Cheya Santia
"Sure kang okay ka lang dito mag-isa? Tawagan ko na lang muna kaya si Rendell para may kasama ka" nag aalalang tanong ko kay Trimma.
Nginitian nya naman ako sabay dausdos nya sa kama.
"Ah! Ansarap! Grabe nakakapagod tong araw nato. Partida wala pa yung sa bar ah" sambit nya habang naka siksik ang mukha nya sa kama.
"Huy, okay ka na ba talaga?" tanong ko sa kanya.
Napakunot noo ako ng di na sya nag re-response.
Dali-dali ko syang kinalabit ng ilang ulit.
"Trimma, uy! Babae!" pero no response pa rin.
Tulog na ba sya?
What the hell? Pano kung nahimatay na pala sya?!
Sa sobrang taranta ko ay agad kong tinawag yung manong guard sa labas.
Pinabuhat ko sa kanya si Trimma.
Habang buhat nya si Trimma pa labas ay ako naman ang naka alalay sa kanya.
Kinakabahan ako ih.
Nang makalabas ay agad akong pumara ng taxi.
Nang may huminto na ay dahan-dahang ipinasok ng guard si Trimma sa back seat at naupo naman ako sa tabi ni Trimma at dahan-dahan kong nilagay ang ulo nya sa binti ko.
"Thankyou po kuya" sabi ko sa guard.
Nang aalis na sana sya ay agad akong may naalala.
"Ah kuya, pwede pong pasulat muna ng number ni Rendell?" tanong ko sa kanya.
"Ay wait lang po ma'am." sambit nya sabay alis.
Wala pang ilang minuto ng bumalik sya tsaka nya iniabot sakin ang kapirasong papel.
"Salamat po ulit" sabi ko.
Ngumiti yung guard sakin tsaka nya sinirado ang pinto.
Napatingin naman ako sa driver.
"San po tayo Ma'am?" tanong nung driver.
"Ah kuya sa pinaka malapit pong ospital" sabi ko.
Tumango naman agad sakin yung driver tsaka nya pinaandar yung taxi.
Tulala lang ako sa buong byahe
Kinakabahan ako ng sobra!
Namamawis yung mga kamay ko sa sobrang kaba.
Kung natutulog sya ay sana magre-response sya at nagigising na sya dahil sa pagbuhat ni kuya guard pero hindi ih!
What if nahimatay nga sya?
Shocks!
Napatingin ako sa papel na hawak ko.
Agad kong nilabas ang phone ko sa pocket ko tsaka ko tinipa ang numerong naka sulat.
Nakailang ring pa bago sumagot ang nasa kabilang linya.
"Hello, who's this?" seryosong tanong ng nasa kabilang linya.
Nagtaka pa ko nung una kung sa kanya ba talagang number to dahil ang nakilala kong Rendell ay masigla ang boses but this one? Parang ang seryoso naman.
Pero dahil ka boses nya naman ay agad na kong nag salita.
"Hello Rendell? Si Cheya to" agad naman syang napa ubo.
"O-ow Cheya, bat ka napatawag? A-atsaka pano mo nakuha yung number ko?" bakas ang kaba sa boses nya.
Narinig ko pang may nagsalita pero hindi ko na maintindihan kaya sinagot ko na lang ang tanong nya.
"I'm sorry kung hiningi ko sa guard yung number mo. Emergency lang. Papunta kaming ospital. Text ko sayo yung location. Pumunta ka kaagad" sambit ko bago ko ibinaba ang tawag.
Tinanong ko agad yung driver kung anong pangalan ng ospital tsaka ko tinext kay Rendell.
NAKALIPAS ang ilang minuto bago nagising si Trimma. Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko syang gising na.
"Anyare? Bat ako nandito?" nagtatakang tanong ni Trimma.
Napabusangot ako sabay hampas sa kanya.
"Kung mahihimatay ka, magsabi ka muna! Para naman di ako nagugulat! Inakala ko pang tulog ka lang!" naiinis na sabi ko.
"Eh sa hindi ko naman alam na nahimatay ako ih" reklamo din ni Trimma.
"Tsk" singhal ko.
Napatahimik lang kami ng may pumasok na Doctor.
"Gising kana pala Ms. Lopez" nginitian ng babaeng Doctor si Trimma tsaka sya lumingon sakin at ngumiti din.
"Doc pwede na ba kong lumabas?" may halong irita sa boses ni Trimma "Okay na naman ako diba?" dagdag nya pa.
"Sure. But before that, here" sabay abot nya kay Trimma ng...
Agad nanlaki ang mga mata ko.
What the hell?!
B-bat?---
"D-doc... A-ano pong gagawin ko dito sa... sa pregnancy test?" kinakabahang tanong nya.
"Ms. Lopez. Nag take kami ng some test sayo matapos naming malaman na nahimatay ka. At gaya ng iniisip mo. Lumabas sa resulta na buntis ka. Pero kaylangan mo paring mag take ng pregnancy test." naramdaman ko naman ang panginginig ng kamay ni Trimma.
Hindi rin naman ako makapaniwala.
Oo at inaasar ko sya na buntis sya pero hindi ko naman alam na totoo pala!
Hindi ko to ini-expect!
Agad kong hinawakan ang kamay nya. Napatingin sya sakin ng may halong pangangamba sa mga mata. Nginitian ko sya sabay tango ko.
Napalunok muna sya bago nag desisyon na bumaba sa kama nya, agad ko syang inalalayan hanggang sa makapasok sya ng cr.
Lumipas ang ilang minuto bago sya lumabas.
Tulala sya at may halong gulat sa kanyang mukha.
Kahit alam ko na ang sagot base sa kanyang ekspresyon ay tinignan ko pa rin ang pregnancy test.
Napatahimik ako sa nakita ko. Positive.
Nanghihina nyang iniabot sa doctor yung test.
"Congratulations Ms. Lopez. You're pregnant" nakangiting sabi nya.
Marami pa syang binilin samin bago sya umalis.
Nang makaalis na yung Doctor ay tsaka lang napahawak si Trimma sa bibig nya.
"Oh my God! This can't be. No. No. Hindi talaga pwede" may halong takot sa pagsasalita nya.
Agad ko naman syang yinakap.
"Shh, hahanapin natin si Kalix. Tutulong ako" pagpapakalma ko sa kanya.
Agad naman syang humiwalay sakin tsaka nya dali-daling hinawakan ang mga kamay ko.
"C-Cheya please... wala munang makakaalam neto. Parang awa mo na" pagmamakaawa nya.
Dahil sa takot ko na baka ma stress sya ay agad naman akong tumango.
Nahinto lang ang lahat ng biglang may agarang pumasok sa loob ng kwarto.
Nawindang ako sa nakita ko.
B-bakit sya nandito?
Nauutal ako at parang nanghihina talaga.
Ang seryoso nyang mga mata ay nabalutan ng pag aalala.
Nanginginig ako sa panghihina.
Gusto kong lumunok pero hindi ko magawa.
Akala ko ba natakasan ko na sya?
Akala ko ba nakalayo na ko sa kanya?
P-pero bakit nandito sya ngayon sa harapan ko?
B-bakit may halong pag aalala ang mga mata nya?
P-pano nya nalamang nandito ako?
Isa lang ang sinabihan ko.
At gaya ng inaasahan ko.
Kasabay ng pagpasok ng lalakeng di ko inaasahang makikita ko dito ay syang pagpasok din ng dalawa pang lalake.
Ervin at Rendell.
Napakapit ako ng mahigpit sa kamay ni Trimma.
"A-anong nangyare?" si Rendell ang unang bumasag sa katahimikan staka nya nilapitan si Trimma.
"N-napagod lang siguro sya sa trabaho pero okay na sya. Pwede na daw syang lumabas. Ikaw ng bahala sa kanya, mauna na ko" seryosong sabi ko sabay harap ko kay Trimma "Una nako, kita na lang tayo sa bahay mamaya" sabi ko kay Trimma.
"C-Cheya---" agad kong pinigil si Ervin sa pagsasalita nya.
"Shut up. Wag muna ngayon please" nagtitimpi kong sabi bago ako lumabas.