Kabanata 47 Matapos ang naging iyakan namin ay mabilis nagsabi si Laureen na nagugutom na daw siya kaya naman kaagad akong lumapit sa kanila at mabagal ko siyang kinuha sa Daddy niya upang mabreastfeed na siya. Noong una ay nag-aalangan pa ako kung sa kama ko ba siya ibebreastfeed kung nasaan si Lawrence or sa sofa na lang na kung saan wala siya doon. Ngunit dahil sa pansin ko ang pagkagutom ni Laureen dahil magtatanghalian na din ay mas napili ko na lang na sa kama kahit pa nasa tabi lang namin si Lawrence. Madalas ko talagang ibreastfeed si Laureen kaya naman ganito siya kalusog ngayon. Madalang siyang bottled milk ang iniinom kapag may aasikasuhin lang ako sa mga shops namin pero simula last month ay inuunti-unti at sinasanay ko na siya na huwag araw-araw ibreastfeed dahil balak ko n

