KABANATA 6

2543 Words
Kabanata 6   It has been one and a half days since I'm avoiding Lawrence.   Parang damang-dama ko pa rin ang labi niya sa aking labi. Pagkatapos niya akong halikan ay dali-dali ko siyang itinulak at nagmadali akong naghanap ng sasakyan pauwi. Nagdahilan na lang ako kayna Nikki na pagod ako kaya hindi ako makakasama sa kanila na pumunta sa mga booth. Kahapon ay ganun lang din ang ginawa ko, iniwasan ko siya. Kahit alam kong nandoon sila ng mga pinsan ko habang may game kami ay hindi ako lumingon at dali-dali lang din akong umalis after ng laro namin para umuwi agad.   Maaga akong umaalis nitong mga nakaraang araw at maaga rin akong umuuwi para hindi ako maihatid o masundo ni Lawrence.   Ngayong araw ang game nila at kanina pa ako kinukulit nina Nhya na manuod raw kami. Pumunta pa talaga sila dito sa bahay para lang kulitin at pilitin ako.   "Tinatamad talaga ako, guys, kayo na lang. Pasabi na lang kayna Kian na goodluck sa game nila." Walang kagana-gana kong sagot.   "Nag-away kayo ni Lawrence, 'no?" Nakataas na kilay na tanong ni Nhya.   "Hindi ah!" Maang-maangan ko.   "Kahapon ka pa hindi sumasama sa amin kaya patunayan mo ngayon na hindi talaga kayo magkaaway! At kilala mo kami Garnet, hindi kami titigil hanggat hindi ka pumapayag kahit magkasawaan pa tayo dito." Nang-aasar naman ngayong saad ni Nikki.   "Tsk! Fine, ito na! Mag-aayos na ako!" Kung kakulitan lang din naman ang paglalabanan, I'm 100% sure na panalo na agad 'tong mga pinsan ko. Mamumuti talaga ang mga mata mo kapag sila ang kinalaban mo.   They just clapped and giggled when I started to move.   Hays! Bahala na nga lang kung makikita ko siya. Hindi ko na lang siya papansinin.   Pinagdali-dali nila akong maligo at mag-ayos dahil baka maubusan raw kami ng upuan.   Nakamaong shorts lang ako at red na blouse then sandals.   Pagdating namin sa gymnasium ay ang dami na kaagad tao.   "Ayun sina Kian oh!" Turo sa bandang kaliwa ng gym ni Nikki.   Hinigit naman ako kaagad ng dalawa at dumiretso sa bleacher na nasa likod lang ng bench team nina Lawrence.   Nang papalapit na kami sa bleacher na malapit sa kanila ay bigla siyang lumingon sa aming direksyon kaya naman mabilis akong umiwas ng tingin at umupo na rin sa tabi ni Nikki.   "Good luck, Lawrence, Axl and Kian!" Magiliw na cheer ni Nikki sa kanila.   Kinuha ko na lang ang phone ko para may pagkaabalahan ako, nagkukunwaring hindi sila nakikita.   "Kain tayo mamaya after ng game namin ha? Walang tatanggi!" Aya ni Kian at kita ko mula sa aking peripheral vision ang paglingon niya sa pwesto ko, mukhang ako ang pinaparinggan ah.   Ramdam kong may kanina pa ring nakatingin sa akin ngunit hindi ko man lang nililingon.   Sasabihin ko pa lang sana kay Kian na hindi ako makakasama ng bigla na silang tawagin ng kanilang coach dahil magsisimula na raw ang game.   At ang team pala nina Andrei ang makakalaban nila!   Doon ko pa lang nilingon ang mga pinsan ko ng tumalikod na sila at pumunta na sa gitna ng court. Specifically kay Lawrence.    Villafuerte Jersey #28 huh? Bakit kaya? Hindi naman niya birthday 'yon ah dahil ako may may birthdate ng 28. Simula elementary kami ay 'yon na talaga ang jersey number niya at sa tuwing tinatanong ko siya ay "secret" lang lagi ang isinasagot niya sa akin.   Nagsimula na ang game at masasabi ko talaga na magagaling ang mga pinsan ko lalo na si Lawrence kaya hindi na nakakapagtaka na siya ang ginawang Captain Ball ng varsity team, pero parang hindi maganda ang laro ni Lawrence ngayon ah.   Lumingon naman ako sa kabilang team at masasabi ko rin na magaling din si Andrei. Manang-mana talaga kay Coach.   All throughout ng first quarter ay sa team lang ako lagi nina Andrei tumitingin dahil ayokong aksidenteng matingnan si Lawrence.   20-34 ang score in favor sa team nina Andrei.   "Garnet, ang sama ng laro ni Lawrence ah. Bakit kaya?" Agaw pansin sa akin ni Nikki habang mayroong nang-aakusang tingin.   "I don't know." Pagmaang-maangan ko ulit.   "Parang feel ko dahil nag-away kayo? Hindi kayo magkasama noong monday ng hapon at kahapon. May nangyari ba sa inyo?" Pag-usisa naman sa akin ni Nhya.   "Walang nangyari ha!" Sagot ko agad at hindi ko na namalayan na napalakas pala ang boses ko kaya naman napalingon din sina Lawrence sa pwesto namin at tumama ang paningin niya sa akin ngunit hindi ko hinayaang magtagal ang tinginan naming dalawa at mabilis akong umiwas.   Naalala ko na naman ang paghalik niya sa akin. Tama ba ang naiisip ko na may gusto siya sa akin? But why? We're cousins for pete's sake!   Nagsimula na ulit ang game. Kagaya ng first quarter ay lamang pa rin sina Andrei ngayong second quarter at ganun pa rin kasama ang laro ni Lawrence. Kita ko kanina na parang naiinis na sina Kian kay Lawrence dahil wala ito sa wisyo maglaro kaya hindi na ako nagtaka pa nang hindi muna siya ipinasok ng dumating ang third quarter.   May naramdaman na naman akong nakatitig sa akin kaya naman napalingon ako at abot hanggang langit ang kabog ng aking puso ng makitang titig na titig sa akin si Lawrence habang nagpupunas ng kanyang pawis.   Bigla siyang tumayo na mas lalo akong nagpakaba at nagpabilis ng t***k ng aking puso.   Wag kang lalapit sa pwesto namin please! Huwag! Huwag!   Pilit ko na lang itinuon ang aking atensyon sa mga naglalaro sa loob ng court.   May naramdaman kaagad akong presensya na palapit sa pwesto namin at hindi ko na kinailangan pang lumingon dito dahil amoy pa lang ay kilalang-kilala ko na kung sino.   At dahil wala akong katabi sa aking kaliwa ay doon siya naupo na mas lalo pang nagpabilis ng t***k ng aking puso.   Fuck! Ano bang ginagawa niya dito?!   Mabilis niyang inabot ang aking kamay matapos niyang maupo sabay lagay niya doon ng dala-dala niyang face towel kaya nagtataka ko siyang nilingon.   "Wipe my sweats." Hinihingal nitong saad sa akin.   Hindi na lang ako nagsalita at pinunasan na lang ang mga pawis niya. Ramdam na ramdam ko ang kakaiba niyang titig sa akin ngayon na halos hindi na maging normal ang way ng aking paghinga, idagdag pa ang nakapatong niyang mga kamay sa aking magkabilang tuhod.   Akmang ibaba ko na ang aking kamay na hawak ang kanyang face towel nang bigla na siyang magsalita.   "G, let's talk please." Pakiusap niya sa akin.   "Ano bang pag-uusapan natin, Lawrence? Wala naman tayong dapat pag-usapan pa. Bumalik ka na nga doon, may game pa kayo oh." Inosente kong sagot sa kanya.   "G, please." Pagsusumamo na niya ngayon.   Pinakatitigan ko muna siya. Pansin na pansin ko sa kanyang mga mata ang kalungkutan at parang may biglang kirot akong naramdaman sa aking dibdib.   Bumuntong hininga na lang muna ako bago dahan-dahang tumango.   Kaagad namang umaliwalas ang kanyang mukha at mabilis akong hinila papunta sa loob ng kanilang locker room.   Nang makapasok kami ay tahimik lang akong naupo habang siya ay nakapamaywang sa aking harapan at nakatingin lang sa akin.   Kinakabahan na naman tuloy ako.   "G, why are you avoiding me?" Malumanay na tanong nito sa akin at pansin ko mula doon ang lungkot.   "Alam mo na ang sagot diyan." Sagot ko habang hindi pa rin tumitingin sa kanya.   "Is it because of the kiss?" Maingat niyang tanong.   Hindi ako umimik. Nakatingin lang ako sa may pinto, iniisip kung lalabas na ba ako or hindi.   Ramdam ko na mas lumapit pa siya sa akin at bahagya pang lumuhod para magpantay ang mga mata namin.   "G, talk please....Talk to me." Pagmamakaawa na niya.   I don't have a choice kaya nilingon ko na rin siya at tiningnan sa mga mata.   "Why did you kiss me?"   "I kissed you because I like you." Mabilis at malambing niyang sagot sa akin.   Bigla akong natigilan. Kahit naisip ko na ang posibilidad na maaring ganoon nga ang dahilan kung bakit niya nagawa 'yon ay hindi ko pa rin naiwasang magulat.   A-anong he like me?! He really like me?! Sira na ba ang ulo niya?!   "But we are cousins for pete's sake, Lawrence!" Nanlalaking matang bulyaw ko sa kanya.   "I know that, G. But what can I do? I really like you and I don't know how to stop this anymore!"   "Mali 'yan, Lawrence! Mali 'to! Mali ang mga ginagawa mo kaya hanggat maaga pa ay itigil mo na!" Akmang tatayo na ako para umalis ng pigilan niya ako. Ikinulong niya ako kaagad sa kanyang mga braso upang hindi ako makawala.   "G, please. Let me. Let me show you how much I like you." Punong-puno ng emosyong pakiusap niya sa akin.   "I know that this is wrong but I can't stop this feeling anymore, and I don't want to stop this, G. I know na hindi lang ako ang nakakaramdam ng ganito sa tuwing magkasama tayo. Alam ko deep down in your heart, nararamdaman mo rin ang mga nararamdaman ko, so please, G."   Nangingilid na ngayon ang kanyang mga luha.   Aminin ko man o sa hindi, alam kong tama siya. May nararamdaman na nga ako para sa kanya. Pero natatakot ako sa mga maaaring mangyari dahil una pa lang ay mali na 'to dahil magpinsan kami.   Naisip ko na kung ngayon namin 'to pag-aawayan ay paniguradong maaapektuhan lalo ang paglalaro niya kaya may naisip ako.   "Bumalik na tayo. Pag-usapan na lang natin yan after ng Intramurals at ayusin mo ang paglalaro mo." Pakikipagkasundo ko.   Huminga muna siya ng malalim bago ako pinakawalan.   Bumalik na kami at gaya nga ng sinabi ko sa kanya kanina ay inayos nga niya ang kanyang laro kaya sa huli ay ang team nila ang nanalo.   Gaya ng pinag-usapan, after ng game nila ay kumain kami sa labas.   Pare-pareho na kaming mga gutom kaya sa mas malapit na fast dood chain na lang kami kumain.   Tahimik lang ako habang kumakain at habang nagkwekwentuhan sila. Hindi ko na ulit pinapansin si Lawrence dahil hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang naging pag-uusap namin kanina pati na rin ang bagay na inamin niya sa akin.   After naming kumain ay nagkayayaan na ring umuwi dahil mukhang uulan na at delikado sa daan kapag naabutan kami.   "Nikki, sa inyo na lang ako ni Kian sasabay pauwi ha?" Paalam ko habang naglalakad na kami papuntang parking lot.   Ayaw ko munang makasama at makausap si Lawrence. Mas gusto ko munang mapag-isa para makapag-isip ng maayos.   "Kian, sa atin daw sasabay 'tong si Garnet pauwi." Pag-imporma ni Nikki sa kanyang kapatid na nasa amin lang harapan habang katabi lang nito si Lawrence kaya naman pareho silang napalingon sa gawi namin.   "No, she's coming with me." Pagtutol ni Lawrence sa gusto ko at bigla na lang akong hinila papunta sa kotse niya.   Wala na lang akong nagawa dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa akin. Pagkapasok na pagkapasok namin ay kaagad niyang pinaandar ang kanyang sasakyan.   Tahimik lang ako habang ang atensyon ay nasa may bintana at habang pinipilit kong ituon doon ang aking isipan.   Nagtaka ako ng bigla kaming tumigil sa harap ng isang park sa loob ng village namin.   "Lawrence, why--"   "Let's talk, G. Ayoko ng ganito. I don't like your cold treatment." Pahayag nito habang inaalis ang kanyang seatbelt at mabilis na lumapit sa pwesto ko.   "Please, G. Just let me....let me show you how much I like you." Muling pakiusap niya at inabot pa ang aking mga kamay at dinala pa ang mga ito sa kanyang labi ngunit nanatili sa labas ang aking paningin.   "Alam kong mali 'tong nararamdaman ko, itong nararamdaman natin, but what else can we do? Nandito na 'to kaya hindi na natin pa kayang pigilan. Please, G. I'm begging you. Let's give it a try." bigla naman akong napalingon sa kanya ng may maramdaman akong butil ng tubig sa aking kamay na hawak-hawak niya ng mahigpit.   Umiiyak siya!  He's crying! F*ck!   Dali-dali kong tinanggal ang seatbelt ko upang daluhan siya.   Mas hinigpitan naman niya ang kapit sa aking mga kamay.   "Please, G. Nagmamakaawa ako. I really like you and I know you like me too. I want to work this out so let's try, please. Mahihirapan lang tayo lalo kung pipigilan natin 'to. G, please." Umiiyak pa rin niyang pakiusap sa akin.   Biglang namang may kumirot sa aking puso ng makita ko siyang umiiyak. Minsan ko lang siyang makitang ganito kaya hindi ko kayang nagkakaganito ng dahil lang sa akin. Hindi ako sanay at parang nasasaktan rin ako.   Pumikit muna ako at huminga ng malalim at saka ko siya ulit tiningnan.   Hayst! Bahala na!   "Okay...Just please...please, wag kang masyadong pahahalata sa ibang tao lalo na sa family natin. Ayokong may makakaalam nito." Pakiusap ko naman sa kanya.   Alam kong mali....Alam kong mali 'to pero tama siya na mas lalo lang kaming mahihirapan kung pipigilan namin ang nararamdaman namin para sa isa't-isa.   "F*ck yes! Thank you, G! Thank you! Thank you so much! I promise, G! I promise" Masaya niyang sagot sa akin at mabilis akong niyakap kaya naman hindi ko na rin napigilang mapangiti. Parang biglang gumaan tuloy ang aking kalooban.   Napatili naman ako ng bigla na lang niya akong buhatin at paupuin sa kanyang kandungan.   Kitang-kita ko sa kanyang mga mata kung gaano siya kasaya sa pagpayag ko.   Kahit anong tanggi ko sa aking sarili ay alam kong may nararamdaman na rin talaga ako para sa kanya.   "Thank you, G." Taos pusong pasasalamat niya habang nakangiti at habang papalapit na ng papalapit sa aking mukha.   Unti-unting nang naglapat ang aming mga labi.   Ramdam na ramdam ko mula sa kanyang mga halik kung gaano siya kasaya.   Mas hinapit niya pa ako papalapit sa kanya at hinawakan pa ang aking batok upang mas mapalalim pa ang aming paghahalikan.   He's tongue is seeking for an entrance kaya naman ibinuka ko ang aking labi at ipinasok naman niya agad ang kanyang dila doon.   He's my first kiss, noong araw na hinalikan niya ako sa loob ng C.R. Never pa akong nagkaroon ng boyfriend kaya wala akong experience sa mga ganito kaya naman ang ginagawa ko na lang ngayon ay ginagaya ko ang bawat galaw ng kanyang labi.   "Hmm." Ungol ko habang naglalaban na ang aming mga dila.   He's kissing me like he's been craving for it in a long time.   "I've been craving for your kisses for a long time now, baby." He lovingly said between our kisses.   Nararamdaman ko na ang paglikot ng kanyang mga kamay sa aking likod, braso at nararamdaman ko na rin ang basa sa aking kaselanan. May nararamdaman na rin akong umbok sa pagitan ng aking pang-upo kaya dali-dali akong humiwalay sa kanyang labi dahil alam na alam ko kong ano ang matigas na 'yon.   Nang humiwalay ang mga labi namin sa isa't-isa ay pareho kaming hingal na hingal dahil na rin sa ilang minutong paghahalikan namin. Maging ang kanyang mga mata ay namumungay na rin, mukhang nadala sa sensasyong naging dulot ng aming paghahalikan.   "Umuwi na tayo." Yaya ko sa kanya matapos bumalik sa normal ang aking paghinga. Baka kasi kung saan pa mapunta ang halikan naming 'to, mas okay na ang magpigil ng maaga kesa mapunta sa mas matindi.   "Okay, baby." Nakangiti niyang sagot sa akin at bago niya pa ako ibalik sa pwesto ko kanina ay pinatakan pa muna niya ako ng tatlong magkakasunod-sunod na mga halik sa aking labi.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD