Kabanata 3
Mabilis lang lumipas ang mga araw. Hindi ko na rin masyadong inisip pa ang nangyari noong nakaraang araw na nagpabilis ng t***k ng aking puso dahil sa naging busy na rin ako sa practice namin sa dance troupe lalo na at ako ang President. Ang performance talaga namin ang isa sa mga inaabangan ng mga manunuod kaya mas dapat naming pag-igihan at pagbutihan.
Last day na ng practice namin ngayon at bukas na rin ang simula ng Intramurals namin kaya naman nag-overtime kami ngayon dito sa dance studio ng school namin. Ito ang isa sa mga pinakapaborito kong lugar dito sa campus namin. Napakalaki nitong dance studio namin na pwedeng-pwede talaga naming maipagmalaki sa lahat. Mayroon itong malaking salamin sa harapan at air-conditioned rin ito kaya naman gaganahan ka talaga sa tuwing sumasayaw.
Time checked it's 10 pm.
Nararamdaman ko na ang pagod and I'm sure na pagod na pagod na rin ang mga kasamahan. Ang iba ay nakahiga na sa sahig at ang iba nama'y nakaubob na kaya naman nagtawag na ako para sa isang company call.
Dali-dali naman silang lumapit at pumwesto sa aking harapan. Isa rin sa ipinagpapasalamat ko sa kanila ay ang pagiging disiplinado. Isang tawag ko lang sa kanila ay lalapit na kaagad sila na hindi ko na kailangan pang tawagin sila ng dalawang beses. Paniguradong madadala nila ang ganitong pag-uugali kahit saan man sila magpunta.
Inilibot ko ang aking paningin sa kanila at nababakas nga sa kanilang mga mukha ang sobrang pagod. Basa na rin ang kanilang mga suot na damit dahil sa pawis.
"Okay guys, bukas na ng umaga ang performance natin. Pagkarating niyo sa inyong mga bahay, magpahinga na kaagad kayo , okay? Para mas maganda ang galaw at performance natin bukas. Take care guys and see you tomorrow!" Masaya kong paalam sa kanila.
Nagdasal naman muna kami bago sila mabilis nagsikilusan upang ayusin na ang kanilang mga gamit at nang makauwi na rin.
Ako naman ay lumapit muna sa may sound system para alisin na ang mga ito sa saksak.
Nang akmang bubunutin ko na ang wire ng speaker ay may biglang kumuha nito mula sa akin kaya naman ang nangyari ay nasa ilalim ang aking kamay habang ang kamay naman niya ay nasa aking ibabaw.
Mabilis akong lumingon dito at ang nakangiting si Andrei ang bumungad sa akin.
And yes guys, member din si Andrei ng dance troupe namin.
Nagulat din nga ako nang nag-auditon siya eh, at masasabi ko talagang magaling din siyang sumayaw kaya hindi na rin ako nagtaka pa ng makapasa siya sa audition. At ang sabi pa ng mga kasamahan namin at advisers namin sa dance club, parang si Andrei daw ang boy version ko sa pagsasayaw. Sa indayog at galaw daw ay parehong-pareho kami kaya sa magiging performance namin bukas ay siya ang kapartner ko.
Dali-dali ko namang inalis kaagad ang kamay ko sa ilalim ng kamay niya dahil pakiramdam ko ay hindi tama at pakiramdamn ko rin na may pinagtataksilan ako.
Mygad Garnet, pinagsasabi mo?!
"Ang galing-galing mo talagang sumayaw, Garnet!" Nakangiting aniya sa akin habang binubunot na ang mga nakasaksak na wire.
"Magaling ka rin naman kaya pareho lang tayo." Nakangiti ko ring sagot sa kanya.
"Thank you nga pala sa pagpayag na maging kapartner ako." Hinging pasasalamat na naman niya.
Pang-isang daan na ata niya 'tong pagpapasalamat sa akin simula ng pumayag ako sa alok niya. Hindi lang daw talaga siya makaget over na sa dami raw ng nagyaya sa akin upang maging kapartner sila ay sa kanya pa ako pumayag.
"Ano ka ba, Andrei? Maliit na bagay lang 'yon kaya hindi mo na kailangang magpasalamat pa araw-araw kagaya ng ginagawa mong 'to." Natatawa kong sagot sa kanya.
Sabay kaming lumapit sa aming mga gamit upang imisin na ang mga ito at para makauwi na rin. Kami na lang dalawa ang naiwan dito sa loob ng dance studio kaya ang tahimik ng buong paligid, tanging ang mga paggalaw na lang namin ang naririnig.
"Uhm. Garnet?" Tawag pansin sa akin ni Andrei sabay lingon ko sa kanya.
"Why?"
"Can I drive you home?" Nahihiyang tanong niya habang nagkakamot pa sa kanyang batok kaya hindi ko na napigilang matawa. Ang cute niya tas namumula pa ang kanyang mga magkabilang pisngi at tainga.
"Andr--" Hindi ko na natuloy pa ang aking sasabihin nang biglang bumukas ang pinto ng dance studio at lumabas mula doon ang may masama at madilim na tingin na walang iba kung hindi ang pinsan kong si "Lolo" Lawrence Adrian Villafuerte.
Nakasuot siya ng jersey uniform at mukhang pawis na pawis pa habang bitbit sa kaliwang kamay ang kanyang sapatos, katatapos lang sa kanilang training.
Dali-dali siyang lumapit sa'kin habang hindi inaalis ang masamang tingin kay Andrei. Kitang-kita ko mula sa aking pwesto ang pagtiim at paggalaw ng kanyang mga panga.
Nang makalapit na siya sa pwesto namin ay saka lamang siya lumingon sa akin.
"Let's go home, G. It's already late." Seryosong aya niya sa akin habang inaabot ang bag ko.
Hindi na ako nakipagtalo pa sa kanya dahil mukha siyang pagod na pagod mula sa training nila ng basketball. Katulad ko ay part din siya ng varsity team simula noong mga Grade 7 pa lang kami at ginawa din siyang Captain Ball noong Grade 11 naman kami kaya hindi talaga maiiwasan na magkaroon ng high expectations ang mga tao sa amin.
"Andrei, mauuna na kami ha? Ikaw na ang bahalang maglock nitong studio. See you tomorrow." Nakangiti kong paalam sa kanya.
Sumulyap muna siya kay Lawrence na mukhang inip na inip ng umalis bago sumagot sa akin.
"Sige Garnet. Ingat kayo." Nakangiti din niyang sagot sa akin.
"Tsk!" Narinig kong singhal nitong katabi ko at dali-dali akong hinigit papuntang parking lot.
Pagkapasok na pagkapasok namin sa kanyang kotse ay tahimik lamang siya. Halatang pagod na pagod talaga sa ensayo. Nakita ko naman kung gaano siya kapawisan kaya naman mabilis kong kinuha ang towel mula sa back seat at sinimulan ko na siyang punasan.
"Nagpatuyo ka na naman ng pawis, Lawrence. Magkakasakit ka niyan sa ginagawa mo eh." Medyo naiirita kong pangaral sa kanya.
Ganito na lang siya palagi tuwing may training sila kaya hindi ko talaga maiwasang mairita. Sakitin pa naman 'tong isang 'to. Masyado siguro siyang kampante dahil kapag nagkakasakit siya ay gumagaling din siya kaagad makainom lang ng gamot.
Matapos ko siyang punasan ay kinuha ko naman mula sa bag niya na nasa back seat rin ang kanyang damit upang makapagpalit na rin siya at mabilis ko iyong inabot ko sa kanya.
"Magpalit ka na nga muna!" Naiirita ko pa ding singhal sa kanya. Mukha kasing kapag pipigian ang kanyang suot na jersey ay paniguradong may tutulong tubig mula sa kanyang mga pawis doon.
Hindi naman na siya umimik at sumunod na lang sa utos ko.
Nang magsimula na siyang maghubad ay dali-dali akong lumingon pakabila para hindi ko makita ng tulkuyan ang hubad niyang katawan.
Shems!
Narinig ko pa ang mahina niyang pagtawa, mukhang natutuwa sa naging reaksyon ko.
"Bilisan mo na nga diyan!" Pagmamadali ko sa kanya habang nasa ibang direksyon pa rin ang aking paningin.
"Tapos na po mahal na reyna." Nang-aasar pa nitong sagot.
Hinablot ko naman mula sa kanya kaagad ang jersey niyang basang-basa ng pawis para ito ay tupiin at ilagay sa back seat. Hindi ko 'yon maiwasang hindi maamoy dahil sa lakas ng dating ng kanyang mamahaling pabango na iniregalo ko sa kanya noong kaarawan niya. Kahit na basa ng pawis ay mabangong-mabango pa rin, ni walang bakas ng ano mang masangsang na amoy. Ang sarap amoy-amuyin, hindi nakakasawa.
"Gosh ano ba 'tong naiisip ko!" Kausap ko na sa aking sarili upang mabalik ako sa aking katinuan.
"Hmm. Mabango ba?" Nakangiting tanong sakin ni Lawrence at walang sabi-sabi akong niyakap.
Mabilis akong napasinghap dahil sa biglaan niyang ginawa. Maging ang bagong damit na suot niya ngayon ay umaalingasaw na rin sa buong loob ng kotse dahil sa napakabangong amoy.
"Anong mabangong pinagtatanong mo diyan?! Hindi ko kaya inamoy!" Pagmaang-maangan ko pa sa kanya habang tinutulak-tulak ko na siya palayo mula sa akin ngunit mas lalo lamang humihigpit ang yakap niya.
Lalaksan ko na sana ang pagtutulak ko sa kanya ng mapatigil ako ng bigla siyang magsalita.
"5 minutes. Just 5 minutes, G. I'm really really tired from training. I really need to charge to regain my energy so I badly need your hug right now." Malambing na bulong nito at lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. Hindi pa nakuntento ang loko at nagsumiksik pa sa aking leeg kaya naman rinig na rinig at ramdam na ramdam ko mula doon ang ang kanyang paghinga.
Ako nama'y parang naestatwa sa aking kinauupuan, hindi na naman alam kung ano ang gagawin lalo na ng magsimula na namang magwala ang t***k ng aking puso. Mabilis akong natakot na baka marinig or maramdaman niya ang mabilis na kabog ng aking puso dahil sa pagkakadikit ng aming mga katawan.
Ito na naman. Ito na naman ang pagwawala ng aking kalooban. Hindi ko na alam.... Hindi ko na maintindihan kung bakit na ako nagkakaganito sa tuwing malapit siya sa akin...
Sana.... sana wala lang 'to...