si Kian sa sagot ni Rendell. "Ow, isa pa nga pala. Cheya and Trimma are working with me. Sa restau ko" napatango tango naman si Kian sa sinabi ni Ervin. "Schedule ni Cheya?" tanong ni Kian sabay lahad nya ng kamay kay Rendell. "Here" sabay abot nya ng isang papel kay Kian "Morning sa restau sya ni Ervin para mag-trabaho, tas hapon sa school sya na binigay mo at sa gabi naman sa bar sya ni Ervin, waitress" Agad na nalukot ang papel na hawak ni Kian. "What the hell man?! Bat sya magta-trabaho sa bar ko?! f**k!" hindi rin nagustuhan ni Ervin ang ideyang yon dahil tingin nya ay di nararapat si Cheya sa mga ganong bar. "Ibasura mo yung huling sched nya." seryosong sabi ni Kian. "Man hindi pwede, nakita na yan ni Cheya for sure. Tsaka aware na sya na isa yan sa magiging trabaho nya dito sa maynila" paliwanag ni Rendell. "Then wag mo syang tanggapin" cold naman na sabi ni Kian kay Ervin. "Man---" naputol ang paliwanag ni Rendell nang mapasabunot si Kian sa sarili nyang buhok. "What the hell?! Anong gusto nyong gawin ko?! Fiancé ko sya tas hahayaan kong magtrabaho sya sa bar?! No f*****g hell! Period! End of discussion." seryosong sabi nya sabay kuha nya sa coat nya sa sandalan nya tsaka sya lumabas. Napailing na lang ang dalawang lalakeng naiwan sa kwartong yon. Huminga sila pareho ng malalim bago sundan si Kian. Cheya Santia "Tapos na kayo?" tanong ng head ng staff na si Manang Dar saming lahat. Napaunat unat naman ako matapos kong linisin ang huling mesa. "Huy, kaya pa?" tanong sakin ni Vida na katabi ko na ngayon. Agad ko naman syang nginitian. "Yah. Medyo nakakapagod lang. Siguro dahil first day ko pa lang" nanghihinang sabi ko. Agad namang lumapit samin si Ruby at Trimma. "Bihis na tayo?" tanong samin ni Trimma na tinanguan naman agad namin. Agad kaming naglakad papunta sa staff room. Nang makapasok ay agad akong nagbihis tsaka ko inasikaso ang mga gamit ko. "Dahil first day nyo, kain tayo sa labas? Treat ko kayo" masayang sabi ni Ruby dahilan para mapangiti ako. "Weird non ha. Nagtatrabaho tayo sa restau tas kakain tayo sa ibang restau? Anyways, pass muna ako. Medyo nahihilo ako ih. Siguro dahil sa pagod" namumutlang sabi ni Trimma dahilan para lapitan ko sya. "You okay? Gusto mo dalhin ka na namin sa ospital?" nag aalalang tanong ko. "Nah. Pahinga lang kaylangan neto" sabay ngiti nya ng pilit. "Yaman, ospital agad? Samin pag nahihilo o sumasakit yung ulo inom lang ng gamot ang kaylangan ih" natatawang sabi ni Ruby. "Baliw talaga to" sambit sa kanya ni Vida. "Oh sya pahinga mo na nga lang yan. Pano kayong dalawa, Cheya at Vida?" tanong samin ni Ruby. Napailing-iling naman ako. "Sabay kaming uuwi ni Trimma tas may pasok pa ko mamaya. First day ko, bawal umabsent" nanghihinayang na sabi ko. "At ako naman---" agad naputol ang sinasabi ni Vida nang unahan sya ni Ruby. "Oo na alam ko na. Priority mo ang pag-aaral kaya ka nagtatrabaho, so in short bawal ka ngayon, tama ba?" sambit ni Ruby habang nag aayos ng gamit. Natatawa namang tumango si Vida. "Sorry" nahihiyang sabi nya sabay tawa "Sanay na ko. Anyways, next week birthday ko bawal himindi ha!" sabay turo nya saming tatlo. Napatawa naman ako sabay tango ko kahit di ako sigurado sa sched ko. Aayusin ko na lang. Nang matapos kaming mag ayos ay nag simula na kaming maglabasan sa staff room. Napatingin ako kay Trimma at parang namumutla talaga sya. "Okay ka lang?" nag aalalang tanong ko sa kanya sabay hawak ko sa siko nya para alalayan sya. "Y-yah. Uwi na tayo" tumango naman ako sa kanya sabay ngiti ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD