Kabanata 5
When I arrived at the dance studio, my members were already there wearing our costumes.
Kung kaming mga babae ay nakacrop top na white, black skirt at white sneakers, ang boys naman ay nakasando na white, black pants at white sneakers din.
Iyon ang mga napagkasunduan naming costume dahil ang sayaw namin ay may theme na medyo pangsexy.
Binaba ko muna ang aking mga gamit bago ako dumiretso sa aking mga kagrupo.
"Okay guys, hindi na tayo sasama sa parade dahil baka masira lang ang mga makeup natin kaya naman, for the mean time ay dito na lang muna tayo sa loob ng studio." Announcement ko sa kanila. Nakita ko naman na natuwa sila naging announcement ko, at siyempre natuwa rin ako dahil hindi talaga biro ang init sa labas ngayon kahit 8:30 pa lang at hindi rin biro ang tagal ng ginawa naming pagmemakeup.
Akmang tatalikod na ako ng may tumawag bigla sa aking pangalan kaya naman napaharap ulit ako.
I saw Andrei with two-person. The one is Coach Villanueva and I think the other one is his mother if I'm not mistaken.
Pare-pareho silang mga nakangiti ng makalapit sa akin.
"Is it okay if I will introduce you to my parents?" Mukhang kinakabahang tanong sa akin ni Andrei. Hindi ko alam pero ang gaan-gaan talaga ng loob ko sa kanya sa unang pagkikita pa lang namin.
"Sure, no problem." Nakangiti ko ring sagot sa kanya sabay baling ko sa kanyang mga magulang.
Kung tutuusin ay hindi na niya ako kailangang ipakilala pa kay Coach dahil aside sa teacher namin siya sa isang subject, ay parang pangalawang tatay ko na rin siya dahil sa closeness namin simula pa lang noong Grade 7 ako.
"Mom, Dad this is Garnet Monique Villafuerte. Garnet, these are my parents". Pag-introduce sa akin ni Andrei.
"Hello po. Good morning, Ma'am." Pagbati ko sabay lapit sa Mommy ni Andrei upang bumeso.
"Hi Coach." Natatawa kong bati naman kay Coach. Ngumiti lang siya ng pagkaganda-ganda at tumango lang sa'kin bilang tugon.
"My husband and son were right, Hija. You are really gorgeous!" Magiliw na pahayag sa akin ni Mrs. Villanueva, mukhang namamangha pa.
Mabilis namang pinamulahan ang aking magkabilang pisngi.
"Ay, thank you po. Ang ganda-ganda niyo rin po Ma'am." Nahihiya kong sagot at papuri sa kanya.
Bukod kay Mommy, masasabi ko din na hindi halata sa Mommy ni Andrei na may edad na siya dahil sa angkin din nitong kagandahan. She looks like a goddess. Pareho sila ni coach na mga magagandang nilalang kaya hindi na ako nagtataka na ang gwapo din nitong si Andrei, may mga pinagmanahan talaga.
"Ano ka ba, Hija! Just call me Tita Grace or Mommy Grace, kung saan ka mas komportable." Nakangiti niyang alok sa akin.
Bigla akong natigilan at nangilid kaagad ang aking mga mata.
Sobrang emosyonal ko talaga pagdating sa mga ganito...
Parang may anghel na humaplos sa aking puso. Hindi ko inaasahan na kahit ngayon lang kami nagkakilala ni Mrs. Villanueva ay ganoon siya kaagad kabilis na papayag na tawagin ko siyang Mommy. Masyado talaga akong sensitive kapag ganito na ang usapan.
Katulad kayna Coach at Andrei ay ang gaan-gaan din ng pakiramdam ko sa kanya, at hindi ko alam kung bakit.
Nanlaki bigla ang kanyang mata ng makitang naluluha na ako. Dali-dali niya akong hinawakan at hinaplos sa magkabila kong braso.
"Garnet Hija, what's wrong? May nasabi ba akong mali o hindi mo nagustuhan? If it's not okay with you to call me 'mommy', it's also okay with me. You don't need to cry. Hindi naman ako namimilit, anak." Nag-aalalang saad niya sa akin.
Mabilis akong umiling at pinunasan ko din kaagad ang mga luha sa aking mga mata na nagsisimula ng magsibagsakan.
"Nothing is wrong po...Mommy." Nakangiti kong sagot sa kanya habang medyo umiiyak pa rin.
Nawala na ang pag-aalala sa kanyang mukha at mabilis iyong napalitan ng malaking ngiti sabay yakap niya sa akin.
"I saw a lot of videos that you were dancing. You are a really really great dancer. And if you're my daughter, I would really be so proud of you." Bulong niya sa akin habang hinahaplos ang aking likuran. Ramdam na ramdam ko mula sa kanyang pagkakasabi kung gaano siya kaproud sa akin kaya naman mas lalo akong napaluha at niyakap ko na rin siya ng mahigpit pabalik.
That was what I've been longing to hear and feel from own my mother.
"Thank you po. Thank you so much....Mommy." Emosyonal na sagot ko sa kanya at sumiksik na ako sa kanyang leeg.
"Honey, bakit nag-iiyakan na kayo diyan? May performance pa 'yang si Garnet. Medyo nagulo na tuloy ang make up niya." Nangingiti at naiiling na awat sa amin ni Coach.
"Pasensya na, Honey. Nadala lang talaga kami ng aming mga emosyon. Ewan ko ba kung bakit ganito kagaan ang pakiramdam ko sa batang 'to."
"Halika na anak, aayusan na muna kita". Masiglang yaya sa'kin ni Mommy Grace at hinigit na ako papunta sa bakanteng lamesa at upuan upang simulan nang ayusan.
Nagkwentuhan lang kami ni Mommy Grace habang inaayusan niya ako. Ang sarap-sarap niyang kausap at parang matagal na akming magkakilala.
Masayang-masaya ako ngayon dahil ganito pala ang feeling kapag mayroong Mommy na nag-iintindi sayo at nagpaparamdam na kamahal-mahal at may halaga ka.
Hindi din nagtagal ay pinalabas na kami dahil magsisimula na ang program.
All the students are in the gymnasium right now. Nandito na kaming lahat ng mga kasamahan ko sa backstage habang hinihintay na lang ang pagtawag sa grupo namin. At mga ilang minuto lang din ang lumipas ng tawagin na kami.
"Let us all welcome, The Dance Troupe!." Pagtawag sa amin ng emcee kaya naman mabilis kaming pumwesto sa stage.
Huminga muna ako ng malalim at ngumiti sa harap ng maraming tao.
Let's go, guys! This is it!
"Shape of You" by Ed Sheeran
I'm in love with the shape of you
Ako ang nagchoreograph ng sayaw na 'to. Last year of dancing ko na rin sa school na 'to kaya ang naisip ko ay by partner at ang naging kapartner ko nga ay si Andrei. Masasabi ko talaga na kumportable na ako sa kanya dahil hindi ako naiilang tuwing praktis namin at hanggang ngayong nagpeperform na kami kahit medyo touchy ang mga moves at sa harap pa ng maraming tao.
We push and pull like a magnet do
Habang nakahawak sa aking baywang si Andrei ay napatingin ako sa may unahan at hindi na ako nagulat na nandoon sina Lawrence dahil dun naman palagi ang pwesto nila na mga pinsan ko. Ang pinagtataka ko lang ay kung bakit parang galit siya? Kitang-kita ko kasi mula dito ang pagkakunot ng kanyang noo pati na rin ang pag-ikom ng kanyang mga kamao na nakapatong lang sa kanyang hita.
May mali ba sa ginagawa namin? Ano bang problema niya?
Pinagsawalang bahala ko na lang iyon at lumingon na lang ako ulit kay Andrei upang ipagpatuloy ang aming sayaw.
Ito na yung time na gigiling kaming mga babae sa harap ng partner naming mga lalaki, at after that ay ipapaikot naman nila kami then hahapitin ulit papalapit sa kanila.
Oh, I'm in love with your body
Pinaulit-ulit lang namin ang mga steps at kitang-kita ko sa mga kasamahan ko na masayang-masaya sila sa aming ginagawa. Maging ang mga manunuod ay tuwang-tuwa din at manghang-mangha sa mga galawan namin.
Dancing is really my passion. Ito ang isa sa mga bagay na mamimiss kong gawin dito sa school na 'to dahil nga sa graduating na ako, and hopefully sa college ay maqualified ako sa Dance Troupe ng St. Claire University....my dream school.
Bago matapos ang music ay muli akong lumingon sa pwesto ng mga pinsan ko at bigla akong kinabahan ng makitang nakakuyom pa rin ang kamao ni Lawrence.
----
"Good job, guys! We all did great! Thank you so much sa efforts ninyo. It means a lot to me dahil last year ko na din ito. Mamimiss ko kayong lahat." Drama ko sa kanila at nakita ko ang mabilis at sabay-sabay nilang paglungkot.
"Sana ipagpatuloy ninyo ang inyong passion, and I hope na magkita-kita pa rin tayo after I graduate. Don't stop dancing. I love you all so much, guys!" Naluluha ko na talagang wika sa kanila.
Sobrang mamimiss ko kasi talaga sila. 6 years. 6 years ba naman kaming magkakasama. Sa kasiyahan, pagod, puyat at iyakan. Thank you so much Lord for giving me this kind of family. I'll forever treasure this.
"GROUP HUUUUUUUUG." Sigaw ng isa sa mga kagrupo ko, at ayun na nga nagsuguran na sila papunta sa akin para yumakap.
Pagkatapos ng yakaapn at pasalamatan ay nagpicturan din kami at pagkatapos ay nagsialisan na rin.
Akmang kukunin ko na ang aking bag ng may umagaw nito mula sa akin and it was no other than, Lawrence Adrian.
Sa Wednesday pa ang laban nina Lawrence sa basketball at ako naman ay bukas kaya paniguradong ang gagawin namin ngayong first day of intramurals ay bibisita lang sa mga booths.
Muli niyang ibinaba ang aking gamit kung saan ko ito kinuha at kaagad akong hinapit sa aking baywang.
"Congrats, G." Bati nito sa akin sabay halik at yakap. Pansin ko kaagad na parang wala siya sa mood ngayon.
Bakit kaya?
"Let's take a picture." Pag-aya niya sa akin. Sakto din namang dating ng mga pinsan namin.
Simula pa talaga noon kapag may isa sa amin na sumasali sa isang event, hindi maaaring walang picture taking na magaganap. Wantusawa kaming magpipinsan pagdating sa picturan.
"Congrats, Garnet! Galing-galing mo talaga! Walang kupas!" Bati nila sa akin sabay halik din at yakap.
Pumwesto naman kaagad ang mga pinsan ko para sa picture taking bago tumawag ng pwedeng magpicture sa amin. Kaming dalawa ni Lawrence ang nasa gitna. Nasa kaliwa ko sina Nikki at Kian samantalang nasa kanan naman ni Lawrence sina Nhya at Axl.
Nang umalis na ang mga pinsan namin sa naging pwesto nila kanina habang may picture taking kami ay aalis na rin sana ako para kunin ang aking gamit ng maramdaman ko ang paghigpit ng kapit ni Lawrence sa aking baywang kaya hindi ako tuluyang nakaalis.
Nilingon ko siya ng may pagtataka ngunit bigla niyang tinawag si Kian.
"Hey Kian, take a picture of us." Utos nito kay Kian sabay abot ng phone niyang iPhone 11 Pro Max. Pare-pareho kaming magpipinsan ng phone pero magkakaiba lang ang casing para na rin hindi kami magkapalitan.
Dali-dali namang sumunod si Kian at tiningnan ako na may ngisi sa kanyang labi, sabay tingin din kay Lawrence na may pang-aasar.
"Faster you idiot." Naiinip na reklamo nitong katabi ko at napahalakhak naman si Kian dahil doon.
Mas hinapit naman ako ni Lawrence palapit sa kanya kaya naman magkadikit na magkadikit ang mga katawan namin.
Nakailang kuha din ng litrato sa amin si Kian bago sila magpaalam na mauuna na sa baba.
"Let's go, G. You need to change first," Masungit na ani na naman nito habang dala-dala na ang gamit ko. Hindi na lang ako umangal at sumunod na lang sa kanya.
Nagtataka ako kung bakit ang way namin ngayon ay papuntang gymnasium eh sa katabi lang naman ng studio ay may mga comfort room din.
"Where are we going, Lawrence?"
"C.R." Maikli at seryoso nitong sagot.
"Eh may banyo naman sa tabi ng dance studio ah. Bakit dito pa tayo sa banyo sa may gymnasium? Napalayo pa tuloy tayo." Ngiwit ko sa kanya.
"Tsk! Just change."
"Tsk! Fine, Mr. Sungit!" Sabay hila ko sa bag ko na nasa kamay niya. Pumasok na ako sa banyo ng masama ang loob at nagulat ako ng sumunod siya.
"Oh, bakit ka pumasok? Dun ka na lang maghintay sa labas." Pagtataboy ko sa kanya at akmang tatalikod na sana ako ng bigla na lang niya akong higitin sa aking braso at isandal sa pader.
Kaagad nanlaki ang aking mga mata dahil sa kanyang ginawa. Biglang naging mabilis na rin ang t***k ng aking puso.
"Lawrence, ano-"
"Alam mo ba kung gaano ako nagtimpi kanina Garnet Monique habang hinahawak-hawakan ka ng lalaking 'yon?!" Nanggagalaiting tanong niya sa akin.
Pansin ko kaagad ang pamumula ng kanyang tainga at mukha hanggang sa kanyang leeg dahil sa galit.
"Ano bang pinagsasabi mo Lawrence ha?! For god's sake it's just a dance! At bakit ba nagagalit ka ha?! Wala naman kaming ginawang masama!" Bulyaw ko pabalik sa kanya.
Hindi pa rin niya ako binibitawan kaya nakasandal pa rin ako sa pader. Ang higpit-higpit ng pagkakahawak niya sa akin kaya sigurado akong mamumula ang mga ito pagkatapos.
"I don't care if it is just a dance Garnet Monique! He doesn't have the right to touch you because YOU ARE ONLY MINE!" Nanggagalaiting sagot niya sa akin at walang sabi-sabing sinakop ang aking labi.