Kabanata 2
He seriously said that while looking at me straight into my eyes and move down into my lips.
Hindi ko alam kung anong gagawin or sasabihin ko. Basta na lang ako natameme dahil sa kanyang mga sinabi.
I came back to my senses when I heard a knock in the car's window beside me. Dali-dali ko itong binuksan at tumambad sa aking paningin ang aming mga pinsan.
"Mamaya na tayo umuwi. Kain na muna tayo." Yaya sa'min ni Kian habang bitbit-bitbit ang bag ni Nikki.
"Oo nga. Let's go. Night Market tayo!" Magiliw na dagdag pa ni Nikki.
"Okay, tara na para maaga tayo makauwi." Sagot naman nitong katabi ko na hindi man lang umayos ng kanyang pwesto. Ang lapit-lapit niya sa'kin habang nakalagay ang kanan niyang kamay sa may parteng baywang ko.
Pumasok na sila sa mga kanya-kanya nilang mga sasakyan. Kagaya ko ay hindi pa rin pinapayagan sina Nikki at Nhya na magdrive kahit nasa legal age na kami dahil baka kung saan-saan daw kami magpupunta at mapahamak pa kaya nakikisakay na lang kami sa mga pinsan naming lalaki.
Mahilig din talaga kaming magpipinsan na kumain at ang tagaplano kung saan at kailan kami kakain sa labas ay ang magkapatid na sina Kian at Nikki.
Madali lang din naman kami nakarating sa Night Market at dali-dali kaagad lumabas sina Kian at Axl at mabilis kumaripas ng takbo sa mga food stalls, nagawa pang magpaunahan, paniguradong gutom na gutom na talaga ang dalawang 'yon.
"What do you want to eat, G?" Tanong sa'kin ni Lawrence habang kaliwang kamay ay nakaakbay sa aking mga balikat.
"Hmm. Fishball, kikiam at kwek-kwek lang." Masaya kong sagot sa kanya. Bigla tuloy akong nakaramdam ng gutom at hindi ko mapigilang maglaway sa aking isipan habang iniisip ang mga pagkaing 'yon, idagdag pa ang mababangong amoy ng pagkain na nalalanghap ko sa bawat food stall na nadadaanan namin habang naglalakad kami.
"Takaw talaga!" Naiiling at natatawang niyang asar sa'kin at nakuha pang pisilin ang aking ilong.
Mahilig talaga akong kumain kaya lagi niya ako sinasabihin na matakaw raw ako. If I know mas matakaw naman siya sa'kin! Pero kahit ganoon kami katakaw dalawa ay hindi man lang kami tumataba at ewan namin kung bakit.
"Maupo ka na muna diyan, okay? Ako na ang bibili ng mga gusto mong pagkain." Ani Lawrence at mabilis naman akong sumunod. Kasama ko na ding naupo sina Nikki at Nhya sa may harap ng isang food stall dahil nagprisinta rin daw sa kanila sina Kian at Axl na sila na daw ang bibili ng kanilang mga pagkain.
"Garnet, next week na ang Intrams 'di ba? Anong ganap mo? Kami ni Nhya tamang nuod-nuod lang ulit kagaya ng dati." Tanong ni Nikki sa'kin habang nakahalumbaba.
"As usual, dance troupe and volleyball." Pagkibit balikat ko sa kanya.
Elementary pa lang ako ay naglalaro na ako ng volleyball at sumasayaw na rin ako sa bawat mga program sa school kaya namang hanggang ngayon ay pinapagpatuloy ko pa rin ang mga'yon kasi masaya ako sa tuwing naglalaro at sumasayaw ako. Para kasing dinadala ako ng mga ito sa ibang mundo at may kakaibang sayang ipinaparamdam sa'kin na hindi kayang tumbasan o pantayan ng mga mamahaling materyal na mga bagay dito sa mundo.
"Paniguradong marami na namang magkakagusto sa'yo niyan! Sana all talaga maganda, talented at sexy! HAHAHA!" Mabilis na asar sa'kin nina Nikki at Nhya.
Kung makapagsalita naman ang dalawang 'to ay parang hindi din naman sila maganda at sexy. Yun nga lang ay hindi sila masyadong nahilig sa sports or other activities kaya nanunuod na lang sila sa amin ng mga pinsang kong mga lalaki simula pa noong mga bata pa kami. Mas nahilig ang dalawang 'to sa pagbabasa ng mga libro at pagagala.
Bukod sa mga pinsan ko ay marami na ring nakapagsabi sa akin kung gaano ako kaganda, kasexy at katalented pero hindi ko naman masyadong niyayakap ang mga papuri nilang 'yon dahil ayaw kong lumaki ang aking ulo at ayaw ko ring maging mataas ang tingin ko sa aking sarili. Kuntento na ako sa ganito at ayaw kong dumating ang araw na may masaktan or may maapakan akong ibang tao kapag nagbago ang aking magandang pag-uugali at asal.
"Tumigil nga kayo diyan! Baka marinig kayo ni Lolo Lawrence!" Natatawang suway ko sa kanila.
Daig pa talaga ni Lawrence ang Daddy ko pagdating sa mga nagkakagusto at sa mga gustong magbalak manligaw sa'kin kaya naman sa tuwing ganoon siya ka-oa ay tinatawag ko siyang "Lolo Lawrence" na mabilis nakakapagpangiwit ng kanyang mukha at mabilis nakakapagpagalit sa kanya.
"Anong pinag-uusapan niyo, girls? Abot hanggang kabilang kalsada ang ingay niyo ah!" Panloloko sa amin ni Kian habang inilalapag ang mga binili nilang pagkain sa mesa.
"Inaasar lang namin 'tong si Garnet dahil marami na namang magkakagusto sa kanya, kasi 'di ba Intrams na next week?" Pang-asar na sagot ni Nikki habang nangingiti at pasimple pang sumusulyap kay Lawrence na paupo na ngayon sa aking tabi.
"Oo nga ano? Eh di bantay salakay na naman si Lolo Lawrence niyan?" Natatawang dagdag asar pa ni Kian matapos kainin ang isang kwek-kwek.
Hindi na din namin napigilang mapatawa magpipinsan dahil sa sinabing iyon ni Kian, maliban kay Lawrence na tahimik lang sa aking tabi habang inilalagay sa aking harapan ang mga inorder niyang pagkain para sa akin. Tiningnan ko lang siya at mukhang napipikon na. Konting-konting asar na lang at mukhang sasabog na 'to.
"Stop na guys baka mapikon ng todo si Lolo Lawrence ay este si Lawrence pala!" Pigil tawa kong suway sa kanila. Buong akala ko ay tatahimik na sila sa naging saway ko ngunit mas lalo pa silang napahagalpak ng tawa kaya ang kanina ko pa ring pinipigilang tawa ay lumabas na rin.
Namumula na ang mukha at leeg ni Lawrence, sign na naiinis na talaga. Halos sumakit naman na mga tiyan namin. Napakaganda talagang asarin ng isang 'to kahit kailan.
"Tsk. Just eat your food, G". Masungit na saway niya sa'kin habang naiiling-iling pa at nagsimula ng sumubo ng kikiam.
Kumain, nagkwentuhan at nag-asaran lang kaming magpipinsan, and after that ay nagyaya na din silang umuwi dahil nagsisimula na ring dumilim ang paligid pati na rin ang buong kalangitan.
Magkakatabi lang ang mga bahay namin sa isang village kaya naman isang way lang ang tinatahak naming lahat. Nakikita ko pa mula sa side mirror ang kotse nina Kian at Axl na nakasunod sa aming likuran. Pare-parehong mabagal ang takbo ng tatlo ngayon na alam naming magpipinsang mga babae na kaninang-kanina pa nangangati ang mga kamay nitong magpatakbo ng mabilis kung hindi lang kami kassama.
Habang nasa sasakyan ay hindi ko na napigilang lingunin si Lawrence. Focus na focus siya sa kanyang pagmmaneho kaya hindi ko alam kung alam or pansin ba niya ang paninitig ko sa kanya.
Bigla ko kasing naalala yung nangyari at sinabi niya sa'kin kanina. Muntik na ba niya ako halikan? Or wala lang 'yon?
Sana wala lang, dahil hindi ko alam kung ano itong sumisibol na kakaibang nararamdaman ko.
"We're here, G." Tawag pansin sa akin ni Lawrence habang inaalis ang kanyang seatbelt.
At bago ko pa mahawakan upang alisin sa'kin ang seatbelt ko ay siya na ang naunang gumalaw at nag-alis nito. Napahinto tuloy ako sa paghinga dahil sa lapit ng mukha niya sa akin. Ramdam na ramdam ko tuloy ang init ng hiningang nagmumula sa kanyang bibig at mas nakita ko tuloy ng malapitan ang namumula at mukhang malambot niyang labi.
Akmang hahawakan ko na ang pinto ng kanyang sasakyan upang makalabas na dahil naguguluhan na talaga ako sa nararamdaman ko ng bigla na lang niyang higitin ang kaliwa kong kamay kaya napatigil ako sa planong paglabas.
Namumungay ang kanyang mga matang tumingin sa akin.
"Goodnight, G. Sleep well." Malambing niyang paalam sa'kin sabay halik sa aking kaliwang pisngi na nakapagpatigil sa akin.
Madalas naman niya akong halikan pero sa forehead nga lang at minsan lang sa pisngi kaya naman hindi na kaagad magkamayaw ang t***k ng aking puso dahil lang sa kanyang ginawa.
Bakit dati sa tuwing hinahalikan niya ako sa forehead at pisngi ay parang wala lang sa akin pero bakit ngayon, parang naaapektuhan na ako? Mygad! Ano ba 'to?!
"G-goodnight din Lawrence. T-thank you, bye." Nahihiya kong sagot sa kanya at dali-dali na akong lumabas ng kanyang kotse.
Habang naglalakad na ako papasok sa loob ng bahay namin ay gulong-gulo pa rin ako dahil sa kakaibang nararamdaman ko. Ni hindi ko na nga nagawang batiin si Charles na naglalaro sa salas pati na rin si Yaya na kakalabas lang at katatapos lang sigurong maglinis sa katabing room ko. Nagdire-diretso lang ako sa paglalakad kahit narinig ko ang pagtawag niya sa aking pansin.
Pagkapasok na pagkapasok ko sa aking room ay hinawakan ko kaagad ang aking dibdib. Ang lakas-lakas ng t***k ng puso ko na parang gusto ng kumawala. Kaagad akong nilukuban ng takot at kaba kaya mabilis akong pumikit at huminga ng malalim, pinapakalma ang aking sarili pati na rin ang nagwawalang t***k ng aking puso.
"Wala 'to. Wala lang 'to. Don't overthink, Garnet. It's nothing. It's really nothing."