Kabanata 39 Galit. Yan ang nararamdaman ko ngayon para sa sarili ko dahil ngayon lang nagsink-in sa akin ang lahat ng nangyari. Yung kung paano ako naging marupok at nagpatalo sa tawag ng aking laman. Yung kung paanong sa bawat pag-ungol ko ay hindi ko naisip na may naghihintay sa akin na sarili kong anak sa bahay at yung paanong hindi ko naisip na siya yung taong nagwasak, nanakit at nang-iwan sa akin three years ago. Galit na galit ako sa sarili ko dahil isang haplos lang, isang halik lang ay ganoon na kaagad ako kabilis na bumigay sa kanya sa kabila ng ginawa niyang pananakit at pang-iiwan sa akin. Katulad ng sinabi ko kay Nikki noong High School Reunion namin, hindi na talaga ako galit kay Lawrence kaso nga lang nandito pa din yung sakit na idinulot niya at sa tingin ko,maghihilom

