Kabanata 43 Nang tuluyan kong masilayan ang lalaking nagbukas ng pintuan ng aking opisina ay dahan-dahan akong napaupo sa sahig habang papalapit na ito sa aking direksyon at habang buhat-buhat ko pa din ang aking anak. Ang kaba at sobrang kalabog ng aking puso ay unti-unti na ding nawawala nang masilayan ko kung sino ito. "Hey Garnet, are you both okay?" Nag-aalala nitong tanong habang inaalalayan ako sa aking pagtayo. Mga ilang segundo muna akong hindi sumagot hanggang sa makaupo na kami ng maayos sa sofa. I released a heavy sigh before looking at him straight into his eyes. "Yes Kuya Andrei, we're already fine." Naghihina kong sagot sa kanya. "What happened? Bakit pagdating ko ay nakita ko si Lawrence na balak pa lang buksan ang pinto ng office mo? What is he doing here? Did you t

