Kabanata 46 Para kaming tangang nagpapalakasan ng paghagulhol habang ako'y nakaupo sa may hagdan at habang siya nama'y nakaluhod at nakayakap sa akin na naging dahilan kung bakit pinagtitinginan kami ng mga taong dumadaan palabas at papasok ng hospital. Maging ang sasakyang dumadaan ay napapabagal ng andar at napapatingin sa direksyon namin. Ramdam na ramdam ko ang pamamasa ng aking balikat hanggang leeg dahil sa walang humpay na pagbuhos ng kanyang mga luha. Ramdam at rinig ko din ang bawat hikbi niya at pagsinghot. Bukod pa sa iyakan naming dalawa ay rinig ko din ang pagsinghot at hikbi ni Nikki na nakaupo sa aming gilid. Matapos ang ilang minuto na ganun ang aming posisyon ay kumawala na ako sa kanyang yakap sabay baling ng paningin sa ibang direksyon at sabay punas ng aking mga luh

