Justine's POV:
"Takte naman pare kanina pa tayong alas-3 dito pero hindi pa nagpaparamdam yang kaibigan mo? Mabubulok na tayo dito e" pagrereklamo sa akin ni Randolph
Kanina pa kami nakarating dito halos mga 3:30 pm dahil nga alas-kwatro daw ang dating ng bisita ni Kuya Carlo. Pero unfortunately kanina pa kami dito at hindi pa nagpaparamdam sa akin si kuya Carlo dahil tatawag daw ulit siya para ibigay yung details nung kaibigan niya.
"dami mong reklamo pare, matulog ka muna diyan para matino itsura mo mamaya" sagot ko naman dito
"sige,sige tol. Tutulog muna ako napuyat ako kagabi,di ka kasi sumama sa club na pinuntahan naming e" sagot nito sabay pihit ng upuan para makahiga siya ng maayos.
Haaay naku, si kuya Carlo kasi hindi nilinaw ng maayos yung instructions, paano kung mamaya pa palang gabi ang dating nun , naku yari na.
Mahigit dalawang oras na kami naghihintay at masarap pa rin ang tulog ni Randolph sa loob ng kotse smaantalang ako naman ay tinatapos sa tablet ko ang iba kong mga reports. Ayunn nagring na din sa wakas
"hello kuya Carlo" bungad ko sa kabilang linya
" im really sorry Justine , nadelay ata yung flight nung friend ko kaya medyo nalate. Pero he already arrived, his waiting for you" sabi naman nito
" wala yun kuya hehe (pero medyo hindi rin okay yun. Honeslty ) " sagot ko naman dito sabay bigay ng pilit na ngiti
" okay sige, may inaasikaso pa kasi akong office works by the way he's wearing blue hoody jacket plus shades and brown din ang hair niya. Ikaw na bahala sa kanya ha, iingatan mo na" sabi naman ni Kuya Carlo
Iingatan mo na? weird ni Kuya Carlo ha
Pagkababang-pagkababa ni kuya ay dumiretso na agad ako sa kotse para gisingin ang kanina pang naghihilik na si Randolph
"pare..." pagtawag ko dito
Pero hindi pa rin nagrereact
"pare... uyyy" paguga ko dito
Naku yare! Mukhang tulog mantika pa ata ang ogag na ito
"PARE!!!" malakas na sigaw ko dito nakaagad nitong ikinagulat
"ano bay un pare, bat ka naninigaw" gulat na tanong nito sa akin
"pasensya na pare, nandyan na kasi yung bisita. Puntahan mo na" natatawa kong sagot dito.
"naku . pasalamat talaga yan at bisita siya kung hindi bibigwasan ko talaga yan. Hahaha. Pero kung chix to isang kiss lang bawi na to" pagbibiro nito
" tarantado ka talaga, lalaki ata to e" sagot ko naman dito
"ay anak ng..." pabirong disappointment nito.
"nga pala pare, naka blue na jacket daw at shades plus brown hair. Ikaw na bahalang maghanap doon" pagpapaalala ko dito.
"sige tol ako ng bahala" sagot ni Randolph sabay baba sa kotse.
After 15 minutes ng paghihintay ay nagtext sa akin si Randolph
" tol lalaki nga,pero mukhang chix ang mukha, papatulan ko na to hahaha" pagbibiro nito sa text
"gago ka talaga" reply ko dito
" tangina tol daming luggage , punta ka na agad para mailagay na ito sa kotse, medyo masungit tong baby ko e hahaha" text ulit ni Randolph
"sige tol" reply ko habang hindi mapigilan ang pagtawa.
Pagkabasnag pagkabasa ko ng text nay un ay kaagad na akong dumiretso sa lugar kung saan sila naghihintay lalo na nag malaman kung medyo masungit daw ang bisita ni Kuya Carlo, naku paano ko kaya papakisamahan yun sa bahay.
Pero malayo pa lang ay tanaw ko na ang isang lalaking medyo may kaputian pero parang pamilyar yung hugis ng katawan niya at yung features ng mukha niya. The way kung paano tumayo at yung paglinga-linga niya.. Don't tell me..
No iba siguro yun, Moreno si Craig and black buhok nun,, so Malabo
Pero the moment na bumaba ako sa kotse ..doon ko naconfirm na mali ako
Shit! After 8 years nasa harap ko na ulit ang mahal ko.
Nagiba na ang itsura niya or should I say ibang-iba na. maputi na siya,yung buhok niya, the way he fix his hair,yung pananamit niya,yung pagdadala niya ng damit pero one thing na napansin kong hindi nagbago sa kanya , at yun ay ang way kung paano niya ko tignan
Halata ang gulat sa mga mata niya pero napansin ko ang longing and happiness ng makita niya ako. Hindi sa nagaassume ako pero sa mga mata ni Craig makikita mo talaga ang emotions niya. Nagtry siyang lumingon sa iba and I know he's wishing na hindi ako ang nasa harap niya, funny dahil hanggang ngayon medyo childish pa rin siya mag-isip.
Pero Craig this time, wala ka nang kawala sa akin.
Natigil ako sa pagngiti ng tawagin ako ni Randolph para magpakilala
Isa pa pala tong Randolph na ito, pati ata ang Craig ko balak pormahan. Siguraduhin niya lang na nagbibiro siya kung hindi gagawin ko siyang pundasyon sa gagawin naming hotel.
" hi im Justine" pagpapakilala ko dito sabay lahad ng kamay para makipagshakehands.
Pero nakatulala lang sa akin ang Craig ko, nakakatawa na nakakakilig. Dahil kahit madilim na ay nagdedaydream pa rin siya at mukha ako atang lama ng dreams niya hahaha.
Natigil si Craig sa pakakatitig sa akin ng biglang siyang istorbohin ni Randolph dahil na din sa kanina ko pang nakalatag na kamay na naghihintay sa kamay niya.
Halata ang pagkapahiya sa itsura ni Craig kaya as usual gaya ng ginagawa niya dati at nagtaray na lang ito sabay diretso sa kotse. Isip bata na nga.
"Pare, sabi ko sayo ang taray ng baby ko e" sabi ni Randolph sa akin sabay sunod kay Craig ko.
"Randolph pare, saglit nga" seryoso kong tawag dito
"ano yun pare? " pagtatanong nito
" tol wag mong tatawaging baby yun ha, at ipangako mo ding hindi mo popormahan yun" seryoso kong sabi dito
"bakit naman tol?...ehh" pagsagot sana nito
"ipangako mo!" seryoso kong pagpigil dito
"oo na tol! Ang seryoso mo naman, tatay ka ba nun? Hahaha" sabi nito sabay sakay sa kotse.
Good mabuti na ang nakakasiguro. Ngayon itong isip-bata na lang ang problema ko.