KABANATA 1

1527 Words
Kabanata 1 Mabilis akong naalimpungatan dahil sa sunod-sunod na tunog ng katok na nagmumula sa pinto ng aking room. "Garnet Hija, bumangon ka na diyan." Ani ni Yaya Minda mula sa labas ng aking silid. "Opo, Ya. Salamat po." Sagot ko sa kanya at nakarinig naman kaagad ako ng mga yabag na papalayo. Isang linggo na ang nakakaraan simula ng pagalitan ako ni Mommy. At magmula noon ay hindi na ako nalalate dahil na din sa tulong ni Yaya Minda, na araw-araw na akong ginigising ng maaga para makapaghanda kaagad at makapasok. Bumangon na agad ako at dumiretso sa bathroom. When I got finished to take a bath and get dress, I went fast downstairs to have my breakfast. "Oh, andiyan na pala ang Ate mo Charles. Say good morning to her." ani Daddy bago ako maupo sa kaniyang tabi. "Good morning, Ate!" Masiglang bati ni Charles sa'kin. Nakasuot na rin siya ng kanyang school uniform. Bagay na bagay sa kanya at napakalinis niyang tingnan. Mas lumilitaw tuloy ang pagigigng magandang lalaki niya. Sana lang ay huwag magpaiyak ng mga babae ang kapatid kong 'to paglaki niya. Kahit na mas nararamdaman kong mas mahal ni Mommy si Charles kaysa sakin ay hindi ko kayang magalit sa kanya dahil napakabait at napakasweet niyang bata. Napakaswerte ko din sa kanya at close na close kami. Andiyan din siya palagi para pasayahin ako lalo na kapag stress na stress na ako sa aking school works. "Good morning, Baby Charles." Pang-aasar ko sa kanya. "Ate naman! Don't call me baby anymore. I'm a big boy na kaya." He said while pouting. Ang cute-cute talaga ng baby Charles ko. Nakakagigil dahil sa pagiging chubby niya pero kahit ganun ay makikita pa din talaga ang kanyang kagwapuhan na namana kay Daddy. "Sus. 7 years old ka pa lang kaya baby pa din kita." Pang-aasar ko pa lalo. "Tumigil ka na nga Garnet! Kumain ka na lang diyan at ng makaalis ka na! Baka dahil na naman sa kabagalan at katangahan mo ay malate ka na naman!" Heto na naman po tayo sa morning sermon ni Mommy. Tumahimik kaagad ako at hindi na lang ako umimik. Pasok sa kaliwang tainga, labas sa kanan. Nakita ko pa ang pag-iling ni Daddy habang nakatingin kay Mommy at pinagtaasan lang siya nito ng kaliwang kilay. Bumaling na lang ako kay Charles. Buti na lang at abala na siya sa mga pagkain na nasa kanyang harapan. Matapos noon ay tahimik na lang kaming kumain. "Dad, Mom and Charles pasok na po ako." Paalam at sabay lapit ko kay Daddy at Charles para yumakap at humalik sa kanilang mga pisngi. Nang akmang hahalik namn na ako kay Mommy ay umiwas siya kaagad kagaya ng ginagawa niya araw-araw. Hindi na talaga ako nasanay.... Napabuntong hininga na lang ako habang papalabas na ng aming bahay upang puntahan si Lawrence na nag-aabang na sa harap ng gate namin. "Oh G, bakit malungkot ka na naman?" Mabilis na tanong niya pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng kanyang kotse. "Ganun pa din sa dati, Lawrence. Same old Mommy." I heavily sighed. "Don't mind your mommy, G. Don't let her ruin your day again." He said while putting my seatbelt. Ang lapit-lapit ng mukha niya sakin. Naaamoy ko tuloy siya. Ang bango-bango niya talaga. "Don't mind her na okay?" sabay halik niya sa aking noo. Tumango na lang ako at tumingin na lang sa harapan. Mabilis lang ang naging biyahe namin papunta sa school. Kaagad nagpark si Lawrence at pinagbuksan ako ng pinto. "May training ulit kami mamaya, G. Dun ka na dumiretso sa gymnasium, okay? Alam naman na ng Mommy mo 'yon. Nakapagpaalam na ako kanina bago ka pa bumaba." Saad niya habang pareho kaming nakatayo na magkaharapan sa pinto ng kanyang kotse. Ang bait-bait talaga ni Mommy pagdating sa ibang tao... "Okay. Let's go." Pag-aya ko na sa kanya, takot na baka malate kami. Hanggang ngayon talaga ay dala-dala ko pa rin ang traumang inabot ko kay Mommy dahil lang sa isang beses na nalate ako. Pareho kaming ABM students ni Lawrence pero magkaiba ang room namin dahil hinati sa dalawang section ang klase namin. "Garnet! Lawrence!" Tawag ng mga pinsan ko na sina Kian, Nikki, Axl at Nhya. "Hey, guys!" Nakangiting bati ni Lawrence sa kanila. Lumapit naman kaagad sakin sina Nikki at Nhya upang humalik at yumakap. "Tara na Garnet para hindi tayo malate." Ani Nikki sabay hila sakin. Alam lahat ng mga pinsan ko ang nangyayari sakin lalo na ang tungkol kay Mommy. Isa ako sa pinakamaswerte sa buong mundo dahil mayroong akong mga pinsan na sobra kung mag-alala sa akin at sobra-sobra kung ako'y mahalin at pahalagahan. I, Nikki, and Nhya are classmates while the classmates of Lawrence are Kian and Axl at kahit hindi pa ako legal na Villafuerte ay pamilya pa rin ang turing at trato nila sa akin. Mas okay na din yung magkakasama kaming mga babae sa isang classroom kaysa kasama ang tatlong lalaking 'yon dahil higit pa sa salitang 'gulo' ang kayang gawin ng tatlong 'yon at mga ubod din ng kulit. Hindi ko na masyadong inisip pa si Mommy kaya ng magsimula ang klase namin ay nagfocus na lang ako at nakinig sa discussions. Naging mabilis lang natapos ang klase namin ngayong araw kaya sabay-sabay na kaming lumabas ng classroom. "Garnet, mauuna na kami ni Nikki ha? Mag-iingat kayo ni Lawrence pauwi." Paalam ni Nhya. "Sigesige. Mag-iingat din kayo." Paalam at sabay halik at yakap ko sa kanila. Pagkakuha ko ng aking gamit ay dumiretso na agad ako sa gymnasium para puntahan si Lawrence. Napakalaki nitong gymnasium namin. Ang kabilang bahagi nito ay isang basketball court at ang isa pang bahagi ay volleyball court. Medyo marami-rami rin ngayon ang mga estudyante dito sa loob upang manood sa training ng mga iniidolo nila. Nagpalinga-linga pa ako at nakita ko kaagad siya na tumatakbo habang nagdidribble ng bola. Naglakad pa ako at dumiretso kung nasaan mismo ang bag noya at doon naupo. "Sana naman maaga silang matapos ngayon. Gusto ko ng mahiga sa kama ko." Kausap ko sa aking sarili habang nanunuod sa kanilang training. Nanunuod lang ako ng bigla na lang akong nagulat ng may humarang na lang sa aking harapan. "Hey, Miss!" Masiglang bati nito sa'kin habang may malaking ngiti. Tiningnan ko siya. Gwapo siya ha. Kasing taas lang din 'to ni Lawrence. Mapuputi ang mga pantay na ngipin. Kulay itim ang kanyang mga mata at matangos ang kanyang ilong. Maputi din siya katulad ni Lawrence at may angkin din itong kagwapuhan. "Ahm. Hi?" I said while smiling awkwardly, still wondering why he's blocking my vision. "I'm Andrei. Andrei Villanueva. I'm the son of Coach Villanueva. And what is your name Ms. Beautiful?" He asked while giving me a handsome smile and offering me a handshake. Anak siya ni Coach Villanueva? Pero ngayon ko lang siya nakita ah. Siguro transferee siya. "I'm Gar--" Pero bago ko pa maabot ang kamay niya ay may bigla na lang nagdabog sa tabi ko at nagulat ako ng makitang si Lawrence 'yon habang hawak-hawak ng mahigpit ang kanyang bag at mayroon na ngayong madilim at masamang tingin kay Andrei. Ilang segundo pa ang lumipas ng ako naman ang balingan niya ng isang serysosong tingin habang nagtitiim ang bagang. "Let's go, G!" He said, obviously irritated. Wala na akong nagawa ng higitin na lang niya ako bigla kaya hindi na ako nakapagpaalam pa kay Andrei. "Hey, Lawrence! Slow down please. Ang bilis mong maglakad at ang higpit-higpit ng hawak mo sa wrist ko!" Bulyaw ko habang nakangiwi. Medyo masakit kasi talaga ang pagkakahawak niya eh. Bumagal naman kaagad ang lakad niya at niluwagan ang kapit sa aking wrist pero sa daan pa din nakatingin at hindi man lang ako nililingon hanggang sa makarating kami at makapasok na kami sa kotse niya. Pagkapasok at pagkaupo niya sa driver's seat ay mabilis niyang inabot ang kamay kong hawak niya ng mahigpit kanina. "I'm sorry, G. I didn't mean to hurt you". He said while moving his thumb in my wrist and while looking at me. May nakikita akong kakaiba sa mga tingin niya ngayon pero ipinagsawalang bahala ko na lang. "It's okay, Lawrence. Bakit ba kasi bigla kang nabadtrip ha? Hindi din tuloy ako nakapagpaala, doon sa Andrei." Nakabusangot na pagmamaktol ko sa kanya. Hindi naman sa may gusto ako doon sa lalaking 'yon, ayaw ko lang talagang maisip niya na bastos ako or bastos ang mga estudyante ng kanyang tatay sa school na 'to. "Tsk. Nothing. Don't talk to him again please." He pleaded while leaning on me to put on my seat belt. "At bakit naman aber Baka gusto lang naman niya makipagkaibigan! Napaka-OA mo talaga." Ngingit ko na nakatingin na din sa kanya. Malapit na naman ang mukha niya sa akin kaya ramdam na ramdam ko ang mabilis niyang paghinga maging ang pagbigat ng mga ito. Mas lalo pa siyang lumapit sa akin at kaagad namang bumilis ang t***k ng aking puso dahil sa kanyang binitawang mga salita na never kong maiisip na manggagaling mismo sa kanyang bibig. "Because what's mine is only mine and I don't share, Garnet Monique!" And that's made me dumbfounded.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD