SIMULA

1338 Words
Simula "Wala ka na talagang ginawang tama na bata ka!" bulyaw sa akin ni Mommy. "S-sorry po mommy". Kanina pa kami dito sa sala at kanina pa niya ako pinapagalitan. Pagkaapak na pagkaapak ko pa lang sa may pintuan namin ay ganito na kaagad ang bungad niya sa akin. Ni hindi man lang niya ako hinayaang makapagbihis muna or makapagmeryenda lang muna. "You're such a disgrace to our family!" Nanlalaking mata at nanggagalaiti pa nitong sigaw sa akin. I don't know why pero nasasaktan pa rin talaga ako kahit palagi naman niya akong sinasabihan ng mga ganito, na wala akong kwenta, na malas ako at puro kahihiyan na lang ang alam kong dalhin sa pamilya namin. "M-mommy, I-I don't mean to be late to our class earlier." Malumanay na paliwanag ko habang humihikbi, umaasang maiintindihan na niya ako. "At sumasagot ka pa talagang bata ka ha!" Mas lalo pang pamumula ng mukha nito at akmang sasampalin na niya ako ng bigla siyang pigilan ng kadarating lang sa trabaho na si Daddy. Buti pa talaga si Daddy, lagi niyang ipinapakita kung gaano niya ako kamahal at kung gaano ako kahalaga sa kanya, pero si mommy, never niyang ipinakita o ipinaramdam man lang. She just only loves my little brother Charles. Parang yung kapatid ko na lang nga ang palagi niyang nakikitang mabait eh, at kapag ako nama'y puro kamalian ang tanging nakikita lang niya. "Tama na yan, hon. Narinig naman na natin kay Garnet na hindi niya sinasadya dahil may nakabungguan siya at nalaglag ang dala niyang mga libro." Pagpapaintindi ni Daddy. Lalong pang nanggalaiti sa galit si Mommy. "Sige kampihan mo pa yang anak mo na 'yan!It's not a valid reason! Kung hindi lang siya nagpatanga-tanga, hindi siya malalate! Buti na lang at kaibigan natin ang may-ari ng school na 'yon at binabalitaan tayo sa mga pinaggagagawa nitong anak mo!" Bulyaw pa ulit nito sabay hablot ng aking bag na nakapatong sa center table at mabilis niya itong tinaktak at pinag-aapakan ang aking mga gamit, at walang sabi-sabing umalis. 18 years...18 years na siyang ganito sa'kin. Baby pa lang daw ako sabi ni Tita ay ganito na si Mommy sa akin. Lalo akong napaiyak sa sinabi ni Mommy. Gustong-gusto ko siyang sagutin at sabihin na anak din naman niya ako at hindi lang kay Daddy pero hindi ko na sinubukan pa dahil baka lalo lang akong masaktan sa mga sasabihin pa niyang salita sa akin. "Garnet, go upstairs. Pagpasensyahan mo na ang Mommy mo". Hinging paumanhin ni Daddy sabay yakap sa akin. I'm really lucky to have a father like him. Napakabait, napakasweet at napakamapagmahal niyang Daddy kaya naman wala na akong mahihiling pa kaya sana balang araw, ang isang katulad niya ang mapangasawa ko. "Okay, daddy." Huminga muna ako ng malalim bago ko sinimulang pulutin ang mga nagkalat kong gamit sa sahig. Ang ilang lapis at mga ballpen ko ay naputol. Ang ilan ko ding notebook at mga papel ay nagusot at nabahiran na ng mga dumi. At maging ang aking maliit na salamin, liptint at tumbler ay nabasag din. Matapos kong mapulot lahat ay malungkot akong umakyat at pumasok sa aking room. Tinatamad pa akong magbihis kaya nahiga na lang muna ako sa aking kama habang nakasuot pa rin ng school uniform. Mabilis kaagad nagsibagsakan ang aking mga luha. Grabe na 'yong sakit na araw-araw na lang ipinaparamdam ni Mommy sa'kin, ngunit kahit ganoon ay ni hindi ko man lang kayang magalit sa kanya. Mas nangingibabaw pa rin kasi yung pagmamahal ko para sa kanya eh, at nagpapasalamat ako na ipinanganak niya ako dito sa mundo. I'm just staring at my room's ceiling when the door of my room suddenly opened. "G, what happened? Ayos ka lang ba?" Kaagad na tanong sakin ng pinsan kong si Lawrence habang nagmamadaling lumapit sa akin at kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang sobrang pag-aalala. He's the only person that calls me "G" and I don't know why but every time he calls me that, I don't understand what I'm feeling. I feel so happy and loved. Nakahiga pa rin ako habang nakalapit na siya mula sa aking pwesto. Nakasuot siya ng jersey at pawisan pa, mukhang kauuwi lang galing school. "Uhm. Nalate lang ako sa klase kanina dahil may nakabungguan ako then ayun, tinawagan na kaagad nila si Mommy para magsumbong. Akala naman nila sobrang laking kasalanan na agad ang nagawa ko." Punong-puno ng sakit kong sumbong sa kanya. "Hindi ba ako pwedeng magkamali?! Bakit ba ganun na lang palagi sakin si Mommy, Lawrence?" Humihikbing tanong ko sa kanya. "Hindi niya ba talaga ako mahal?! Kelan niya ba ako mamahalin? Kapag ba perfect na akong anak?! Kapag ba may nangyari nang masama sa'kin?! Kapag ba namatay na ako?! Ano?! Kelan?!" Mas lalo ko pang iyak sa kanya. Dali-dali naman ako niyakap ni Lawrence at pinaupo ng patagilid sa kanyang kandungan. Ganito ang palagi niyang ginagawa sakin sa tuwing umiiyak ako at pinapagalitan ni Mommy. "G, mahal ka ng Mommy mo. Pagpasensyahan mo na lang. Concern lang siya sa pag-aaral mo. Buti na lang at tinawagan kaagad ako ni Yaya Minda at sinabi na pinagalitan ka na naman daw." He problematically said while kissing me on my forehead. "G, stop crying na please." Malambing niyang pakiusap sa akin habang siya na mismo ang nagpupunas ng mga luha sa aking pisngi. Pinagmamasdan ko lang siya habang ginagawa niya 'yon. Napakagwapo talaga nitong pinsan ko. His eyes are color brown and his nose is very pointed. Mapula din ang kanyang mga labi at maputi ang kanyang balat. Sa tantsa ko ay 6-footer siya samantalang ako ay 5'5 lamang. Hindi na ako nagtataka kung bakit habulin 'to ng mga babae pati na rin ng mga bakla lalo na sa school. "Stop crying na, okay? I'm here na. Sorry kung hindi kita naihatid pauwi. Nagtraining kasi kami ng basketball." Pag-ayos naman niya ngayon sa mga takas na buhok na humaharang sa aking mukha. Tumango lang ako bilang sagot. Lagi niya akong hinahatid at sinusundo sa school dahil bukod sa pareho kaming G12 student ay magkapitbahay lang din kami. Sa kanya na talaga ako ipinagkakatiwala ni Daddy noon pa mang mga bata pa kami. Basta nga kasama lang 'tong si Lawrence ay papayagan kaagad ako sa mga lakad ko kahit ibubuka ko pa lang ang aking bibig para magpaalam. Tungkol naman kapag kay Mommy ako nagpapaalam ay simula noon hanggang ngayon ay wala siyang pakialam. Hindi man lang niya ako pinapansin or nililingon man lang sa tuwing magpapaalam ako. Pero kahit ganoon ay ginagawa ko pa ring magpaalam sa kanya dahil ganoon ko siya kung respetuhin kahit na mas gusto niyang wala ako palagi sa bahay. Naalala ko na naman tuloy ang mga nangyari kanina sa sala... Maging ang isipin na hanggang ngayon na eighteen years old na ako ay hindi pa rin apelyido ng Daddy ko ang aking gamit. Hindi kasi alam ni Daddy na buntis si Mommy noon bago sila maghiwalay kaya naman nang ipanganak na raw ako ay hindi apelyido ni Mommy ang ipinalagay niya sa akin kung hindi ang kanya. Ang hindi ko lang maintindihan hanggang ngayon ay ang hindi palaging pagpayag ni Mommy na ipagamit na sa akin ang surname ni Daddy kapag pinapakiusapan siya nito. Hindi ko tuloy maiwasang itanong kung mahal talaga ako ng Mommy ko. "It's okay Lawrence." Saad ko habang nakatitig pa rin sa kanyang napakagwapong mukha. Napakakinis din talaga ng isang 'to. Parang kutis babae. Alagang-alaga kaya wala man lang bakas ng kahit ano sa mukha. Safe. Yan ang lagi kong nararamdanan kapag kasama ko siya. Close kaming lahat na magpipinsan pero masasabi ko din na si Lawrence ang pinakaclose na close ko sa lahat ng mga pinsan kong lalaki. "Don't overthink about your mom, okay? I'm always here for you" Malambing niyanh pagcomfort sa akin at mabilis akong niyakap mahigpit sa aking baywang at nagsumiksik pa sa aking leeg. "I'll always be here for you...baby..." Hindi ko na narinig pa ang huli niyang sinabi nang unti-unti na akong lamunin ng antok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD