KABANATA 4

1688 Words
Kabanata 4   Isang umaga ay kaagad akong naalimpungatan dahil sa mga mumunting ingay na nagmumula sa labas ng bintana ng aking kwarto.   Kinusot ko muna  ang aking mga mata bago ako dahan-dahang bumangon upang tingnan kung ano dahilan ng mga mumunting ingay na nagmumula doon.   Hindi na ako nagulat pa ng makita ko mismo si Lawrence mula sa labas ng aking bintana habang may malaking ngiti.   Madalas niya 'tong gawin kapag trip niya. Besides sa magkapitbahay lang kami ay magkatapat din ang mga room namin kaya naman madali na lang para sa kanya na pumunta sa may bintana ko dahil na rin sa tulong ng malaking puno na nasa pagitan ng aming bahay na ginagawa niyang tulay.   Naiinis na din ako minsan kapag ginagawa niya ang ganito dahil naaabala ako sa masarap kong tulog. Madalas kasi na kahit wala pang araw kapag umaga ay pumupunta na siya kaagad dito at tatabi sa aking pagtulog. Wala naman na akong nagagawa na kahit ayaw ko dahil kung hindi ko siya pagbubuksan ng bintana ay hinding-hindi rin siya titigil hanggat't hindi ko siya papapasukin.   "Ano ba Lawrence?! Ang aga-aga nandito ka na naman!" Naiinis kong tanong sa kanya habang pinagbubuksan ko na siya ng bintana. Iba talaga ang mga trip nito. Mayroon namang mga pinto ang bahay namin pero dito siya sa bintana ko kumakatok at nang-aabala.   Pumasok naman kaagad siya ng matanggal ko na ang lock ng aking bintana.   "Tsk! G, Parang hindi ka naman na nasanay sa ganitong ginagawa ko ah?" Mayabang namang niyang sagot.   "Yun na nga! Sana sa ibang araw mo na lang 'to ginawa! Alam mo namang may event pa tayo mamaya sa school! 5am pa lang oh?!" Bulyaw ko na sa kanya sabay turo ko sa may orasang nakadikit sa dingding ng aking silid. Naiirita na talaga ako! Baka kulangin ako sa tulog nito dahil sa kagagawan ng isang 'to!   "Matulog na nga lang ulit tayo. Halika na." Pag-aya nito sa akin at nagawa pa akong alalayan pahiga ng aking kama bago siya pumwesto sa aking tabi.   "Hayy naku Lawrence. Lakas talaga ng trip mo!" Singhal ko pa rin sa kanya, walang paawat.   Pagkahiga ko ay hinigit niya ako kaagad papalapit sa kanya kaya naman ang lapit-lapit ng katawan namin sa isa't-isa. Ginawa niyang unan ko ang braso niya at mas hinapit pa ako palapit sa kanya habang ang isa niyang kamay ay nasa baywang ko.   Hindi lang ito ang unang beses na nakatabi ko siyang matulog pero bakit parang may kakaiba ngayon? Bakit parang naaapektuhan na ako ngayon?    Heto na naman....Heto na naman ang hindi ko maintindihan na pakiramdam...   "Stop talking already, G. Let's sleep now again. May performance pa kayo mamaya." Aniya habang mas yumakap pa sa akin at mas sumiksik pa lalo sa leeg ko.   Bumuntong hininga na lang ako at pumikit. Inaantok pa rin talaga ako. Kailangan ko pa talagang matulog dahil napagod ako sa naging overtime namin kagabi.   Unti-unti na akong nilalamon ng antok kaya hindi ko na alam kung tama ba na may narinig akong may nagsabing, "Sleep tight, baby" at sabay patak pa ng halik sa aking forehead.   --- "G, wake up. It's 7 am already." Paggising sa'kin ni Lawrence.   "Hmm. Inaantok pa ako." Ungol ko sabay talukbong ng kumot sa buo kong katawan. Inaantok pa kasi talaga ako eh, at parang gusto ko pang matulog ng matagal at mas mahaba.   "Bumangon ka na diyan, G. Magmemake up ka pa 'di ba?" Patuloy na paggising nito na nakapagpabalikwas sa akin.   Mabilis akong napangiti ng mapait ng tuluyan na nga akong magising.   Oo nga pala, hindi ako katulad sa ibang girls na may mga Mommy na tutulong sa kanila para magmake up. Bata pa lang kasi ako ay palaging si Daddy na ang sumasama sa akin sa school para sa mga program na kabilang ako at ako din lang ang nag-aayos ng aking sarili hanggang ngayon na Senior High School na ako at graduating na. And I'm really sure na hanggang college ay ganito pa rin.    Kailan kaya na si Mommy naman ang mag-iintindi at mag-aayos sa akin? Hindi naman masamang umasa hindi ba? Kaya hangga't nabubuhay ako ay aasa ako na balang araw ay magagawa din ding ipakita at iparamdam sa akin ni Mommy na mahal at mahalaga ako sa kanya.   Nag-unat-unat muna ako ng aking mga kamay bago ako tuluyang tumayo para ayusin ang aking pinaghigaan.    Ang gaan-gaan ng pakiramdam ko ngayon.   Everytime talaga na kapag katabi kong natutulog si Lawrence, paggising ko sa umaga ay ang gaan-gaan na kaagad ng pakiramdam ko. Parang nawawala lahat ng mga alalahanin at mga problema ko kapag siya ang kasama ko at kapag nandiyan lang siya sa tabi ko.   "Umuwi ka na Lawrence para makapagready ka na rin." Saad ko sa kanya habang papalapit na ako sa aking closet upang kumuha ng towel.   "Okay. See you later." Mabilis niyang sagot atsaka mabilis ding dumiretso sa may bintana para doon lumabas kaya napailing-iling na lang ako habang papasok ng bathroom.   Ewan ko ba sa isang 'yun. Mas gusto niya na sa bintana pumapasok at lumalabas. Hindi alintana kung gaano kadelikado dahil ang palagi niyang dinadahilan sa akin ay hindi naman daw siya ganun katanga para daw hayaan niya ang kanyang sarili na mahulog or madulas para sa pagdaan niya sa bintana ko. Kawawa din daw ang mga kababaihan na patay na patay sa kanya kapag nagkaroon daw ng sugat alinman sa parte ng kanyang maganda at machong katawan kaya hindi daw talaga niya hahayaan na madisgrasya siya. Tsk! Dami kaagad sinabi! Pinapahirapan lang naman niya ang sarili niya eh!   Pagkatapos kong maligo ay tinawag ko na rin si Yaya Minda upang dito na ako sa aking kwarto dalhan ng breakfast. Baka kasi malate ako eh. 8:30 pa naman ang start ng opening namin at mag-aayos pa ako.   I'm doing my makeup while I'm eating my breakfast.   Napabuntong hininga na naman ako ng mabigat.   Sana may Mommy din ako na tumutulong sa'kin mag-ayos kapag may mga ganitong event sa school kagaya ng ibang mga babae. Hindi pa din talaga ako nawawalan ng pag-asa na mangyayari at darating ang araw na 'yon para sa aming dalawa ni Mommy.   Nagfocus na lang ako sa aking pag-aayos at pati na rin sa aking pagkain at isinantabi muna ang isiping 'yon.   Pagkatapos kong kumain at mag-ayos ay dali-dali kong kinuha ang costume namin para makapagbihis na rin kaagad.   Pagkatapos ko namang magbihis ay naupo na ulit ako sa harap ng aking vanity mirror para sa aking final retouch ng bigla na lang bumukas ang pinto ng aking room.   "G, are you done?" Mabilis na tanong ni Lawrence habang papalapit sa akin.   Lumingon ako sa kanya at mabilis kong nakita ang pagkunot ng kanyang noo habang tinitingnan ang aking kabuuan.   Pinagmasdan ko na lang din siya habang naglalakad patungo sa akin.    He's wearing a red t-shirt, jeans, and white sneakers. Napakalakas pa rin ng dating niya kahit ang simple lang ng suot niya ngayon.   Opening lang naman ng Intramurals namin ngayong araw kaya ang susuotin ng mga students ay ang designated colors kung saang family sila kabilang.   Kaming magpipinsan ay magkakasama sa Family 3 kaya naman nakapula talaga kaming lahat mamaya.   Mabilis siyang nagpamaywang sa aking harapan habang may masamang tingin ng tuluyan ng makalapit sa akin.   "Stand up, G." Utos niya na dali-dali ko namang sinunod dahil sa nakakatakot niyang boses, isama pa ang seryoso niyang expression ngayon.   Lumapit pa lalo siya sa'kin at siya na ang naupo paharap sa aking vanity chair. Nakatingin lang ako sa kanya, hinihintay ang kanyang susunod na mga gagawin.   "Come here." He said while tapping his lap.   Hindi kaagad ako nakalapit dahil sa kaba at dahil na naman sa abnormal na t***k ng aking puso sa tuwing nandiyan siya.   "Garnet Monique!" Ayan na! Once na binanggit na niya ang full name ko ay galit na talaga siya kaya unti-unti na akong lumapit sa kanya at ng makalapit na talaga ako ay bigla niya akong hinigit papunta sa kanyang kandungan at pinaupo ako doon ng nakatagilid.   "What are you wearing?" He still seriously asked while looking at me straight into my eyes and while holding me tightly on my waist.   Napatingin naman ako kaagad pababa sa suot ko.   Ano bang problema niya? Crop top na white at black skirt lang naman 'to tas white sneakers!   "Ahm, costume namin?" Inosente kong sagot.   Napapikit at napahinga naman muna siya ng malalim bago muli ako kausapin.   "I know Garnet Monique that these are your costumes. What I'm asking is that why is it so sexy?" Magkasalubong na magkasalubong na kilay na niyang tanong matapos akong paupuin paharap sa kanyang kandungan.   Hindi naman kaagad ako nakasagot dahil sa posisyon namin ngayon. Take note na nakapalda pa talaga ako ha!   Mas hinapit niya pa ako papalapit sa kanya ng hindi ako nakaimik kaya naman bigla akong napahawak sa kanyang mga balikat upang hindi ako mahulog.   "Are you wearing cycling?" Tanong na naman niya sa akin.   Tanging tango na lang ang naisagot ko dahil sa lapit ng mukha namin sa isa't-isa na halos naaamoy ko na ang gamit niyang mouth wash.   "Good, dahil ayaw kong may mamboboso sayo." Aniya habang nakatingin na ngayon sa labi ko kaya naman hindi ko napigilan ang aking sarili at napatingin na din sa kanyang labi.   Ilang segundo lang ang lumipas ng matauhan ako kaya naman mabilis akong lumingon lang pakaliwa para mawala ang atensyon namin sa mga labi ng isa't-isa.   "A-ahm, let's go na baka malate pa tayo." Pag-iiba ko ng usapan at akmang tatayo na ako sa pagkakaupo ko sa kanyang kandungan ng mabilis niya akong pigilan.   "Let me hug you first." Malambing niyang pakiusap sa akin at hindi na ako hinintay na sumagot dahil inatake na kaagad niya ako ng yakap.   "Goodluck for later." Malambing pa rin niyang bulong sa akin at sumiksik pa sa aking leeg kasabay ng pagdampi ng kanyang labi doon na mabilis na nakapagpatigil sa akin.   It's his first time doing that to me!   Ano ba 'tong mga ginagawa at pinapakita niya sa'kin?!   Normal pa ba 'to sa magpinsan?!   Mygad Lawrence Adrian!   Naguguluhan na ako!   Ayoko nitong nararamdaman ko!   Ayoko nito! Mali 'to! Maling-mali...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD