Again 8

1182 Words
Craig's POV: Nakarating na kami sa part ng Metro Manila kung saan maraming hotel akong pwedeng pagpilian. Medyo nakonsensya naman ako sa ginawa ko kaninang pagtataray lalo na kay Randolph, to think na hinatid niya pa rin ako kahit napagsalitaan ko siya nang hindi maganda. About naman doon sa isang mokong,wala akong pakialam kung mainis siya sakin, i dont care. Buti nga sa kanya. "Sir Craig dito na po, marami na po kayong pwedeng pagpiliang hotel dito, if gusto niyo po samahan ko muna kayong maghanap" mahinanahong pambasag ni Randoph sa katahimikan. Simula kasi ng umalis kami sa bahay nila Justine ay hindi na ito masyadong umiimik, nagworry tuloy ako or should I say na naguilty tuloy ako "uhhmm Randolph, I just want to apologize about what happened a while ago. Ganun talaga ako, medyo pranka lang ako. Sorry talaga, im so insensitive" mapagkumbaba kong paghingi ng tawad dito "ok lang yun Sir, baka nga hindi din nagging maganda yung biro naming ni Boss Justine, sorry din po" nakangiti naman nitong sagot. "so okay na tayo ha? No hard feelings? Promise?" nakangiti ko namang pagtatanong sa kanya. "okay na Sir, if gusto niyo doon na kayo magstay sa condo ko, para mas maging okay tayong dalawa" makuhulugan nitong sabi sabay kindat sa akin. Ito na naman siya. Punyeta ka sosorry ko lang umandar na naman ang pagkamanyak niya. Masasampal ko agad to ng wala sa oras eh. "ahh hehe, hindi na. okay na ako dito,sige bye salamat" ang sagot ko sakanya habang nagmamadaling binabababa ang mga luggage ko. Wala na ring nagawa si Randolph dahil halos maibaba ko na ang pito kong luggage, kaya nagpaalam na din ito bago pinaharurot ang sasakyan palayo. "What the hell, im so tired. Hindi na sana mangyayari to kung alam ko lang na si Justine pala ang sinasabi nang magaling kong kapatid. Dapat mahimbing na akong natutulong ngayon. The hell!!" naiinis kong banggit sa sarili ko habang iniisip ko kung paano ko madadala sa hotel ang napakarami kong luggage Kasalanan mo yan Craig , ang arte mo kasi e ayaw mo pa magstay doon sa ex mo Eh ex nga eh!! I have moved on , bakit babalikan ko pa!!? Am I over-reacting to think na magiistay lang naman ako doon,?? yun lang!! pero hindi e, syempre baka isipin nun nakikipagbalikan ako..thats a no.no.no. Isa pa tong problema ko!! Wala akong dalang cash, kaya I need to withdraw first. Buti na lang may ATM machine sa paligid ng metro manila. Unting pindot pindot lang, press, amount then.....engkkkk. WALA AKONG PERA!!! BAT WALANG LAMAN ANG BANK ACCOUNT KO!!?? Wait baka naman may mali sa machine na ito. "Manong guard, sira po ata itong atm machine" approach ko sa manong guard nagbabantay dito. "ayy sir , kaaayos lang po niyan kanina kaya Malabo pong sira na naman yan" ang naisagot naman nito sa akin bago ulit bumalik sa pwesto nito. Ohhmygod! Wala akong dalang pera! Saan ako mag-iistay? I've tried to contact my brother pero hindi ko siya macontact, ganun din si mama and Jaira. Bakit ba ngayon pa sila hindi nagpaparamdam, gabing gabi na saan ako magiistay nito with these seven f*****g luggages. Naitapon ko na kanina yung calling card na ibinigay ni Randolph and kahit naman nasa akin pa yun I wont entertain the idea to sleep in his place, dahil baka hindi na ako makalabas doon ng virgin. Pero saan ako magiistay. Wait ..oo alam ko pa yung name ng subdivision ng bahay nila Justine. Wala akong choice... I don't wanna sleep in the streets of Metro Manila. Tama ! taxi na lang then mangungutang ako sa kanya... After two hours nang paghahanap ng taxi at pagbyahe pabalik sa bahay nila Justine ay nandito na din ako sa wakas. "Sir, may pambayad po ba kayo. 10 minutes na tayo dito Sir lalaki lang lalo ang Metro niyo kung hindi pa kayo magbabayad" bulahaw sa akin ng taxi driver habang iniisip ko kung paano ako kakatok sa bahay ni Justine. "Wait lang po manong! Sorry. Okay ill call my friend na" nahihiya kong sbai dito. Katok katok! Pero wala pa ring sumasagot. Nakapatay na din ang ilaw mukhang mahimbing ng natutulog si Justine. Ohmygod!. Hinid ko rin sila masisisi dahil hating-gabi na at for sure nasa gitna na sila ng pagpapahinga. "JUSTINE!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" sobrang lakas kong sigaw dito. After ng mahigit isang minuto,narinig ko na ang tunog ng nagbubukas na gate. Thank God!! Salamat po "oh Craig, don't tell me namiss mo agad ako. Sana naman ipinagpabukas mo na lang" gulat at malokong pagtatanong nito sa akin. Kalma Craig, ikaw ang manghihingi ng tulong, bawal kang maginarte. "shut up! Ayy sorry. Uhmmmm Justine .. kasi I need your help pero for now pwede ba bayaran mo muna yung taxi" nahihiya kong hingi ng tulong dito "tsktsk, ano ba yan. Galling ng US tapos walang dalang pera. Hay naku!" nangiinis nitong bulong sabay kuha ng pera sa loob ng bahay nila. "pasalamat ka talaga..." nanggigigil kong bulong "ano yun may sinasabi ka?" balik na tanong nito Ano to narinig niya pa? ang layo niya na " wala!!" mataray kong sagot sa kanya "galit ka ata e, sige goodnight na lang" sabi nito habang isasara na sana ang gate "hooy Joke lang heheheh.ikaw talaga hindi mabiro" pilit kong tawa dito "ahhh ganun ba, akala ko galit ka e" sagot nito habang papunta kay manong driver na mukhang kanina pang yamot dahil sa pagpapahintay ko sa kanya. Nabayaran at nakaalis na si Manong Driver kaya papasok na rin sana ako sa bahay ni mokong "oy oy oy ,saan ka pupunta?"pigil sa akin ni Justine nang papasok na ako sa bahay nila "Why? Im so tired, kararating ko lang. if gusto mo munang tumambay dito sa labas niyo. Ikaw na lang" maarte kong sagot sa kanya. "No, yung napaka-rami at napaka-bigat mong bagahe, ikaw ang magpasok niyan. Wala kang katulong dito" sabi nito habang tuloy-tuloy papasok sa bahay niya Grabe siya oh!. Napaka-gentleman. Napaka... Pawis na pawis na ako,antok na antok pero kailangan ko pa ring ipasok lahat ng luggage ko. Punyeta! Kasalanan mo naman yan e ang dami mong dala e. Oo kasalanan ko pero, sana naman di ba tinulungan ako.... Nang maayos at maipasok ko na ang mga bagahe ko ay hinanap ko si Justine para sana maitanong ko na kung saan ang magiging kwarto ko. Pero hindi ko makita si mokong. Mukhang ako na ang bahala maghanap ng kwarto ko. Total hindi naman kalakihan ang bahay for sure mabilis ko tong mahahanap. This door feeling ko ito na yun total malapit lang sa stairs ito at masyado na akong pagod. I cant handle the stress anymore, masyadong namang pahirap ang buhay lalo nat kararating ko lang from the states. The room looks good, mabango and malinis. I love the fact that unti lang ang furnitures nito sa loob kaya mukhang maaliwalas ito at hindi crownded. The black bed sheet looks inviting.... Haaaayy I need to rest. Hindi pa ako nakakatagal sa paghiga ko nang may maramdaman akong gumagalaw sa tabi ko... ----------------- --- Sino to?? Pagod na ako!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD